6 part2

33 7 0
                                    

Gulat ang reaksyon ko habang nakikinig sa sinasabi niya. Akala ko si Dev, kaibigan niya pala.

“Kapatid ka ni Dev, right, but your last name— anyway, may sugat ka.”nanlaki ang mata nito. Daling bumaba ng kotse at mabilis akong binuhat, na hindi ako makapalag kahit isa, marahil sa gulat lang din at may iba akong iniintindi.

“Dadalhin kita sa hospital.”dugtong nito.

Nanatili ang mata ko sa mukha niya nang matapos akong ilapag sa tabi ng driver seat ng kaniyang kotse. Iniwan niya ako saglit upang makatungo sa kabilang upuan.

“Bakit kase bigla ka nalang tumatawid?”tanong nito nang makaupo ito sa driver seat.

Mistulang naputol ang dila ko at bumaba ang tingin nito sa bulaklak na dala ko. Gusto ko na lang magpakain sa lupa kung malaman niya kanino itong bulaklak. Yumuko lang ako at hinihinty ang opinyon niya.

“Oh, you went on a date?”

Dahan-dahan tumaas ang tingin ko sa narinig.

“Anong klaseng ka date yan? Iniiwan ka.”pag-ikot ng mga mata nito at tuwid n ng tingin sa kalsada.

Doon ko lang namalayan na umaandar na ang kotse. Kailangan kong bumalik agad-agad.

Bakit kase hindi agad ako tumanggi? Nagulat pa ako sa kinikilos niya, close kami? Hindi di ba.

“Pupunta tayong hospital at papatawag ako ng police to report what happened to you.”

“Huwag!”sigaw akong tumanggi.

Tumaas ang kilay nito habang hindi inaalis ang mga mata sa kalsada.

“K-kase, may kailangan nitong bulaklak. May sakit yung kaibigan ko—yung kasama ko no’n inaaya ninyo kami.”walang reaksyon akong nakuha.

“Ahh, nagkatampuhan din kase kami.”

Sana, sana gumana.

Alam ko na!

“Hindi naman din masakit tskaa gasgas lang ito. Kaya kong gamutin—”

“After you give that sa kaibigan mo,”tumigil ang kotse dahil sa stoplight.

Tumingin ito sakin, “Pupunta tayong hospital, deal? Kapalit ng ihahatid kita, teka saan ba?”kumunot ang noo nito.

Bumuga ako ng hangin at palihim na natawa.

“Sa university lang.”matipid kong sagot.

Ilang minuto ay makarating na rin kami. Dali lang akong lumabas ng kotse at mabilis na tumakbo patungo sa garden at stadium—na walang ng tao.

Nasaan sila?

Itong dalawang Lugar lang naman ang napag-usapan namin na dito gagawin ang pag-amin niya.

Hindi ata natuloy?

Possible.

Hindi ko naman mapigilan ang sarili maging masaya, kahit alam kong may ibang araw at oras na pwedeng umamin si Dev na hindi sinasabi sakin. At sobrang ikakagulat ko yun. Pero ngayon masaya ako dahil akin muna ang bulaklak na ito.

Napahinto ako sa kinatatayuan ko at napawi ang ngiti ko nang matanaw sa loob ng cafe ang taong dahilan kung bakit ako nag cutting class, kung bakit may sugat ako ngayon sa braso at may hawak na bulaklak na maganda— kasama ang babaeng mahal niya.

“Hey, you're running so fast!”narinig kong habol-habol ng lalaking nasa gilid ko ang hininga niya.

“Ganyan ba mga babaeng maliit ang legs, I thought— hoy!”

Pretty Fake SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon