23 Part 2

19 0 0
                                    


"Hindi nila alam naman yung totoo pero kung makapagsalita sila akala mo andoon sila sa pangyayari."walang tigil ang pag bukas ng aking mga labi.

Nakakaasar na sobra. Nag post sila na naman sila ng puno ng kasinungalingan na kwento, at nakalagay pa ro'n na si Dev ang nagsabi sa kanila ng totoo.

Sa pagkakataon na yon ay palihim kong inilapat ang aking palad sa ibabaw ng aking tiyan. Kung di pa rin siya tumigil ngayon, ibigsabihin lang no'n ay nais niya talaga akong saktan.

Pumikit ako at kinausap ang anak sa isip. “Nadadamay ka lang kay Mama, kapit ka lang huh.”

People I don't know hurt me physically while those close to me used to hurt me mentally but I just hid it with my smiles.

At sino ang nag alis sakin sa situation na iyon? Ang law student na akala mo kilala niya ako higit sa pagkilala sakin nila Emu. Kung kausapin nya ako ay ang comfortable niyang banggitin ang lahat. Napapaisip na lang nga ako kung totoo ba yun o hindi. Masyadong feeling close ang taong ito.

"That's the negative traits of social media. Once a famous person shares information, they believe it whatever happened, especially if they're known as a good model, akala nila wala ng kasamaan ang isang tao kapag nagpakita ito ng kabutihan."mahabang lintanya nito at aakalain ko talagang nasa Isa siyang court of justice sa maraming diib na kaniyang pinagsasabi.

Ngumiwi naman ako, “Oo na, bagay talaga sayo mag attorney. Ang daming sinabi.”reklamo ko.

Naka-upo ako sa lapag at kakatapos lang ng pag ulan ng aking mga luha.

Andito na naman kami sa room kung saan niya ako dinala no'n una namin pagkikita.

Tumayo na ako, "Dapat hindi mo na ako tinulungan baka madamay ka pa."pagtutol ko sa kaniyang mga kamay at tinapik lang iyon.

Hinawakan niya ang dalawa kong balikat, napatingala naman ako.

Its lips are form a line, "Ikaw lang laging mag isa at baka ano ulit gawin nila sayo— sainyo."binasa niya ang pang ibabang labi at hindi ko napigilan ang sarili na gayahin siya.

"Salamat talaga.”

He just smiled and my eyes secretly widened as he embraced me for the second time.

A days comes, I am no longer alone every lunch break and when I go home. Hinihintay niya na dumating si Emu o kaya ay hinahatid niya ako sa aming bahay, kahit anong tangi ko ay wala naman akong magawa dahil dalawa sila at iisa lang ako.

Habang naglalakad kaming magkasama ni Emu sa hallway ay huminto ang mundo ko nang makita ang isang tao na ilang araw ng hindi ko nakikita.

Bumagal ang paligid at mistulang kaming dalawa lang ang tao ngayon dito. Ni Isa ng kaniyang mga mata ay hindi man lang tumapat sa akin.

He didn't stop, just passed me by, like the time.

Bumagal ang aking paglalakad at naramdaman ko ang pag akbay ni Emu sakin dahil don ay natauhan ako.

“Iba talaga ang epekto sayo ng isang Dev. Ayaw mo ba kay Lee?”bulong na tanong nito sakin.

I shook my head slowly. “Siguro gano'n talaga kapag minahal mo, pero hindi na ako kinikilig ngayon.”

Ngumiti ito ng napakalaki, “pero napapahinto ka kapag nandiyan siya? Just walking next to you, your eyes are like a magnet and you immediately look at him, kahit gaano pa karaming taong nakaharang ay hindi aalis ang iyon mga titig kung nasaan siya.”mahina ang boses nito at napawi ang ngiti niya.

Matipid itong ngumiti at hinawakan ang aking kamay.

“Tama na yan, Dre. Alam ko, ang sakit-sakit na nito,”pagtapat ng kaniyang hintuturo sa aking dibdib. “Intindihin mo muna sarili mo at siya.”pagtukoy niya sa aking nasa sinapupunan.

Pretty Fake SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon