CHAPTER 10
Nanatili sakin isipan ang mga salitang iyon. Hindi ko napigilan ang sariling huminto sa pwesto ko. Ang aking mga tingin ay tanging nasa aking pagkain.
Masyado ko na ba silang ginugulo?
Kailangan ko ba talagang lumayo?
Hindi pa ba sapat yung hindi ko pagpapakita sa kaniya.
Kailangan ko talagang mawala sa buhay niya?
Mistulang sinaksak ang aking dibdib sa sakit nito. Marahan kong kinagat ang aking pang ibabang labi para pigilan ang aking paghikbi.
Hindi ko kayang isiping kung anong mangyayari sakin pero ayun ang gusto nila.
Mariin kong ipinikit ang mga mata at nang makitang papalapit na si Dev sa amin ay mabilis kong pinunasan ang aking mga pisngi.
Gulat ang reaksyon nito nang makita akong tumayo at mabilis na kinuha ang aking bag.
“Tapos ka na agad kumain?”takang-taka niyang tanong.
Hindi ko kaya, ramdam kong wala sa oras ay sunod-sunod papatak ang aking mga luha kung mananatili pa ako.
“H-hinahanap na ako ni Emu.”tangi kong sinabi.
Pinilit ko ang sarili kong magsalita. Ang pagkatuyo ng aking lalamunan ang dahilan ng aking pagka-utal.
Wala na akong sinayang na oras upang magtagal pa ro’n.
Habang nasa byahe ay wala akong ibang inisip kung di ayun. Mabibigat at malalim ang aking paghinga. Hinawakan ko ang aking pisngi, mabilis itong pinunasan nang mamalayan basa ito.
Kanina pa ba ako umiiyak?
Tumingin ako sa paligid at nasa harap ng gate na pala ako ng university.
Muling humunga ng malalim at matipid na ngumiti.
Okay lang. Well it's for my own.
I need to be independent, start now.
Sa pagpatong ng aking mga paa sa lapag ng kalsada. Sa pag-alis ng sasakyan ay sabay bumuhos ang malakas na ulan.
Mabilis akong tumakbo patungo sa gilid ng gate para sumilong. Ang lahat ng mga tao rito ay tumakbo papasok ng building. Naging Malabo ang paligid dahil sa lakas ng ulan, laki na lang ng pasasalamat ko na hindi ako nababasa rito.
Maya maya ay nakarinig ako ng maliit na matinis na tunog. Parang huni ng ibon na may tinatawag. Hinanap ko naman kung saan iyon nanggagaling.
Sa pagyuko ko ay napaawang ang aking labi na makita ang isang maliit na ibon na nasa tabi ng aking sapatos.
Basang-basa ang mga balahibo nito, ang tinig niya ay mistulang humihingi siya ng tulong.
Kinuha ko ang handkerchief sa aking bag upang punasan ito. Hindi naman ito umalis sa pwesto habang ginagawa ko ito.
“Ang ganda naman ng ngiting yan…”
Lumingon ako sa boses na iyon at mabilis na napawi ang aking ngiti. Kumunot lang ang aking noo at tumaas ang aking kilay nang makitang basang-basa ito.
Ang buhok niya na lagi nakapatalikod ang ayos ay bumagsak sa harapan ng kaniyang noo, nagmistulang bangs ito.
Mahina akong napatawa dahil sa agaran niyang sinuklay patalikod ang buhok niya.
“Bagay nga e.”pang-aasar ko.
Undercut ang buhok niya pero ayaw na ayaw niyang ibinababa ang buhok niya sa kanyang noo.
BINABASA MO ANG
Pretty Fake Smile
RomanceDeceit Series #1 Behind her beautiful smile, Deirdre in front of her close and long time friend is able to hide her deep feelings from him. There was a time to admit it but she didn't have the courage, until he had a girlfriend. She started to forge...