15

22 3 0
                                    

CHAPTER 15

“Ano kayang gagawin ko?”

Mahina kong tanong sa sarili.

Ngayon ay nasa loob ako ng office ng isang supervisor dahil pinatawag ako. Naka-upo lang ako rito sa isang sofa.

Ilan minuto lumipas ay lumabas na sa isang pinto ang hinihintay ko, babaeng matankad dahil sa mataas na hills na kaniyang suot at medyo may katandaan na rin. May hawak itong dalawang envelope na makapal.

Tumayo ako, “Good morning po.”pagbati ko rito.

Inilahad nito sakin ang envelope, “Ipamigay mo ito sa lahat ng dadaan sa labas ng university natin at mga students na makakasalubong mo. Ayan muna ang gawin mo for our school.”mahabang lintanya nito kaya napatango ako.

Bakit Ngayon lang kaya may ipinagawa sakin?

Kinuha ko ang nasa kamay niya at niyapos ito, “Okay po,”

Bumaba ang tingin nito sakin at muling tumaas. Naiilang naman ako, nakaramdam din ng hiya sa paraan ng kaniyang pagtitig ay mistulang hinuhusgahan niya ang buo kong pagkatao.

“May mali po ba?”inosente kong tanong.

Umiling lang ito at tatalikuran na sana ako nang Bigla niyang pinitik ang mga daliri.

“Nakalimutan kong sabihin, naalala ko na.”nakangiti itong bumaling sakin.

Nanlaki naman ang aking mga mata na agad ko rin pinawi, “Ano po yun?”mabagal kong tanong sa kaniya.

“Ngayon ka lang namin inutusan dahil mas priority namin ang magkaroon ang mga scholars ng magandang grade. Less activity, less stress.”mabilis niyang sabi.

Ako naman ay ilan beses tumaas baba lang ang ulo. Wala na akong iba pang sinabi kung di ang salamat, matapos ang pag-uusap ay umalis na ako sa office.

Habang naglalakad ako patungo sa room para sa susunod na klase ay nasalubong ko si Emu sa hallway.

No'n una ay hindi niya namalayan na katabi na niya ako dahil abala ito sa hawak na libro. Seryoso ang mukha nito habang nagbabasa at patuloy lang sa paglalakad.

“Emu…”

Napatalon ito kaunti. Isinarado naman niya ang librong binabasa na isang subject ngayon sem. Mahina akong napatawa sa kaniyang reaksyon.

Naningkit ang mga mata niya dahilan para mapawi ang mga ngiti ko.

Nagngalit naman ang kaniyang mga ngipin, “May hindi ka sinasabi sakin.”pantay lang ang linya ng paglakad namin.

Mahina ang boses nito, “Bakit pinaalis mo si Elan?”pagsimula niya sa tanong na ito.

Akala ko kung ano naman. Tumaas lang ang kilay ko at ramdam ko na naman ang lahat ng dugo ko ay umakyat sa ulo ko.

“Sinabi niya lahat kay Daisy.”may riin kong sabi.

Ayaw ko pa naman sa tao na nagkakalat ng sikreto ko.

Lalong naningkit lang ang mga mata nito, “Weh… Siya ba mismo nagsabi? Inamin niya sayo?”

Napangiwi ako. Hindi ko alam kung naninigurado lang siya na ginawa iyon ni Elan o nagtatanong lang siya kung anong nangyari.

Umiling na lang ako, “Hindi, sinabi sakin ni Daisy.”pagsasabi ko ng totoo.

Kung naiisip niya na hindi magagawa iyon ng lalaking yun. Nagkakamali siya nagawa na niya.

Ang bait-bait tapos— Ayaw ko nga siyang isipin. Pinag-uusapan pa namin ngayon.

Akala ko hindi na muli ito magsasalita pero nang lumiko kami at malapit na sa hagdan paakyat sa 3rd floor ay muling bumukas ang kaniyang bibig.

Pretty Fake SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon