CHAPTER 9
“Anong nangyari sa inyong dalawa?”
Tanong na aming nakuha sa bawat kaklase namin. Kakatapos lang mag check dahil nag quiz kami ng pinakamahirap na subject sa BS marketing.
At takang-taka sila score namin dalawa. Hindi ko rin naman naiintindihan dahil ito lang ang kinaya ng braincells ko. Ewan ko kay Emu kung sumuko na talaga siya o hinulaan na lang.
“Huh, wala naman.”sagot ko at tinapatan ng tingin ang mga ito.
Alam kung may itatanong ulit sila.
“Bakit ang baba ng score nyo?”malungkot na lintanya ng Isa naming kaklase. “Inaasahan pa naman namin na kayo ang pinakamataas.”pagdugtong ng katabi niya at pareho tumango.
Balak ko sanang tumugon dito ay si Emu ang biglang nagsalita. “Kase hindi siya mataas.”
“Oo nga, bakit 10 ka lang?”tukoy nito ay Emu at lumaki ang ngiti namin pareho.
Wala naman talaga kaming naalala sa discussion kahit anong alog ko sa memorya ko. Kung meron man ay mga tanong iyon na sobrang dali masagutqn ngunit iilan lang din ito.
“Ilan score mo ulit, Dre?”ako naman ang kaniyang tinanong.
“9 lang.”mapantay akong aking boses dahil hindi naman dapat kami magsaya pero wala e, tatawanan mo na lang talaga ito.
“Bakit?!”tumaas naman ang boses nito kaya lalo akong natawa.
Hindi talaga sila makapaniwala sa mga score namin ngayon.
“At least kami ngayon ang pinakamababa.”abot tainga ang ngiti nito habang binibigkas ang mga salitang ito.
Itinaas niya ang bukas na kamay na parang nanunumpa at gano'n din ang ginawa ko tsaka pinaglapat ang aming maga palad.
“Talagang ipinagmamalaki pa nila.”umiiling na saad ng Isa naming kaklaseng babae matapos ay natawa rin siya.
“Syempre, 5 minutes lang yung binigay para mag review.”naka ngusong ani ni Emu at mabilis na nagbago ang emosyon muli siyang tumawa.
“Mga cellphone ninyo pakikuha na!”boses iyon ng aming professor.
Pinakuha niya kanina ang mga cellphone namin tsaka notebook upang manigurado na hindi kami mag che-cheat.
Tatayo na sana ako nang muling umupo ng makita ang hindi ko inaasahan.
Ang mga mata namin ay nagtama ngunit agad ko rin iniwasan ito. Itong katabi ko naman ay kunot ang noong lumingon sakin.
Kinausap nito ang professor namin at halos tumagal ito ng ilan minuto hanggang sa kaming dalawa na lang ni Emu ang naiwan ng aming mga kaklase. Habang may binibigkas ang professor namin sa kaniya ay panay ang lingon nito sa akin.
Matapos ang insidente sa funrun, hindi kami nag-usap simula kahapon iyon. Hindi man lang niya ako tinawagan kung maayos lang ako.
Hindi naman kase ikaw ang nililigawan. Pasok ng mga salitang ito sa aking isipan.
Walang ano-ano ay hinila ko na paalis sa room na iyon si Emu. Nagtungo na kami sa susunod na klase. Muntikan pa nga kaming nahuli dahil magkapanunod lang kami ng aming sunod na Professor.
Pagkatapos mag discuss ay, “Ilabas ang mga cellphone nyo dahil sinend ko ang reviewer sa gc natin.”utos nito.
Binuksan ko ang aking bag upang kunin ang cellphone ngunit wala akong nakita rito. Tinanggal ko ang mga notebook at walang bakas na narito ito.
“Yung cellphone ko!”gulat kong ani nang maalalang hindi ko siya inilagay sa bag ko.
Naghalo ang kaba at takot dahil ayun pa naman ang cellphone na binili sakin ni Dev. Hindi sapat ang sahod ko sa mga vlog ko dahil sa mga projects para sa bagong cellphone.
BINABASA MO ANG
Pretty Fake Smile
RomanceDeceit Series #1 Behind her beautiful smile, Deirdre in front of her close and long time friend is able to hide her deep feelings from him. There was a time to admit it but she didn't have the courage, until he had a girlfriend. She started to forge...