CHAPTER 21

5.7K 115 1
                                        



"Are you sure ayaw niyong magpasama?" Pangatlong beses na tanong ni Raphael sa kanyang mga magulang, bukas na ang birthday ng mama ng girlfriend niyang si Anna marie at nagsabi ang Mommy at Daddy niya na pupunta daw ang mga ito sa city proper para bumili ng regalo.

"Kami ng bahala ng Mommy mo anak, aba hindi kami maliligaw dito no!" Sabi ni Micheal na nakahawak pa ang kamay kay Lily.

"Okay sige, kayo ang bahala basta tawagan niyo na lang ako kapag pauwi na kayo." Sabi ng binata, ang sasakyan niya ang gagamitin ng magulang hindi niya kase masamahan ang dalawa dahil parating 'yong ibang gamit na inorder niya para sa pinapagawang swimming pool.

"Don't worry anak, maligaw man kami ng Daddy mo nandito pa din naman kami sa Palawan." Pabirong sagot ni Lily.

"Akala ko pa naman sasakalin niyo." Ani ni Raphael na kinatingin agad ng Daddy niya.

"May pinapaboran ka talagang bata ka. Sige na Raphael aalis na kami ng Mommy mo."

"Sige po, ingat. Wag na po kayong magpunta sa kung saan-saan ayaw na po namin ng kapatid." Pabirong sabi ng binata sa mga magulang niya. Hilig niya talagang bilinan ang mga ito ng gano'n.

"Raphael!" Nahihiyang tawag ni Lily sa pangalan ng anak.

"Ay naku Raphael susundan talaga namin kayong magkakapatid. Diba sweetheart?" Natatawa na ding inakbayan ni Micheal ang asawa pero kinurot naman siya ni Lily sa tagiliran.


"Umayos ka nga! Ang laki-laki na niyang mga anak natin." Bulong ni Lily kay Micheal pero narinig din naman ni Raphael.

"Have to go now son, para makadami pa kami ng mommy mo." Tatawa-tawang sabi ni Micheal.

Doon na tuluyang natawa si Raphael ng malakas at sinundan na lang ang magulang ng tingin habang papasakay sa kotse niya. He really adores the relationship of his parents, his Dad is the strict one while his Mom is the soft hearted. They never saw them arguing since they we're kids, dahil pinaliwanag ng Daddy niya noon na ayaw daw ng mga ito na makikita nila na nagtatalo ang mga magulang nila lalo na sa harap nilang magkakapatid. At kinahahangaan niya 'yon, kaya naman sobrang bilib at ang taas talaga ng paghanga niya sa pagsasama ng dalawa.
Pero sa dalawa, Daddy niya ang matatawag na under at laging nasunod sa Mommy niya.


   "Ang ganda-ganda na dito Micheal, samantalang dati 'yong kalsada hindi naman ganito." Sabi ni Lily habang nasa loob sila ng sasakyan at malapit na sa city proper.

"Ako din, nagulat noong makabalik ako dito para samahan noon si Raphael dahil inaayos niya ang permit ng resort niya. Ang laki na ng pinagbago diba?"

"Oo, sobra. Ang dami ko pa lang pinalipas na taon at sinayang na oras para makauwi man lang dito." May panghihinayang sa boses na sabi ni Lily.

Hinawakan naman ni Micheal ang kamay ng asawa at pinagsalikop niya ang mga ito. "It take times for you to heal Lily, and I'm so thankful now that you agreed to come here for our son." At tsaka niya pa hinalikan ang kamay nito.

"I love our son Micheal lahat silang apat kaya ginagawa ko ito tsaka syempre para na din sa sarili ko."

"I know sweetheart, and I love you more for that."


  Nagpasyang maglakad-lakad sina Micheal at Lily pagdating nila sa city proper ng Palawan. Mula sa mga kainan, iba't-ibang local tourist shop at may mall din silang nadaanan ay pareho silang natuwa na ang laki na talaga ng pinagbago ng lugar na tinirhan nila noon.

"Ano sa tingin mo dito? Ito na lang ang iregalo natin?" Tanong ni Lily sa asawa ng makakita ng ceramic vase sa isang shop na nadaanan nila. Naalala niya kaseng naikuwento ni Anna marie na mahilig daw ang mama nito sa mga vase.

"That's beautiful, ikaw ng bahala." Tipid na sagot ni Micheal na walang hilig sa pamimili.

Napailing na lang si Lily, wala talagang hilig ang asawa niya sa pamimili katulad ng ganito. Pero nagpapa-salamat siya dahil lagi pa din siyang sinasamahan. Umikot pa siya sa loob ng shop para magtingin-tingin pa doon ng ibang design. Pero nagulat na lang siya ng may tumawag sa pangalan niya.


"L-lily? O-oh my god! Ikaw ba si Lily?" Sabi ng babae na  nakatayo sa harap ni Lily na hindi nalalayo sa edad niya.

Natigil naman si Lily at tiningnan ang babaeng tumawag sa kanya. The woman look familliar, kilala niya ito. "N-natasha?"

"Ako nga!" Lumapit ang babae kay Lily at niyakap siya nito.

 

  Sa isang restaurant sila bumagsak, Lily knew Natasha. Nakasama niya ito noon sa bar na pinagdalhan sa kanya ni Marko at naging malapit niya din itong kaibigan habang nagtatrabaho sila doon.

"Masaya ako at nakita kita ulit!" Hawak-hawak ng nag-ngangalang si Natasha ang kamay ni Lily.


"Ako din, hindi kita agad namukhaan." Ani ni Lily na parang maluluha pa.

"Kamusta ka na? Saan ka na nakatira? Bigla ka na lang nawala dito sa atin."

"Sa San Juaquin na kami nakatira ng asawa ko at ng mga anak namin." Sagot ni Lily, nag-ikot ikot ang asawa niyang si Micheal para daw mabigyan sila ng panahon para makapag-usap.

"Ang layo pala, pinuntahan kita sa resort noon na pinasukan mo ng mabalitaan ko ang nangyari sa 'yo pero wala na akong naabutan."


"May tumulong kase akin para makatakas. Tsaka alam mo naman siguro kung sino ang gumawa sa akin no'n diba?"

"O-oo alam ko dahil pinag-uusapan 'yon sa resort."
Sagot ni Natasha.

"Ang sama-sama ng ugali ni Marko Natasha, pati 'yong resort ni Micheal sinunog niya din talaga." Pag-alala na naman ni Lily sa nangyari sa kanya.

"Pero ang mahalaga nakaligtas ka, at buhay ka ngayon." Mas hinigpitan tuloy ni Natasha ang hawak sa kamay ng dating kaibigan.

"Ako oo, pero 'yong pinagbubuntis ko noon hindi. Pinatay ni Marko ang anak ko Natasha, pinatay niya!"

Hindi naman agad nakapagsalita si Natasha sa narinig. "Naiintindihan ko ang galit mo sa kanya dahil maging ako ay galit pa din hanggang ngayon kahit patay na siya. Ni-rape a-ako ni Marko Lily, h-hindi lang isang beses kung hindi madaming beses at nagbunga 'yon. M-may anak kaming dalawa."

"Oh my god!" At napabitaw si Lily mula sa pagkakahawak kay Natasha.











Raphael VillarozaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon