Alam kong sakin siya unang hihingi ng tulong sa panliligaw niya. Wala naman akong karapatan tumanggi dahil hindi siya tumanggi sakin na tulungan ako hanggang ngayon.
" Hayaan mo siya, siya naman manliligaw e."rinig kong sabi ni Emu.
"Ang kulit mo, hindi ko nga siya gano'n kamahal. Crush ko lang, paghanga."pagbuga ko ng hangin.
Naglalakad kami patungo sa susunod na klase at yakap-yakap ko ang dalawang libro na gagamitin namin mamaya.
Mas gusto kong makabawi sa mga ginagawa niya sakin. Kahit iniisip ko pa lang ay alam kong masakit at sosobra pa ang sakit no'n.
"Uy, si Dev yun 'di ba?"
Magkikita niya na kasama ng mga influencer silang dalawa. At makikita niya na grabi makatitig ito.
Mabilis akong napahawak ng mahigpit kay Emu at napa yuko na lang.
Hindi naman maaalis ang paningin nito sa kanila. Akala mo ay nakakita ng multo at kahit anong hila ko rito ay ayaw niyang umalis sa kinatatayuan niya.
Wala akong nagawa kung di ang tumungo ang tingin sa kanila. Wala naman reaksyon ang nasa kabila maliban kay Dev na kunot ang kaniyang mga noo gaya ko.
"Dev, kapatid mo yan di ba?"tanong ng babaeng may bangs na mahaba ang buhok na may ribbon sa gilid ng tainga niya, matangkad at na maputi. Si Daisy na agad din binalik ang mata sakin.
Ako lang naman tinutukoy niya. Humarap ako sa kanila at matipid na ngumiti.
"Ahm, gusto kong i treat ka, break time pa naman, right guys?"maingat siyang nagtanong na may matinis na mahinhin ang boses.
"Tama si Daisy, para naman makilala namin ang kapatid ni Dev. Ouch."napangiwi ito ng mabatukan ni Dev.
Hindi ko na pinansin ang sinabi pa nito.
"Mamaya pa ang break time namin, may isa pa kaming klase kaya mauna na kayo."matipid akong ngumiti at napa taas-baba ang kanilang ulo.
"Tara na."mahina kong sabi na kaming dalawa lang ang nakarinig at napatigtig ako sa kaniya, mula kanina ay ganito pa rin ang reaksyon niya.
"Emu?"
Tumingin ito sakin, "T-tara na."nanginginig ang kaniyang boses ngunit walang reaksyon ang mukha.
Kanina lang ang saya niya.
"Tara."nakahawak ako rito ng bigla itong naglakad ng mabilis na habang papalayo sakin ay tumakbo na.
Hindi ko naman namalayan na ako pala ay naka-upo na sa lapag. Nadapa ako dahil sa pagkakapit ko sa kaniya. Habol tingin pa rin ako kung saan siya pumunta.
Bakit siya tumakbo?
"Dre, anong nangyari?"boses ito ni Dev at alam kong siya ang may ari ng kamay na nasa gilid ko.
Alam ko rin na hindi siya ang nasa gilid ko tuwing nadadapa ako kaya sasanayin ko na ang sarili ko ng wala siya.
Dali akong tumayo. Mabilis nang tumakbo patungo kung saan ko huling nakitang lumiko si Emu. Nilibot ko ang buong 1st floor ng building ng BS marketing at napahinto ako sa isang restroom ng makita siya palabas.
"Sumakit lang yung tiyan ko."nguso nito at habol ko naman ang sarili kong hininga.
Pumasok na kami sa susunod na klase.
-
"Mahilig siya sa make up, sa dress, sa kape, sa mga damit at sapatos, mga panali sa buhok like clips. Favorite foods are avocados, ice cream and mint choco."pag-uulit ko sa sinabi ni Dev na alalahanin ko raw at lagi kong ipaalala sa kaniya.
"Ohh, pareho kayo na mahilig sa ice cream na mint choco."pagtaas-baba ng ulo nito.
"Ewan ko sayo."pagtalikod ko rito.
"Ngayon di ba talaga aamin si Dev. Ngayon Midterms talaga."malungkot na sabi nito.
Ilan araw at oras akong kinulit ni Dev sa araw na ito. Puro tanong kung anong magandang gawin, ang sabi ko lang ay kung ano ang gusto niyang ipakita sa mahal niya gawin niya, kaya ngayon ay ito. Ang mga sasabihin niya ay isinulat ko dahil sabi niya e. Ang totoo kinuha ko lng naman talaga sa online yun hahaha.
NASA klase ako ngayon hawak-hawak ko lang ang cellphone habang nakikinig sa klase, pwede naman e. Iba kase ang break time ng mga 3rd year samin mga 1st year. Nanlaki ang mga mata ko na mabasa ang chat na galing kay Dev, "Nawawala yung bulaklak Dre."
"Mam excuse, emergency lang po."sigaw ko at hindi ko na hinintay ang mga isasagot ng professor namin.
Lumabas na ako ng university upang bumili ng bulaklak. Wala akong alam na flower shop dito kaya takbo at tanong lang ang ginawa ko sa bawat makikitang tao. Hanggang makarating ako sa gilid ng mrt na flower shop, dali akong bumili rito. Impit akong napatili dahil sa nakitang paparating na kotse sa pagtawid ko. Na sagi ako ng gilid ng kotse at paharurot na umalis. Naka upo ako habang hawak-hawak ang balikat dahil sa sakit nito at pinulot ang bulaklak.
"Dre!"
Napansin na may isang kotse ang tumigil sa harapan ko at hindi ko inaasahan ang tumawag sakin.
=_=
MERRY CHRISTMAS EVERYONE!!!!
BINABASA MO ANG
Pretty Fake Smile
RomanceDeceit Series #1 Behind her beautiful smile, Deirdre in front of her close and long time friend is able to hide her deep feelings from him. There was a time to admit it but she didn't have the courage, until he had a girlfriend. She started to forge...