“Ano kaya yung pag-uusapan nila?”
Hindi ko magawang masagot ang tanong ni Emu. Tanging ang mga mata ko ay nasa likuran lang ng lalaking kasama ni Elan na naglalakad papalayo samin.
“Uy, huwag mo nang tignan. Lalong sasakit yan.”
Pumikit ako bago lumingon dito. Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko at ngumiti ito. Ang bigat ng dibdib ko.
“Nag-aalala siya dahil kaibigan ka niya, Dre. Huwag ka ng umasa. May girlfriend na si Dev, di ba?”
Mistulang sinaksak ako nito. Mabilis kong itinaas baba ang aking ulo. Matipid na ngumiti upang hindi tumakas ang luhang nagbabadyang tumulong.
“Syempre alam ko yun.”ipinatong ko ang aking dalawang kamay sa kaniyang mga kamay at inalis ito sa aking mukha.
“Masaya kaya ako para sa kaniya.”
Matapos kong sabihin ito ay kinuha ko na ang aking bag at gano'n din ang kaniyang ginawa. May klase pa kami at pasalamat kong nahanap na rin ang cellphone ko.
Sa paglalakad namin paalis sa Lugar na iyon ay magkasalungat na direksyon ang pinuntahan namin kesa kina Elan at Dev. Mag-uusap daw sila at mukhang hindi naman ako kasali na ro’n.
Matapos ang klase ay umuwi na ako ng maaga sa bahay. Aalis din naman si Emu at ayaw kong sumama. Gusto kong manatili sa bahay kahit alam kong possible ay naroon ang taong ayaw ko makita.
Pagkarating ko ng bahay ay tulad ng inaasahan ay wala siya ngayon. Dali akong kumuha ng pagkain at nagtungo na sa taas. Hindi na ako baba.
Naisipan ko rin mag video ngayon araw dahil wala naman akong magawa. Tulad ng dati ay sinabi ko lang ang mga tips kung paano maging achiever in academic. At nagkukwento rin ako kung ano ang mga nangyari ngayon week. Matapos mag video ng isang oras, I edit it.
“Posted.”basa ko da notification na aking nakuha habang kumakain.
Tinignan ko ito sa isang account ko na pang fanpage at napangiti ako na meron na agad views ito. Ini scroll ko pababa ay nagpantay ang aking labi.
Date with my lovely favorite girl.
29,647 Likes. 369,273 Views. 11,248 Share.
New vlog ito ni Dev kasama ang babaeng mahal niya. Nasa isang cafe sila na bago lang sa aking paningin.
Hindi ako nagdalawang isip panoorin ito. Ang intro nito ay iba sa lahat, ipinakita ang mga lugar kung saan sila pumunta at napaawang ang labi ko kaunti dahil sa pamilyar na paligid ang sumunod na agad din nawala.
Bumuga ng hangin bago ipinagpatuloy ang panonood. Baka namamalikmata lang ako.
Una ay nagtungo sila sa likod ng university, sunod sa cafe at department store. Sumaglit din sila sa mall para lang bilhan ng jacket si Daisy. Marami ang nangyari ngunit ang hindi ako makapaniwala ay ang huli. Matapos ang video ay kasabay no'n ang pagtakas ng aking luha.
She bring another girl to my place.
Hindi ko namalayan nakatulog ako.
—
“Dre.”
Napahinto ako sa pag-aayos ng aking mga gamit pamasok nang marinig ang boses ni Dev na nasa likuran ko. Hindi ko magawang humarap dahil ayaw ko siyang maka-usap.
Hays, wala akong karapatan magtampo. Bff na kapatid lang ako. Wala nang hihigit doon. Kagat-kagat ko ang aking pangibabang labi habang hinihintay ang kaniyang sunod na sasabihin dahil hindi ako tumugon.
“Dre,”pag-uulit niya.
Sa boses niyang iyon ay nanghihina ang aking mga tuhod ngunit kinaya kong tumindig at manatili sa akin pwesto.
