4 part1

50 9 7
                                    

CHAPTER 04 Part 1

"Burahin mo yung post mo." Lalo lang akong nahuhulog. Iniisip ko tuloy na pinaka importante na ako sa buhay niya.

"Ngiti ka muna."pang-asar pa nito.

Mabilis kong inilapit ang kamay ko at pinalo siya.

"Bahala ka sa buhay mo."pagsimangot ko at talikod ko.

Mabilis na lang akong napalingon sa flash ng cellphone nito habang nakatapat sakin. Kinuhanan na naman niya ako ng litrato.

"Delete mo yan!"pag-agaw ko sa cellphone niya pero lumayo siya sakin.

Naka upo ako ngayon sa kama at nakauwi na ako. Ito naman si Dev ang sumalubong sakin at sinurpresa pa ako.

"Surprise! Welcome back Dre. Huwag ka nang babalik sa hospital."pagngiti nito at ikinulong ako sa braso niya.

"Salamat dito."at niyapos siya pabalik.

Kaya pala hindi niya ako sinundo. May plano siyang ganito.

"Kasama rin ako sa nagplano Dre, haha."si Emu na naglaho ang tawa nito nang mapalitan ng iyak ng cellphone niya.

"Ay, kailangan ko nang umalis. Hindi na ako kakain huh, bye!"kumaway lang ito at namalayan ko na lang na humiwalay na pala sakin si Dev.

"Anong gusto mong kainin?"tanong niya sakin.

May mga pagkain na nakahain sa lamesa kanina at nang matapos kumain ay dapat magpapahinga na ulit ako pero nanggugulo pa ito.

"Post ko na."natatawang ani niya at tinaasan ko siya ng kilay.

"Sige, report ko yan post mo."

"Subukan mo. Magpahinga ka na nga."paggulo nito sa buhok ko at ngumiti ng malaki na mistulang ginagaya ang ngiti ko.

"Papasok ka na bukas? Ayaw ko, pahinga ka muna diyan."

Taas baba ang aking ulo, hudyat nang pagsang-ayon.

Dalawang araw muna akong nagpahinga sa bahay bago ulit pumasok ng university. At kahit ayaw ko hindi naman ako susuway kay Dev. Parang mas kilala pa nga niya ako kesa sa sarili ko, na may kulang at hindi ako matandaan sa nakaraan pero kapag aksidente ko lang maalala ay halos masira ang ulo ko dahil akala mo andoon pa rin ako sa lugar na iyon.

"Hays..."pagbuga ko ng hangin.

Andito ka na ako sa university at lahat sila ay nasa akin ang kanilang mga mata. Napayuko na lang ako ng wala sa oras.

Mukhang may pinost na naman si Dev. Palihim akong napasimangot sa naisip. Simula kase ng nag-post siya ay marami nang natuwa sa kaniya at gusto laging pinapakita ako na inaasar sa mga post niya.

Tuwang-tuwa naman ang mga followers niya, pati pala ang followers ko.

Nitong dalawang araw nalaman ko rin habang nag-ii- scroll sa Twitter na pinag-uusapan nila kami ni Dev. At ang mga nakalagay sa post ay 'bagay sila ni kuya Dev' at 'Omg, my ship' tsaka 'iiyak ako kapag hindi nagkatuluyan.'

Si Emu talaga ang nagpakita sakin niyan. Kahit sa facebook ay may group page na sila, pangalan pa nga ng group page ay DreDev.

Hindi maalis ang ngiti nito habang palihim na nakapasok sa group page na iyon.

"Omg! Ano kaya pinag-uusapan ng mga ito about sa inyo ni Dev? Haha."kinikilig niyang asar sakin.

Pilit lang akong ngumiti.

"Ayie! Aminin kinikilig din."pagtusok pa nito sa tagiliran ko pero lumingon ako sa kabilang direksyon kung nasaan siya.

Nang ibigay niya sakin ang cellphone ay iba't ibang klase ng kwento kung pano kami nagkakilala at kami raw pero tinatago lang namin ito. Dapat natutuwa o kinikilig ako sa mga ganito pero hindi, kinakabahan ako. Gusto kong pigilan sila sa mga sinasabi nila at sabihin ang totoo na walang gano'n, na hanggang magkaibigan pa rin at lang kami.

"Kunin mo nga cellphone ko."utos ko kay Emu nang ibalik ko ang cellphone niya.

"At bakit?"inosente niyang tanong habang kunot ang mga noo.

"Aayusin ko na yan. Magpo- post ako na walang namamagitan samin ni Dev-"

Pinutol nito ang sasabihin ko.

"Masyado kang Nega,"bulong niya.

Gulat naman ako sa binigkas ng labi nito. "Anong nega?"

"Nega-negative, think positive nga raw. Tsaka malay natin isang araw, umamin siya. At anong masama sa pag ship nila sa inyo? Natutuwa naman lang sila."pantay na ngiti nito sakin.

"Ayaw ko lang Kase isipin ni Dev na..."napakamot ako sa ulo at napakagat labi matapos.

"Na?"pagdugtong niya.

"Malaman niya at paasahin niya ako lalo, dahil baka gawin niyang content sa mga Vlogz niya."pagsimangot ko.

"Ayun ang dahilan kaya ayaw ko. Ayaw kong lalong mahulog dahil mahirap umahon."mabagal kong sabi.

Mahirap na hanggang andoon lang siya at ako nahulog na lalo.

"Hindi naman pwedeng mahulog ka lang..."pinantayan niya ako ng tingin.

"What if, magpanggap ka na secret admirer ni Dev."kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Hindi naman masamang subukan mo, magbibigay ka lang ng chocolate at mga material na bagay."pagngiti nito sakin.

Bigla akong natauhan sa sinabi niya nang makita ang mga ngiti nito.

"Huwag mong sabihin may nagbibigay sayo no'n?"tanong ko at mabilis itong tumango.

"Pero saan ka nga pala kukuha ng pambili? Eh, halos nakay Dev ang money mo sa Vlger. Bakit kase sa kaniya mo binibigay lahat?"sunod-sunod na tanong nito.

"Siya kaya lahat gumagastos dito sa bahay. Bahala na, siguro tuloy ako sa paghahanap ng trabaho."pagsagot ko.

Hindi pa nga ako nakakapag desisyon kung magiging secret admirer ako o hindi dahil mukhang gastos din.

( Ms.ColdHearted: Ito lang kinayang isulat ngayon. Try ko ulit bukas(⁠。⁠♡⁠‿⁠♡⁠。⁠) Thank you for reading this! Lalo na sa mga silent readers.)

Pretty Fake SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon