"I'm happy for you Lily." nakangiting sabi ni Sienna sa kaibigan, she's happy hearing from her daughter that Lily and Micheal will go to Palawan to celebrate and meet the parent of Raphael girlfriend.
"Medyo kinakabahan pero alam ko naman na wala akong dapat ikatakot." Ani ni Lily, wala naman na talaga dahil patay na ang gumawa sa kanya ng kasamaan noon. Alam niyang mali pero ginawa ni Micheal ang lahat ng makakaya para mahuli at maiganti siya nito kay Marco noon. She lost her baby, their first baby and without the helped of Eros before she might died when the fire happened on Micheal's resort before.
"Wala naman na talaga Lily, matagal ng panahon ng nangyari sa 'yo 'yon at alam ko na napalitan naman na ng magagandang memories ang lahat ng pinag-daanan mo."
Sabi pa ni Sienna na masaya para sa kaibigan."Yan din ang sinasabi ni Micheal sa akin, isa pa ayoko biguin si Raphael dahil lang sa takot pa din ako hanggang ngayon. And you're right, I need to move on."
"Your son will be happy to see you there." sabi pa ni Sienna. "Sabi nga ni Miracle sa amin ng Daddy niya balak daw nila ni Aidan magbakasyon ng ilang araw doon sa resort ng anak mo. Aba syempre tuwang-tuwa naman si Eros dahil maiiwan sa amin ang mga apo namin."
"Isa pa 'yon sa gusto ko talaga Sienna, alam kong gusto ni Raphael na makita ko ang property niya doon. He's alway excited to talk about his resort, at alam niyo naman na si Micheal lang ang madalas magpunta doon lalo na habang nagpapagawa ang anak namin."
"And now you will see it finally, Raphael is close to you Lily. Naaalala ko lagi 'yang inaasar nila Sky at ng kambal nila Angela na mama's boy noon dahil lagi ngang nakabuntot sa 'yo." natatawang kuwento ni Sienna, "But now Raphael will be more happy because of you."
Palawan..
"Hey you look tired love." sabi ko kay Raphael ng sunduin niya ako sa ospital. Pang-araw ang duty ko ngayon at pasado alas sais na nga ng gabi.
"I was busy all day, how's your day?" Kinintilan ni Raphael ng halik sa mga labi ang nobya bago ito pinagbuksan ng pinto ng kanyang sasakyan.
"As usual pagod pero dahil nakita ko na ang pogi kong boyfriend parang nagkalakas na ako." pabiro kong sabi sa kanya na siyang kinangiti niya naman. I know he was busy this past few days, patapos pa lang kase ang pinapagawa niyang swimming pool kaya naman nakatutok talaga siya doon. And his parents will be here tomorrow.
"Nagiging bolera ka na." ikinabit ni Raphael ang seatbelt sa nobya at hinalikan muli ang labi nito bago tuluyang pinaandar ang sasakyan. Bukas na ang dating ng Mommy at Daddy niya galing San Juaquin at parang hindi pa din siya makapaniwala. Pero naayos naman niya na ang villa na tutuluyan ng mga ito.
Masayang sinalubong ni Raphael ang magulang na sina Lily at Micheal sa airport, hapon ang mga ito dumating sa Palawan.
"Mom.."
"I missed you anak." sabi agad ni Lily ng makita niya si Raphael at yakapin ito agad.
"Thank you, I'm so glad you're finally here."
Tiningnan ni Lily ang anak, happiness is all over on his face. She's happy too seeing him again.
"Ako hindi mo ko babatiin?" Nakasimangot na sabi ni Micheal na hila-hila ang isang maleta na naglalaman ng gamit nilang mag-asawa.
"Mas namiss ko po si Mommy kesa sa inyo." Ani ni Raphael bago niyakap ang ama.
"Hayyy sweetheart oh!" Parang batang sumbong ni Micheal sa asawa.
"Hay naku Micheal tumigil ka na nga, tara na anak." At tsaka humawak si Lily sa braso ni Raphael at nauna ng naglakad na siyang lalo ikinasimangot ni Micheal.
Halos isang oras ang tinagal ng biyahe mula sa airport papunta sa resort ni Raphael, Lily was amazed seeing her hometown after so many many years. Ang daming pinagbago ng lugar nila simula ng umalis sila, mula sa mga bagong building na nakatayo at mga daan na bagong gawa. At halos wala na nga bakas ang kinagisnan niyang lugar noon.
"Welcome to my resort Dad, Mom." masayang sabi ni Raphael ng makarating sila sa kanyang resort. Magiliw namang binati ang mga magulang niya ng kanyang mga empleyado.
Masayang pinagmasdan ni Lily ang resort ng anak, she knew that her son gave all of his hard work to make his dream come true. Katakot-katakot pa ngang pangaral ang natamo ni Raphael mula sa kanya noon dahil nga ayaw niyang dito ito magtayo ng negosyo, maliban sa malayo sa kanila ay 'yong naranasan niya nga dito noon ang inaalala niya.
"Hindi pa tapos 'yong pinapagawa kong swimming pool pero ilang araw na lang din naman at matatapos na 'yan." Kuwento ng binata habang inililibot ang magulang sa resort niya. Magdadapit-hapon na kaya ang mga ilaw na kulay dilaw sa mga puno at poste sa loob ng resort ay nakabukas na. The ambiance of his resort was really romantic and homey, kaya kahit malamig pa din ang panahon ngayon dahil nga January pa lang ay puno pa rin ng guests ang mga villa niya.
"I'm so proud of you Raphael, dapat pala sinama namin ang mga kapatid mo dito." Si Lily habang nasa tabing dagat silang tatlo.
"I just love being here mom, iba talaga kapag laki sa tabing dagat parang hinahanap-hanap mo lagi 'yong tunog ng alon." Ani ni Raphael sa ina.
"And you did it all by yourself, nextime pupunta kami ng mga Tito mo dito." Sabi naman ni Micheal.
"Baka this coming summer magdagdag pa ako ng ibang water activities dito Dad, madaming turista ang pumupunta dito sa Palawan kapag bakasyon."
"That's good, how about the restaurant that you're planning?" Tanong ni Micheal, maganda din kase talaga na may restaurant ang mismong resort para hindi na lalabas pa ang mga guests para kumain sa ibang lugar. At hindi lang 'yon, maganda din ito buksan para sa mga gusto lang kumain at mamasyal sa tabing dagat 'yon nga lang matrabaho talaga ito.
"Pinupulido ko na Dad ang plano ko tungkol diyan, pero uunahin ko muna itong swimming pool at mga idadagdag kong water activities." Sagot ni Micheal.
"Kahit ano pa 'yang plano mo na 'yan Raphael nandito lang kami ng Daddy mo para suportahan ka." Lily said again, ngayon pa lang siya nakarating dito pero sobrang proud na siya sa anak niya.
Raphael smiled widely, "Let's go, sigurado akong nakaluto na sila sa villa." Aya niya sa magulang.