"D-do I look okay? Ayos na ba itong suot ko?" Tanong ni Lily sa asawang si Micheal at muling humarap sa salamin. Ngayong araw ang birthday ng Mama ni Anna marie na gaganapin sa bahay ng mga ito. She want to look presentable, lalo na at importanteng tao din para sa kanyang anak ang pupuntahan nila.
"Your always beutiful sweetheart so no need to ask me."
"Hay naku Micheal wag mo na kong binobola." napasimangot na sabi ni Lily at inayos muli ang mahabang buhok.
Lumapit naman si Micheal sa asawa at niyakap ito mula sa likuran nito. "Damn bakit parang hindi ka tumatanda?" Nakuha niyang itanong habang nakatingin dito mula sa salamin. Lily maybe got matured but her physical appearance still look the same. Kung ano ang katawan nito ng una niyang makilala ay gano'n pa din hanggang ngayon mas nagka-hulma pa nga pagkaanak ng kanilang quadruplets kaya naman patay na patay talaga siya dito hanggang ngayon eh.
"Tumigil ka Micheal, alam ko ang mga galawan mong ganyan, may lakad tayo kaya halika na sa labas at baka hinihintay na tayo ng anak mo."
"Tsk, Raphael can wait Lily but not me." hirit pa ni Micheal na humimas na ang kamay sa hita ng asawa. Naka-dress lang kase ito kaya malaya niyang maigagalaw ang kamay sa katawan nito.
Mabilis naman na hinawakan ni Lily ang kamay ng asawa at humarap dito. If she will not stop him and let Micheal do what he want malamang sa kama ang bagsak nilang mag-asawa at mahuhuli sila sa kanilang pupuntahan. "Later Micheal, but now umalis na tayo." Nakangiti niyang sabi.
Muling niyakap ni Micheal ng mahigpit ang asawa, "Promise? Mamaya talaga pag-uwi natin?" Tinaas baba niya pa ang mga kilay para makasiguro.
"Yes, mamaya pag-uwi natin."
Pangako ko sa kanya, hindi kase ito titigil hangga't walang sagot mula sa akin."Then hihiramin ko kay Raphael 'yong yate niya para doon tayo sa gitna ng dagat." Pilyong sabi ni Micheal.
"My god umayos ka nga, nakakahiya!" Minsan naiisip na lang ni Lily na oo tumanda sila pero ang kakulitan at kapilyuhan ng asawa niya ay hindi naman nabago, at mas lumala pa nga habang tumatagal ang pagsasama nila.
Nasa driver seat na si Raphael at hinihintay na lang ang kanyang mga magulang na malamang ay nag-haharutan pa para makaalis na sila. Simpleng salo-salo lang ang hinanda ng kanyang nobya na si Anna marie para sa kaarawan ng Tita Natasha niya at tanging malalapit lang din na kaibigan ang inimbitahan. He's nervous and excited in the same time, ewan niya pero kaninang umaga ay pumunta siya sa bayan at bumili ng singsing. He want to be prepare, baka kase alukin niya na ang kasal ang nobya. He's very sure on her, and he really love Anna marie and he's sure also that if ever he will propose on his girlfriend she will say yes to him. Kaya simula ngayon lagi niya ng bibitbitin ang singsing na binili niya.
"Oh let's go na Raphael, alis na tayo." sabi ni Micheal ng makaupo silang mag-asawa sa likurang bahagi ng sasakyan.
Agad naman nilingon ni Raphael ang mga magulang, his mom looks beautiful on her white dress. Pero bakit sa likuran ang mga ito umupo?
His father use to seat beside him lalo na kung siya ang nagda-drive."Saan po kayo Ma'am, Sir?" Sabi ng binata kila Lily at Micheal.
"Ay naku Raphael, ewan ko ba dito sa tatay mo at nakabuntot na naman sa akin. Doon ka na sa harap maupo." Sabi ni Lily sa asawa at tinulak pa ito.
"Ayoko nga, dito lang ako no para kunwari bodyguard mo ko." Kinindatan pa ni Micheal ang asawa.
Napapailing na lang na tiningnan ni Raphael ang magulang mula sa rearview mirror, minsan naiinis na din siya sa kakasunod ng Daddy niya sa Mommy niya eh. His Dad love to tease their Mom and his Mom will get pissed on his Dad. Pinaandar na niya ang sasakyan dahil mukhang walang balak maupo ng Daddy niya sa harapan ng sasakyan ngayon.
Masaya kong sinalubong sina Raphael at ang mga magulang niya. He texted me awhile ago at sinabi nga niya na papunta na sila dito sa bahay. Nasa loob naman si Mama at may kausap na bisita din niya.
"Hi po, good evening Tito Micheal, Tita Lily." Bati ko sa kanila paglapit ko, nakipag-beso ako sa dalawa at nginitian ko naman si Raphael.
"'It's nice to see you again iha." nakangiting sagot ni Lily na bitbit ang regalo para sa ina nito.
"Tara na po sa loob, nandoon po si Mama." at tsaka ko sila iginiya papasok ng bahay.
Nakangiting sinundan ng mag-asawang Villarosa si Anna marie kasama ang kanilang anak na si Raphael. Nasa city proper ang bahay ng dalaga, hindi ito malaki o maliit. Maayos din ang loob ng bahay at alam mong name-maintain ng maayos.
"Tawagin ko lang po si Mama." magalang na sabi ni Anna marie matapos makaupo nila Lily at Micheal sa maliit nilang sofa.
"Sige iha, take your time." ani ni Micheal.
Tinawag naman ni Anna marie ang Mama Natasha niya sa kusina. She smiled to her and told her that Raphael's parent was already here.
"Tita Lily, Tito Micheal mama ko nga po pala si Mama Natasha." masayang pakilala ko ng bumalik kami sa sala.
Napatayo naman si Lily mula sa kinakaupuan at tinitigan si Natasha, nabitawan din niya ang hawak na regalo.
"Mom?" Tawag ni Raphael sa Mommy niya.
"I-ikaw ang mama ni Anna marie? A-anak mo siya Natasha?" Hindi makapaniwalang sabi ni Lily habang nagpapalit-palit ang tingin sa dalawang babae na nasa harap niya.
"Lily.." 'yon lang ang nasabi ni Natasha bago pumatak ang luha niya, pero bago pa makapagsalita ulit ay dali-dali namang lumabas si Lily ng bahay na sinundan ni Micheal at Raphael.
