CHAPTER 8
“Ang init,”reklamo ni Emu habang tumatakbo kami.
Inirapan ko lang siya habang pantay lang ang aming bilis sa pagtakbo.
“Buksan mo payong mo.”simangot nito at bumagal ang pagtakbo ko hanggang sa tumigil ako sa kinatatayuan ko.
Pilit iniisip kung saan ko inilagay yun. Wala naman akong dalang bag pero hawak-hawak ko lang yun simula nang pumasok ako.
“Yung payong ko!”
Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto na nawawala ito. Hawak-hawak ko lang ito kanina habang tumatakbo kami pero nahulog siguro.
“Huh, ang layo na natin sa university…”dahilan upang bumagsak ang dalawang balikat ni Emu.
Napangiwi naman ako. “Huwag na natin alalahanin yun. Mahuhuli—”napatigil ako sa pagsasalitan na mamataan ng aking mga mata mula sa malayo ang dalawang tao na hawak kamay na tumatakbo papalapit sa gawi namin.
Silang dalawa lang ang aking nakikita kahit maraming tao ang nakapaligid sa kanila. Silang dalawa yung babasag sa tulad kong babasagin.
“Uyy, natulala na ate ko. Pagod ka na?”
Nakabalik ako sa kamunduhan na marinig ang boses ni Emu. Mabagal akong tumango at hinawakan naman niya ang pulsuhan ko. Balak nitong tumakbo ngunit pinantayan niya agad ako na mapansin naglalakad lang ako.
“Bakit? Andito sila noh?”tumingiin-tingin ito sa paligid at hinila ko lang.
“Eh di ba gusto ka ni Alien?”
“Alien….”sinamaan ko naman siya ng tingin at natawa rin sa sinabi niya.
“Elan kase.”pagtatama ko at tumango siya.
“Eh para kasing Alien, sabi mo bigla-bigla sumusulpot di ba?”pag-aalala niya sa sinabi ko sa kaniya.
Napahagakhak naman kami ng tawa sa sinasabi niya. Ipinangalan niya kaya Elan iyon kahit kakasabi ko pa lang sa kaniya no’n gakabi sa chat.
“Dre fan run toh. Wala tayo sa buwan.”paghila nito nang magsimula siyang tumakbo.
Hindi nawala ang aking mga ngiti habang tumatakbo. Natatawa na lang kami sa pinaggagawa namin at pinagkwekwentuhan habang inuunahan namin ang mga kasama namin na hindi naman namin kilala ngunit iisa lang ang pinapasukan namin na university.
Hindi naman kami makahinto sa pagtakbo dahil Marami ang kamerang nakakalat. Minsan naglalakad kami dahil walang kamera ngunit palapit na kami sa university at lalong ginanahan kaming tumakbo ni Emu.
“Pag ito walang tubig. Paliliguan ko talaga ng kumukulong tubig nagpasimuno nito, haha.”
Natawa na lang din ako sa sinabi niya. Habol hininga na kaming dalawa ngunit patuloy pa rin sa pagtakbo.
“Teka… A-ayaw ko na. Pahinga muna…”hawak-hawak ko ang aking dibdib dahil sa aking mabibigat na paghinga.
“Malapit na tayo!”ungol nito at nakasimangot.
Wala ba tong kapaguran. Ang haba ng tinakbo namin halos mag-iisang oras na rin. Wala pa akong nainom na tubig simula kanina.
“Ikaw na Mauna, naglalakad na lang ako.”pagpapa-ubaya ko.
Competitive kase.
“Edi pareho tayong maglakad.”pag-akbay nito sa akin at naglakad na nga lang kami.
Napa-iling na lang ako. “Akala ko ba gusto mong manalo?”tanong ko rito.
“Eh gusto ko kasama ka.”parang batang usal niya.
BINABASA MO ANG
Pretty Fake Smile
RomanceDeceit Series #1 Behind her beautiful smile, Deirdre in front of her close and long time friend is able to hide her deep feelings from him. There was a time to admit it but she didn't have the courage, until he had a girlfriend. She started to forge...