CHAPTER 22
Nakatayo ako sa harap ng bulletin board ng campus, ang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatitig sa dinoktor na larawan ng aking sarili, which is plastered all over the surface which is a funny piece of technology. Nakakadiri dahil nakapatong ang mukha ko sa isang babae na hindi ko naman kilala.
Sinamahan ito ng mga walang katotohanan na caption. Humigpit ang pagkakapit ko sa laylayan ng aking hoddie.
Naramdaman ko ang paghabol ng hininga ko, lumalabo ang mundo sa paligid ko habang nagbubulungan ang mga taong nagkukumpulan malapit sa akin.
Hindi pa ba sila titigil? Bakit umabot sa ganito? Pati ang mga professor namin ay makikita ito. Puno ng kahihiyan ang aking dibdib habang binabasa ko ang mga salitang sinadya upang sirain ako.
Nakatuon lamang ang mga mata ko sa aking sapatos habang naglalakad papalayo sa lugar na iyon. Nakakasawang kasinungalingan ang aking naririnig kaya umalis na lang ako.
Kakarating ko pa lamang sa aming room ay agad akong pinatawag sa Dean's office. Isa lang ang sumgi sa aking isipan habang humahakbang ng mabagal patungo sa kaniyang office.
“Ang scholarship ko.” Bulong ko sa aking sarili.
Mabigat ang mga paa ko habang papunta ako roon. Pagpasok ko sa loob ay natagpuan ko siyang hinihintay ako. I said good morning before I completely entered, a disappointed look was etched on his face.
Umiwas ako ng tingin at huminto ang mga mata ko sa lalaking ngayon na sa aking harapan. Umawang ang aking labi nang ipagtanggol niya ako.
“Dean, gawa-gawa lamang yun ng taong gusto manira sa kaniya.”
Elan was there too, trying to defend me, insisting it was all a plan of someone hates me.
Ngunit malamig lang ang mga mata ni Dean sa akin. “These accusations can’t go ignored, Ms. Evangeline. You need to address this.”
Mabagal akong napatango at palihim na ngumiti. Mabuti ay naniniwala sa akin si Dean.
Before I could respond. Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Dec, hinila si Elan palabas.
Bago ako makapagsalita,
Sumigaw ito, “Wala kang karapatang magsalita para sa kanya!” halata ang kanyang galit.
I was caught in the crossfire, feeling ko nakasangla ako sa awayan nila. “May nagtatanggol na sayo,” bumuntong hininga siya, binalik ang tingin sa akin, puno ng halong galit at pandidiri ang mga mata.
But Dev’s next words hit me harder. “You’re a slut,” madiin nitong saad.
Parang nabingi ako sa narinig. Ramdam ko ang galit sa loob ko. Hindi ko napigilan ang sarili at lumapad ang aking palad sa kaniyang pisngi.
Namalayan ko na lang ang butil ng luhang tumakas mula sa aking mga mata. Nanlaki ang mga mata niya at napahawak sa kaniyang pisngi.
May humawak naman sa kaniyang mga braso, isang body guard at nasa tabi nito si Dean. Hinila siya paalis sa silid na ito.
Naramdaman ko naman ang kamay ni Elan sa aking balikat. Patuloy ang pagtulo ng aking mga luha nang sumarado ang pinto.
Mistulang tali ang salitang iyon na nakasabit sa kisame na nag paninikip sa aking lalamunan.
Ilang oras pa ang itinagal ko sa Dean's office dahil kinausap pa ako ng mga councilors kung maulit daw iyon ay paparusahan ang mga taong may pakana no'n. Kung hindi raw maari akong lumipat ng ibang university na may same full scholarship provide nila. Nagpadala rin sila ng psychologists para siguraduhin kaya ko pa ang mga nangyayari sakin. Inamin ko naman na may dati akong sakit dahil sa trauma pero ngayon ito ay wala na.
“Maraming salamat po.”pagpapaalam ko bago lumabas ng silid.
Habang naglalakad ako pabalik sa room ay isang pigura ng lalaki ang napansin ko sa aking gilid.
Huminto ako, “Ano na naman?”walang ganang tanong sakaniya.
Wala akong sagot na nakuha subalit hinawakan niya ng sobrang higpit ang aking pulsuhan.
Tumigil kami sa pagtakbo sa isang liblib na sulok nitong campus. Hinarap ko siya.
Kailangan kong intindihin kung bakit galit na galit siya sa akin, kahit nakakapagod na.“Pinagkatiwalaan kita,” He started.
Parehong emosyong umiikot sa loob-loob namin.
“Hindi ba maaari na pareho lang tayong biktima?”Saad ko sa aking isip.
“You said you don't love me when I asked you, but how do you explain this?” He gestured towards his phone, where the posts were still being shared.
“I never posted that, ayos lang sakin kung galit ka pero pati sila na wala naman kaalam-alam sinasaktan ako.” I can't stop my emotions.
His expression shifted from anger to confusion. “Dre, you don’t understand. I never meant for any of this to happen.”
Pinunasan ko ang aking luha, “Ako rin naman… Hindi ko inaasahan ito.”pagpipigil kong humikbi.
“Then why do you keep hurting me?” He shouted, frustration spilling over. “T*ng!n* mo! Simula ng dumating ka sa buhay ko, puro problema na! Sana nga hindi na kita tinulungan no’n, halos maghubad ka na sa gitna ng kalsada, para lang magkapera.” buong lakas na sigaw nito.
Palihim akong napahawak sa aking tiyan. Kung pinagsisisihan at pinandidirihan niyang tinulungan ako paano pa ang batang nasa sinapupunan ko.
I stare at him with my pretty fake smile, “Tama ka,”pagtaas baba ng aking ulo.
My chest is heavy, like I can't breathe.
His silence was deafening, but I continued, “Hindi na dapat ako tumakas at lumaban no'n. Hindi sana ako nakapatay, aampunin naman ako ng matandang yon, mayaman at magiging maganda pa rin ang buhay ko. Ang bobo ko di ba?” I painfully laughed.
Dev opened his mouth to retort, but the pain in my voice stopped him.
“Sana hinayaan mo na lang ako, tsaka hindi mo na lang talaga ako tinulungan, edi sana payapa ka ngayon, baka ako rin.” A pain in my throat because I stopped myself from crying.
I felt vulnerable, exposed, and in that moment, I saw a flicker of regret in his eyes.
Binasa ko ang tuyo kong labi. “Kung magkikita tayo kahit saan, isipin mong hindi mo ako kilala at gano'n din ang gagawin ko.”ningitian ko siya bago ako kumaway paalis.
Para sa anak ko.
Sa pagtalikod ko at naka ilang hakbang pa lang palayo sa kaniya ay tuluyan nang umagos ang aking mga luha na kanina pang nagbabadyang tumulo.
--
BINABASA MO ANG
Pretty Fake Smile
RomanceDeceit Series #1 Behind her beautiful smile, Deirdre in front of her close and long time friend is able to hide her deep feelings from him. There was a time to admit it but she didn't have the courage, until he had a girlfriend. She started to forge...