CHAPTER 12
Mabagal akong napatango nang maalala kung kailan ako pinanganak.
April 29 at ngayon yun.
Bakit nakalimutan ko?
Gano'n na ba kapag maraming iniisip? Nakalimutan ko na sarili ko, sa dami ng mga nangyayari syempre kung ako ay nakalimot pano pa kaya Yung mga kaibigan ko.
Isa-isa ang aking paghakbang papalayo sa pintuan ng room namin, habang nakapulupot ang mga braso ko sa dalawang libro. Pansin kong walang tao sa paligid.
Bakit ngayon pa?
Hindi na nga ako masaya, lalo na’t ngayon ay birthday ko. Simula nga pinanganak ako ay wala akong naalala na magandang kaarawan. Lahat ng mga nagdaan na taon sa parehong araw ay pare-pareho ang pagsisisi at pagdudusa ang naranasan ko.
Siguro nga kaya ako mag-isa ngayon. Mahina akong napatawa. My eyes start to blur, dahil sa pagbuo ng luha rito. Is this a curse? Tangina. Napabuga ako ng hangin at kinagat ang pang-ibabang labi upang pigilan ang luha nagbabadyang tumulo.
“At least ngayon walang taong mananakit sayo, kahit ngayon araw lang.”paos na bulong ko sa sarili.
What I meant is that every birthday has become the most traumatic day for me.
No'n limang taon gulang ako ay nasaksihan kong pinantay ang Tatay ko ng walang kalaban-laban. Kasalanan ko yun, kung sana hindi na ako nag pabili ng ice cream sa kaniya, mabubuhay pa siya. O totoo kaya ang sinabi ng Mama ko, na ako dapat ang mamamatay sa araw na iyon, na dapat hindi ako tumakbo—tumakas lang daw sa lugar na iyon.
Sa pagpikit ng aking mga mata ay mistulang muli kong nasaksihan ang paligid kung saan nangyari ang lahat ng iyon. Madilim ang paligid at nakakabingin katahimikan, hindi ko man lang narinig ang Tatay ko na humingi ng tulong, kahit sumigaw lamang ay wala. Hindi ko makakalimutan ang pagngiti niyang pagpapaalam sakin habang itinataas ang hinalalaking daliri habang nakakuyom ang kamay. Mabagal lang akong tumango sa pagkakataong na iyon at walang tigil ang pag agos ng mala ilog kong mga luha.
At sa mga sumunod na parehong araw ay hindi na ako ngumingiti. Kasama ko pa si Mama sa bawat pagbibisita sa pundot niya pero hindi ko muling narinig na ang mga salitang, “Happy birthday, anak.” Kahit naghanda sa para sakin ay alam kong pinagdidirihan niya ako. Pinagsisisihan kong pinilit ko si Tatay sa ice cream na iyon, edi sana ngayon ay masaya pa rin ako kahit sakin kaarawan man lang at alam kong hindi rin ito mangyayari.
Hindi ko rin mararanasan sa edad na sampong taon makita ang Mama kong nakapatong sa mga hita ng principal namin, na ang tanging dahilan ay wala kaming pera at walang nagtatrabaho dahil hinayaan kong mamatay ang Tatay ko. Hindi niya ako hinahayaan na tawagin siyang Tatay dahil wala raw anak na gustong mamatay ang sariling Ama. Sa bawat kaarawan ko ay siya lang ang inaakala ko.
Sa pagmulat ko ay sunod-sunod tumulo ang aking mga luha. Mabilis kong pinawi ito at huminga ng malalim.
“Dre, happy birthday.”bulong ko sa aking sarili at matipid na ngumiti.
You're 19 now.
Ano kayang gagawin ko ngayon? Birthday ko may karapatan naman akong maging malaya sa nakaraan. Maging masaya.
Kakain ba ako ng ice cream?
Maggagala ba ako sa mall?
Magluluto na lang sa bahay—hindi pwede, Ayaw kong may ibang tao na makaalam.
Kung pagiging makasarili ang kasiyahan ay mas gugustuhin kong ganito.
Maybe it was a sign. It's time to focus on myself, in my life…
BINABASA MO ANG
Pretty Fake Smile
RomanceDeceit Series #1 Behind her beautiful smile, Deirdre in front of her close and long time friend is able to hide her deep feelings from him. There was a time to admit it but she didn't have the courage, until he had a girlfriend. She started to forge...