CHAPTER 11

10K 118 1
                                        





I can't express how happy I am, our head duty nurse allowed me to have a five days leave during christmas season. Ang pinaka head kase talaga namin ang nagdi-decide kung puwede bang mag file ng leave ngayon lalo pa at madaming pasyente ang tinatakbo kapag ganitong season. So now I can go with Raphael on San Juaquin to meet his family.

San Juaquin..

"You look so beautiful iha.." nakangiting sabi ni Lily kay Anna marie matapos ipakilala ng kanilang anak ang girlfriend nito sa kanila.


"S-salamat po, finally nakilala ko na din po kayo." Magalang kong sagot sa mommy ni Raphael. Now I know Raphael looks like his mom, para itong woman version ng kanyang nobyo.

"Akala namin nagbibiro lang si Raphael ng sabihin niyang may ipapakilala daw siya sa amin. 'Yon pala hindi." Si Micheal na katabi ni Lily.



"Oo nga, and we're happy to meet you Anna." Si Celestine na isa sa quadruplets.



"She will stay here for five days, then after that babalik na muna kami ng Palawan." Sabi ni Raphael na halata ang kasiyahan ngayon. He's so damn happy that finally he introduced his girlfriend to his family. Ang tagal niyang pinangarap ito at ito na nga!

Bigla naman lumapit si Anastasia kay Anna marie. "Let's go, ililibot ka namin dito sa resort."

"Tsk, ako ng bahala sa kanya Anastasia." Mabilis na saway ni Raphael, buti na lang din at nandito ang dalawa niyang kapatid na sina Celestine at Anastasia. Kagaya niya dito din sa San Juaquin ang dalawa magpapasko at magbabagong-taon at alam niyang masaya ang mommy at daddy nila na kumpleto sila. They used to celebrate holidays or any occasions together since they we're kids.

"A-ayos lang.." mahinang sagot ni Anna marie bago tuluyang nagpahila kay Anastasia at Celestine. Wala naman nagawa si Raphael kung hindi sundan ang mga ito ng tingin.


"Mom.." tawag ng binata sa mommy niya at tumabi dito, he hugged her tight. Namiss niya ang mommy niya at alam niyang kahit hindi pa ito magsalita ay hindi nito inaasahan na may kasama siyang babalik dito sa San Juaquin galing Palawan.


"Binata na talaga ang anak ko, may girlfriend na eh." Parang may himig na tampo na sabi ni Lily sa anak habang hinihimas ang mukha nito.



"Anna marie is nice mommy, and I love her." Masayang sabi ni Raphael.


"Alam ko, halatado naman anak eh. Dito siya magpapasko hindi ba?"


"Opo, dito nga. Okay lang naman yon Dad diba?" Baling ng binata sa ama.



"Of course, she can stay on the villa while she's here. Ang hindi okay ay yang pag hawak-hawak mo sa nanay mo." Nagseselos na hinampas pa ni Micheal ang kamay ng anak na nakahawak kay Lily pero dahil magkatabi lang sila ng asawa ay mabilis naman siyang hinampas nito sa balikat.

"Tumigil ka nga! Anak mo 'yan Micheal!" Saway ni Lily, napaka-seloso talaga ng asawa niya kahit kailan at pati ang sariling anak ay pinag-seselosan.


"Sweetheart naman ang laki-laki na niyang bata na 'yan, kita mo nga at nag-uwi na ng girlfriend dito." Ani ni Micheal.

"Eh ano? Si Raphael pa din ang nag-iisa kong anak na lalaki at kahit tumabi pa sa akin sa pagtulog 'yan ay ayos lang." Sabi naman ni Lily, natatawa tuloy na niyakap pa ni Raphael ang mommy niya habang inis na inis ang itsura ng daddy niya.


  "Hey Anna are you okay?" Tanong ni Stella matapos nilang maupo sa lounge ng kanilang resort, kakaunti lang ang guests nila ngayon dahil na din siguro weekdays.

Dahan-dahan akong tumango bilang sagot. "O-oo, sorry but I felt amazed seeing the three of you. Ngayon lang ako nakakita ng quadruplets and knowing your brother parang siya ang naiba ang itsura at mas kamukha ng mommy niyo." Hindi ko mapigilang sabihin, kanina ko pa silang tatlo tinitingnan at talagang magkakamukha sila kung tititigan mo pero malalaman mo din na may pagkakaiba sila.

"Ay naku, masasanay ka din. Kailangan mong makilala ang bawat isa sa amin ha." Ani ni Celestine.

"Ikaw si Celestine right?" Tukoy ko sa kapatid ni Raphael na nakaupo sa harap ko. "Mero'n kang nunal sa may lips mo kaya madali kita matatandaan na wala sa kanilang dalawa."

Napangiti naman sina Stella at Anastasia sa narinig, Anna marie was right. Celestine have mole near on her lips at silang dalawa ay walang ganon.

"And you're Anastasia." Sabi ko naman sa babaeng nakaupo sa bandang kaliwa ko. "Kumpara sa kanilang dalawa ay mas payat ka at ikaw lang din ang ang may pinaka-mahabang buhok sa inyong tatlo." Sabi ko, nakikita ko naman ang mga picture nila kahit pa nasa Palawan ako dahil madalas itong pinapakita sa akin ni Raphael kaya naman pamilyar na sa akin ang pagkakaiba ng mga itsura nila kahit pa magkakamukha sila. "And you're Stella, ikaw 'yong may pagka-sporty sa inyong tatlo at ikaw lang din ang may dimples." Sabi ko naman sa babaeng nasa may kanan ko.

"Ang galing, madali mo kaming nakilala." Ani ni Stella. "Siguro nag-practice ka kung sino ang sino sa amin no?" Pabirong sabi niya pa.

"Laging pinapakita ni Raphael ang mga picture niyo sa akin at lagi din niya kayong kinukuwento sa akin."

"He's our only brother at kapag hindi namin sinabi na quadruplets talaga kami ay mapapagkamalan kaming tatlo na triplets. Rap looks like our mom." Sabi ni Celestine, mas hawig kase nilang tatlo ang kanilang Daddy.

"Alam mo bang ikaw ang unang pinakilala ng kapatid namin sa amin na girlfriend niya. At alam din namin na ikaw ang una niyang girlfriend." Si Stella na nakatingin kay Anna marie. "This christmas will be special I guess."

"Well I'm looking forward to know you more, kahit na ilang araw lang ako dito." I need to go back on the 26th of December on Palawan. May duty na kase ako sa 27 at isa pa walang kasama si mama sa bahay!


"Sabi ni Raphael nurse ka daw?" Tanong ni Anastasia.

"Oo, nagwowork ako sa isang private hospital sa Palawan, pero sabi ng kapatid niyo hindi pa daw kayo nakapunta sa resort niya?" Tanong ko, 'yon kase ang kuwento ni Raphael sa akin.

"Not yet, si Daddy lang. Actually ayaw talaga ni mommy na payagan noon si Rap magkaroon ng property  doon. I know our brother told you about my mom bad memories in Palawan kaya siguro hindi namin magawang pumunta doon."


I nodded on them, kinuwento nga sa akin ni Raphael ang tungkol sa nangyari sa Mommy nila noon sa Palawan and I felt sorry about their mom. Buti na lang talaga at nakaligtas ito sa lalaking nagtangkang maisama ang Mommy nila sa  pagsunog ng resort ng Daddy nila.

Tumayo si Celestine at nginitian si Anna marie. "Tara doon tayo sa tabing dagat, hindi na mainit." Pag-iiba niya ng usapan, tumayo naman ang tatlo at sumunod dito.





Raphael VillarozaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon