19

25 2 0
                                    


CHAPTER 19

“Ano pa ang gusto mo?”tanong ni Emu habang ibinababa niya ang biniling gatas sa grocery cart.

“Wala na.”pag-iling ko at nauna itong naglakad, sumunod naman ako.

Andito kami ngayon sa grocery. Bumibili ng mga pagkain para samin sa buwan na ito. Sobrang alaga samin ni Emu.

Dapat ako ang nagtutulak ng cart na hawak niya pero ayaw niya dahil baka mapagod daw ako.

Sinamahan niya ako ngayon dahil sabado naman at wala rin siyang klase. Gusto ko lang ng tinapay at gatas, sakto lang din kase ang pera na dala ko. Ang iba naman ay tago ko para sa panganganak ko.

“Prutas?”

Itinaas niya ang isang hawak na mansanan upang ipakita sakin. Mabilis lang akong umiling at ngumiti sa kaniya.

“Ayos na ako. Wala na pala tayong bigas.”pag-iiba ko ng usapan.

Kumunot ang noo nito habang pinagmamasdan ako.

Anong mali sa sinabi ko?

“Bakit?”inosente kong tanong.

Kita ko ang pagtaas baba ng kaniyang balikat, “Lahat ng gusto mo bibilhin ko, Dre. Baka ano mangyari sa sayo pati na sa Bata kung hindi mo kakainin ang lahat ng gusto mo.”tuluyan itong lumapit sakin.

Hinawakan niya ako sa kamay, “Kaya natin to. Hindi kita iiwanan at ang inaanak ko.”nagpantay lamang ang labi ko sa narinig.

Humiwalay ang kamay matapos ang ilang segundo. Bumalik ito sa harap ng mga prutas na nasa gilid at kumuha ng tig iisang balot. Muling tumapat ang mga tingin niya sakin at matipid akong ngumiti.

Mabilis na bumaba ang tingin ko sa lapag nang mapako ang mga mata sa isang pamilyar na bulto naglalakad papalapit sa pwesto namin. Habol-habol ko ang hangin.

Napa kuyom ang aking mga kamay at hindi sinasadyang nalukot pati ang suot kong tshirts. Napapikit na lang ako na maramdaman ang presensya niya sa harap ko.

Anong ginagawa niya rito? Bakit andito siya?

Hanggang maabot ng aking ilong ang mabangong pabango nito. Tulad pa rin ng dati.

“Dre, Tara na sa cashier.”sa boses ni Emu ay napa mulat ako.

Sa pagtingala ko ay mabilis akong lumingon sa likod. Nilampasan niya ako. Lumuwag ang aking pahinga.

“Tara,”pag sang-ayon ko rin.

Hindi ko na muling nilingon siya. Diretso lang ang tingin ko kay Emu at sabay kaming naglakad papunta sa cashier para magbayad na.

Nakatadhana ba talagang sa ibang direksyon ang punta naming dalawa?

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari ang lahat ng ito. Sobrang bilis at sobrang daming nagbago.

Matapos namin mag grocery ay kumain kami sa labas. Sa isang restaurant na hindi masyadong kamahalan ako nag aya.

“Dapat marami na ang kakainin mo.”bilin nito sakin na parang Nanay sabay lagay ng sabaw sa aking plato at mga ulam.

“Dalawa na kayong magugutom kaya huwag mo nang ulitin yun dati mong pagkain ng kaunti. Dapat mga triple pa ro'n. Kung hindi lagot ka kay Mau.”mahabang lintanya niya.

Napa igta ako at nanlaki ang mga mata, “Sinabi mo kay Mau?”pigil-pigil ko ang sarili na lumakas ang boses.

Mabilis lang itong tumango. Umawang ang labi ko.

“Anong sabi? Anong reaksyon niya at kailan mo sinabi?”tanong ko.

“No'n gabing nalaman mong buntis ka. Eh, kailangan kaya kita protektahan kaya sinabi ko na agad kay Mau. Galit na Galit nga sa lahat, lalo na may Dev. Tsaka iyon nangyari sa classroom na pagsagot ko sa professor, si Mau may pakana no'n. Binigyan niya ako ng sasabihin, mga iilan words lang ang naalala ko sa mga pinupunto niya ro'n pero ang galing ko di ba?”pag-amin nito sa lahat.

Pretty Fake SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon