Ang marahang pagkatok mula sa nakabukas na pintuan ng kuwarto ang siyang nagpatingin kay Raphael sa direksyon nito. Katatapos niya lang maligo at napangiti siya ng makita ang kanyang ina.
"Mommy.."
Pumasok si Lily at nginitian ang anak, ito ang nag-iisang anak nilang lalaki ng asawang si Micheal. "Dito ako matutulog." Pabiro niyang sabi at naupo sa kama.
"Mom! Magagalit si daddy, alam niyo namang seloso yon." Sagot ng binata matapos makapag-suklay ng buhok.
"Hayaan mo ang daddy mo, parang hindi ka pa nasanay doon."
"Kahit na, tingnan niyo maya-maya nandito na din yon."
"Bakit kase aalis ka agad? Kailangan mo ba talagang bumalik bukas sa Palawan anak?" May himig na pagtatampo na tanong ni Lily, her son went home here in San Juaquin three days ago and tomorrow morning he will go back again on Palawan. May binili kase ang kanyang anak na property doon at ginawa din na resort. Noong una ay sobrang tutol niya dahil nga may hindi siya magandang karanasan noon sa Palawan pero hindi din naman nagtagal ay natanggap na niya. Raphael is business minded like his father kaya wala siyang nagawa kung hindi suportahan na lang din ito. At siguro isang araw mabibisita niya din doon ang anak dahil lagi naman siyang inaaya na dalawin niya si Raphael doon at para makita ang sariling resort ng anak.
"Alam niyo naman pong kabubukas lang ng business ko diba? Tsaka umuuwi naman po ako dito monthly." Sagot ni Raphael, the beauty of his mom never fade kaya siguro kahit malalaki na silang magkakapatid ay patay na patay pa din ang daddy Micheal niya sa mommy niya.
Napasimangot naman si Lily, alam niyang hindi na niya mapipigilan ang anak sa pag-alis na naman nito bukas. Tanging si Stella na lang kase ang naiwan kasama nilang mag-asawa dito sa resort nila. Ang dalawa pa kase sa quadruplets na sina Celestine at Anastasia ay sa Manila naman ngayon nagtatrabaho. Their kids choose their owned path way after they graduated in college. Hinayaan din nila ni Micheal na piliin ng mga ito ang gustong kurso ng mga anak ng mag-kolehiyo. At ito ngang si Raphael ay tumulad sa ama at nagtayo ng sariling resort pero sa malayo naman. "Namimiss ko lang kayo, alam niyo namang hindi ako sanay na magkakahiwalay kayong magkakapatid diba at malayo sa amin ng daddy mo."
Raphael smiled, this is what he like about their mom. She's so sweet on them and a very loving mother. Kahit hirap na hirap ito sa pag-aalaga noong maliliit sila ay very hands-on talaga ang ina sa kanilang apat. Kung ang mommy niya ay pa-sweet side kabaliktaran naman nito ang daddy niya na istrikto sa kanila lalo na sa mga kakambal niyang tatlong babae lalo na nag mag-teenager na sila. Bantay sarado ng daddy Micheal niya sina Celestine, Stella at Anastasia. Niyakap niya ang mommy niya ng mahigpit. "Lagi naman namin kayo tinatawagan ah, tsaka sabi mo sa amin noon gawin namin ang magpapasaya sa amin? Kaya ito na nga yon mommy."
Kinurot ni Lily ang anak sa tagiliran, "Sinabi ko nga at hindi ko yon nakakalimutan pero ang layo mo naman kase pati yung mga kakambal mo ganon din."
"Hayaan mo mommy bibigyan na lang kita ng apo." Biro ng binata sa kanyang ina.
"Ay naku umayos ka nga, lagot ka sa daddy mo pag narinig niya yan."
