23 Part 1

18 1 0
                                    


CHAPTER 23

Nalaman ni Lee ang lahat. Wala na akong ibang idadahilan sa kaniya ngunit laki ng pasalamat ko dahil ipinangako niyang ililihim ito.

It's better to hide it than let this baby get hurt by his father.

Naka upo ako sa harap ng bintana ngayon at pinagmamasdan ang kulay asul na kalangitan. Hindi masyadong masakit sa mata ang haring araw na tumatama sakin ang liwanag nito.

Kahapon may isang tao na nakaalam sa sekreto ko. Kakakilala ko pa lang sakaniya ay magaan na ang aking loob dito. Bukod sa kaniyang pangalan ay gusto niyang tawagin ko siyang kuya sapagkat mas matanda siya sakin ng tatlong taon.

Walang awat ang luha ko non habang ipinapaliwanag sa kaniya ang dahilan kung bakit hinayaan ko ang lahat ng nangyayari sa buhay ko.

Maaari raw makulong ang mga taong nagkakalat ng mali parang sakin, pero no'n binigkas na niya ang ngalan ni Dev, ay mabilis ko itong tinanggihan.

“Anong gusto mong gawin natin sa Tatay ng batang yan? Hayaan lang? He should be responsible, right?”sunod sunod na kaniyang tanong.

Umiling ako, “Hindi niya alam.”

He kept his mouth shut then. Siguro mas nakakabuti raw ang desisyon kong pahupain muna ang mga isyu. After that I can't stop myself from explaining what I feel and how Dev met me. Nakwento ko sa kaniya lahat ng iyon.

At inihatid pa niya kami ni Emu pauwi ng bahay. Tinanong pa niya ako kung kailan ang check up ko sa ob-gyne, sasamahan daw niya ako ngunit tumanggi ako.

“Hindi mo obligation yun.”

Tango lang ang kaniyang sinagot bago ako bumaba sa kaniyang kotse. Kinawayan pa ito ni Emu habang nakangiti, dumiretso na ako papasok sa bahay.

Paulit-ulit na lang, wala na akong ibang naramdaman nitong nakaraan araw kung di ito na naman ang mga luha ko. Kabaligtaran ng panahon ngayon ang aking nararamdaman, kasing bigat ng mga ulap ang aking nasa isip at dibdib, ang dilim ng paligid ay dahilan kung bakit hindi ko matukoy kung nasaan na ako.

Bumuga ako ng hangin. Nais ko lang tumingin sa kawalan at walang isipin. Wala akong nararamdaman ngayon kung di pagod.

I don't even want to move my body but I know something isn't okay with me.

Bakit parang naliligaw ako?

Ayos naman na ako noon mga nakaraan at ito na naman ulit ako iniisip ang taong walang pakialam sa akin. Binibigyan pag asa ang sarili ko, tama na.

Bakit mas lumala ngayon?

Wala akong alam na pwede kong ibang gawin upang mabawasan ang sakit sa aking dibdib. Naisip ko man, pano kung ipalaglag ko na lang ang batang ito. Pagkakamali ko—namin kaya hindi lang dapat ako ang magdesisyon.

Ito na naman ako sa pagdadalawang isip ko. Sasabihin ko ba? Anong maaaring mangyari sakin—samin? Pagsisihan ko ba?

Buo na ang desisyon ko dati. Bakit ngayon andito na naman ako? Parang hinihintay ko na may bumagsak na kasagutan mula sa kalangitan, ngunit kung ano man yun bakit may pakiramdam ako'y masasaktan pa rin.

Madadagdagan lang ang mga sugat sa aking puso. Hindi ba ito mawawala o ako ang dapat mawala?

Nais ko lang naman maranasan ng aking anak ang pagmamahal ng isang Ama dahil hindi ko kayang ibigay iyon sa kaniya, ni pangalan ng aking ama ay hindi ko alam. Magiging masaya ako kung gano'n ang mangyayari kapag nalaman niya o magiging kagaya ko lang ang anak ko, na kahit kailan man ay pinandidirihan pati ng sarili niyang ama.