“A-ano yun?”naramdaman ko ang pagsakit ng aking lalamunan kaya halos pa bulong ang aking pagtanong.
Nagsimulang manikip ang aking dibdib. Hindi dapat ganito ang aking nararamdaman. Masiyado akong nagpapa-apekto sa kaniya, sobra.
“Ayos ka lang? Hindi ka kumain kagabi. Ano oras ka umuwi? At anong meron sa inyo ni Elan? Kayo na ba?”sunod-sunod na tanong na aking narinig.
Kailangan kong umarte ng normal. Baka mapansin niya na simula na sumulpot si Daisy ay lumalayo ako sa kaniya. Kahit para akong sinasaksak ng patalikod. Wala silang alam, wala silang kasalanan. Ako lang naman yung nagpupumilit sa sarili ko, kung bakit umaasa ako at ngayon ay eto nagsisisi.
“Galit ka ba sakin?”
“Hindi huh?”mabilis na aking pagtanggi at daling humarap sa kaniya.
“Anong tanong ang sinagot mo?”a soft voice came from him and our eyes met like a magnet.
Hindi ko magawang alisin ang aking mga mata. Para akong bulaklak na hahayaan kong umusbong ang aking nararamdaman at sabihin sa kaniya kaya bumuga na lang ako ng hangin.
“Hindi ako galit sayo at mas nauna pa akong umuwi sayo kaya kumain ako kagabi, hindi mo lang naabutan. Tsaka hindi kami ni Elan pero,”
Humunga ako ng malalim at napapikit ng madiin. Dapat niyang malaman. Nakakaawa ang sarili ko dahil iniisip ko na may kaunting chance magselos magalit siya tapos malalaman niya na ako pala ang mas mahal niya, subalit hindi ako sina Cinderella, snow-white at mga ibang prinsesa na pinili at niligtas ng prinsipe.
Niligtas lang ako hindi piniling mahalin.
“Pero?”
“Wala,”
Mabilis kong bawi. Ayaw ko na pa lang malaman niya.
“Okay, you're answer are acceptable. Sabayan mo kaming kumain ni Daisy. Parating na siya.”
Mabagal akong tumango at nang umalis ito sa harapan ko ay napahawak ako sa lamesa, pinipigilan ang bagsak ko dahil sa paglambot ng aking tuhod.
Maya Maya ay dumating na ito. Ngiti ang aking sinalubong dito. Nakahaing na ang lahat ng pagkain na niluto ni Dev. Kukuha na sana ako ng aking kainin ay siya ang gumawa no'n, sunod kay Daisy at sa kaniya. Sa ulam ay gano'n din ang nangyari kaya hindi mo maiwasan ang mailang.
“Love, can you make me a coffee.”pag-utos ni Daisy.
Ako naman ay ipinagpatuloy ang pagkain. Nang kaming dalawa na lang ang naiwan ay ako ang unang bumasag sa katahimikan.
“Ang ganda ng mga lugar na pinuntahan ninyo. Nakita ko sa vlog.”nakangiti kong saad.
Pansin kong mahigpit itong humawak sa baso niyang walang na tubig at andoon lang ang kaniyang mga mata. Kinuha ko naman ang water pitcher at nilagyan ito.
Umangat ang tingin nito at nagtanong,
“You've been there, right?”malalim ang boses nito.
“Oo, pano mo nalaman?”inosente kong tanong sa kaniya.
Hindi inalis ang mga mata sakin nang makasagot ako.
Kumunot ang noo ko sa kaniyang sunod na sinabi.
“You know what, keep yourself now out of Dev's life.” uminom ito ng kaunting tubig bago ipinagpatuloy ang sasabihin.
“Wala siyang mukhang bibig kung di Ikaw.”may riin niyang sabi.
:-
BINABASA MO ANG
Pretty Fake Smile
RomanceDeceit Series #1 Behind her beautiful smile, Deirdre in front of her close and long time friend is able to hide her deep feelings from him. There was a time to admit it but she didn't have the courage, until he had a girlfriend. She started to forge...