Natawa naman si Raphael, paano ba naman lahat ng kaibigan ng daddy niya ay may mga apo na at ang daddy niya na lang ang wala. Kaya pag magkakasama ang mga ito ay laging tinutukso ng tito Gov niya at tito June niya. "Para may babantayan ka na din na apo."
"Tse! Tumigil ka Raphael, sa inyo pa nga lang sumasakit na ang ulo ko eh." Sabi ni Lily, parang ang bata pa kase ng anak niya kung mag-aasawa na ito agad. Mas maganda pa din na i-enjoy muna nito ang pagiging single.
Masaya silang nagkukuwentuhan na mag-ina ng bigla naman pumasok sa loob ng kuwarto si Micheal at tsaka sumandal sa hamba ng pintuan.
"Tsk, let's go on our room sweetie, bakit nandito ka sa kuwarto ng anak natin." Ani ni Micheal.
"See? sabi ko sa inyo mommy bigla na lang susulpot si daddy diba." Bulong pa ni Raphael sa tenga ng mommy niya. Daddy niya na yata talaga ang anino ng mommy niya eh, laging nakasunod.
Natawa naman si Lily bago tumingin kay Micheal. "Tabi kami matutulog ng anak mo Micheal tutal aalis naman na siya ulit bukas." Seryoso pa niyang sabi sa asawa pero gaya ng inaasahan ay pumasok na din ito ng tuluyan sa kuwarto ng anak nila at tumabi sa kanya.
"Anong dito ka matutulog? Tumigil ka nga Lily ang laki-laki na niyang si Raphael para tabihan mo pa tsaka hindi na yan bata no!" Kontra agad ni Micheal.
Pero niyakap pa ng binata ang mommy niya at nginisian ang daddy niya. Ganyan ka-seloso ang ama niya pagdating sa mommy nila. Maski sila ay pinag-seselosan nito.
"Paano ba yan dad mag-isa ka yata ngayong gabi matutulog sa kuwarto niyo." Pang-aasar pa ni Raphael.
Hinila naman ni Micheal ang asawa niya hanggang sa mapaupo ito sa kandungan niya. "Magtigil ka Raphael, ngayon ko lang nasosolo ulit ang mommy niyo akala mo."
Tumayo ang binata at naupo sa gaming chair na naroon din sa loob ng kuwarto niya. Parang hindi pa din siya ganon kasanay kapag ganito ka-sweet ang daddy niya sa mommy niya, siya ang kinikilabutan lalo pa at malaking tao ang ama niya pero pag kaharap na ang mommy niya ay para itong maamong tupa. "Baka naman masundan pa kami daddy ang lalaki na namin no. Tsaka ayaw ng mga kapatid ko ng kapatid."
Ngumiti si Micheal, kung siya lang aanakan niya talaga noon pa si Lily pero ang asawa niya na kase ang kusang humiling na wag na nilang sundan pa ang quadruplets dahil nga apat na ito kaya kahit labag sa loob niya ay pumayag na din siya. "Why not? Malakas pa ang daddy mo no! Tsaka maganda yon masusundan na namin kayo ng mommy mo."
Napatili naman si Lily ng buhatin siya ng asawa. "Ano ka ba Micheal mahiya ka naman sa anak mo!" Saway ni Lily.
"Nahhh gagawin din to ni Raphael kapag nagka-girlfriend yan."
Napailing na lang ang binata habang tinitingnan ang kanyang mga magulang. "Sige na mom, dad goodnight na po." Lumapit pa si Raphael sa ina kahit karga-karga ito ng daddy niya. He gave her a goodnight kiss.
"Goodnight anak, ipaghahanda kita bukas ng masarap na almusal. Kayo ni Stella." Ani ni Lily.
Micheal walked with them until on his door. Grabe ang kulit talaga ng daddy niya, well he's right parang natutulad na siya sa kanyang ama. Napaka-sweet niya din kase sa girlfriend na si Anna marie, at hindi na siya makapaghintay na makabalik na sa Palawan dahil namimiss niya na ito.
#maribelatentastories