Bakit ako? Hindi ba si Daisy na lang ang makaranas nito? Kahit ako na ang maging kabit o ahas, huwag lang ang maging ina ng anak ni Dev kaso andito na ko.

Pugto na ang aking mga mata nang makita ko ang repleksyon sa salamin ng bintana. Nagpaalam na ang haring araw, ngunit ang dahilan ng pag iyak ko kanina ay nanatili sa aking isip.

“Dre, kakain na tayo!”sigaw sa labas ng aking kwarto ni Emu.

Sa isang linggo na kilala ko si Lee ay halos lagi kaming nagkikita o sinabayan niya ako sa pag lunch break.

At eto kaming dalawa. Tulad ng nakasanayan ko ay sa room ako kumakain ng Lunch.

“Mas gusto mo pa lang kumain ng tahimik?”tanong nito at tumingala ako sa kaniya.

“Kung masasamang tungkol lang din sakin ang maririnig ko, mas mabuting nang mag Isa na lang akong kumain.”mabagal kong sagot at pinagpatuloy ang pagkain.

Palihim akong tumingin sa lamang ng kaniyang lunchbox, sandwich lang ito na puno ng gulay. Itinupi naman niya ang manggas ng polo hanggang sa kaniyang siko. Kitang-kita ko lalo ang maugat nitong kamay at halatang maalaga ito sa kaniyang katawan ngunit hindi ko type ang mga well matured ang datingan na mga lalaki. Napapangiwi na lang ako, ang adult na kase tignan pero maganda sa paningin naman.

Hindi naman niya napapansin ang tingin ko sa kaniya at tahimik lang kaming kumain. Matapos ay inaya niya ako sa library, tutulungan daw niya ako sa paghahanap ng mga dapat kong aralin para mabawasan daw ang stress ko sa acads.

Wala naman akong nagawa dahil mabuti na ngang tao na lumalapit sakin tatanggi pa ako. Abala ako sa pagbabasa nang ibaba niya sa lamesa na nasa aking harapan ang isang cellphone, sa kaniya ito.

Isang post ito,

Please guys, stop the bullying within our university. It's the private life of a person so just let them fix it. Love you all!! Thankieeesss.

Mabilis niya ito inalis ang cellphone. Hindi ko man lang nakita kung sino ang nag post non.

Simpleng ngiti lang ang ipinakita niya sakin. Pinaninkitan ko ng mga mata ito at ngumisi.

Alam ko na itong galawan na to. May something.

“Gusto mo ba ako?”malakas na loob kong tanong.

Napadilat siya at kumunot ang noo, “No, gusto lang talaga kita tulungan pero ayaw kong maging ama niyan nasa tiyan mo.”seryoso niyang saad.

Hindi naman ako naniniwala. Mga lalaki talaga. Nanatili ang mga mata kong nakatuon dito at magbasa naman na siya ng libro.

“May gusto akong iba, nahanap ko na siya.”mahina niyang sabi.

Tumaas naman ang sulok ng aking mga labi. Kita ko ang pamumula ng kaniyang tainga. Hindi ko napigilan ang matawa sa kaniya.

I tease him, “Weeh, sino?”

Kinikilig ako para sa matalinong tao na ito at nakahanap ng the one niya na kakabaliwan niya.

Baritone voice came from him, “I'm in love with my sister.”

I froze, my smile faded.

Umawang ang labi ko, “Tarantado, kapatid mo yun!”pinaghahampas ko siya sa balikat.

“Chill, pregnant woman.”pagpapakalma niya sakin.

Umakyat ang dugo ko sa mukha. Kahit sapat lang ang lakas ng kaniyang boses upang ako lang ang makarinig ay kumulo ang dugo ko.

“Ang ingay mo. Kapatid mo pa talaga ang gusto mo. Ang daming babae sa mundo, hindi kayo pwede, sira.”hindi ko napigilan ang sarili na hampasin siya pati nitong libro na aking dala.

Mahinang tawa lang naman ang kaniyang ginagawa kaya lalo akong naiinis.

Pretty Fake SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon