CHAPTER 30

7.1K 86 0
                                    



Anna marie stayed in the hospital for two days, and she's now on leave from her work so she can recover from the accident she got into. While Lily and Micheal is still in Palawan, hindi sila agad makauwi ng San Juaquin lalo pa at gusto ni Lily na makausap muna si Anna marie bago umalis.



   "Lily." tawag ni Natasha ng mapag-sino ang napag-buksan ng pinto.


"Puwede ba tayong mag-usap? Pati si Anna marie gusto ko sanang makausap Natasha." Ani ni Lily na katabi ang asawang si Micheal, she's really bless to have a husband like him who are supporting her all through out.


Mas binuksan pa ni Natasha ang pinto para makapasok ang mag-asawa sa loob ng bahay niya.

"Wala si Raphael?"

"Nasa resort siya at may inaasikaso, hindi din niya alam na pupunta kami dito." Sagot ni Lily ng makaupo silang mag-asawa sa sala.



Hinawakan naman ni Micheal ang kamay ng asawa at nagsalita ito. "Doon muna ako sa sasakyan para makapag-usap kayong dalawa. I don't want to interrupt your privacy." Tipid naman siyang nginitian at tinanguan ni Lily.

  "Tulog pa yata si Anna marie, pero medyo ayos naman na siya at nakakakilos na kumpara noong nasa ospital siya." Kuwento ni Natasha ng sila na lang dalawa ang naroon.

"Buti naman kung gano'n, sobrang nag-aalala sa kanya ang anak ko lalo pa at buntis pa si Anna." Ani ni Lily pero alam niyang excited ang anak dahil nga buntis na ang kasintahan nito.

"Tungkol nga pala doon Lily gusto ko sanang hayaan silang dalawa magdesisyon kung anong gagawin nila. Pareho naman na silang nasa tamang edad kaya alam kong kaya na nila mag-desisyon."

Tumango si Lily para sumang-ayon, gano'n din kase ang naiisip nilang mag-asawa. "Kinausap na naming mag-asawa si Raphael at wag kang mag-alala kilala namin ang anak namin hindi niya tatakbuhan ang responsibilidad niya sa anak mo." Paninigurado niya dito dahil kapag ginawa 'yon ng anak nila malamang mabubugbog talaga ni Micheal ang anak.

Ngumiti si Natasha. "Alam ko naman 'yon Lily, kahit noon pa nakikita ko naman ang pagiging responsable at pagiging mabait ng anak mo. Kinausap ko na din pala si Anna marie at sabi ko sa kanya nandito lang naman ako bilang magulang para suportahan ang magiging desisyon nila basta ba tama."

Lily smiled again, her friend really got matured. Puro kakulitan lang kase ang naaalala niya tungkol dito pero ngayon ay nakikita niya ang pagiging mapagmahal ng isang magulang sa katauhan ni Natasha. And she admit, Natasha was really brave woman after all the incident happened on her life and also raising her daughter all by her self. "Hindi din namin alam na mag-asawa kung anong pinag-usapan ng mga anak natin pero sana naman maging maayos silang dalawa." Sabi niya sa kaharap. "Natasha may sasabihin sana ako pero hindi ko alam kung anong magiging reaksyon mo."

"Tungkol saan?"

Huminga muna ng malalim si Lily. "Ang asawa kong si Micheal at ang mga kaibigan niya ang nasa likod ng pagkamatay noon ni Marko, hindi man sila mismo ang gumawa pero sila ang nag-utos no'n." Pag-amin niya, hindi alam ni Micheal na sasabihin niya kay Natasha ang tungkol dito pero gusto niya kaseng maintindihan ng dati niyang kaibigan kung bakit ginawa 'yon ng asawa niya. At ayaw niya din namang dumating ang araw na sa iba pa malalaman ni Natasha ang tungkol doon.

"A-alam ko, alam ko na ang tungkol diyan Lily."

Napabitaw si Lily sa pagkakahawak ng kamay kay Natasha. "Ha? Paano mo nalaman?" Hindi makapaniwalang tanong niya, sigurado kase siyang hindi 'yon sasabihin ni Raphael dito kaya paanong alam niya?

"Kinausap ako ng asawa mo Lily noong nasa ospital pa si Anna marie, noong umuwi kayo sandali ni Raphael ay doon niya kami kinausap ni Anna. Inamin niya sa amin ang tungkol doon."

"Oh my god, h-hindi ko alam. I-Im really sorry dahil sa ginawa na 'yon ng asawa ko pero alam kong galit at sobrang sakit para sa kanya ang nagtulak para gawin niya ang lahat ng 'yon. G-gustong-gusto na noon magkaanak ni Micheal kaya alam kong gumuho ang mundo niya matapos kong sabihin na nakunan ako dahil sa ginawa ni Marko." Paliwanag ni Lily, she knew how Micheal was devastated when everyone thought she died on the fire incident on his resort. Her husband friend Eros Jacinto told about it on her, lalo pa at pinalabas nilang patay na talaga siya matapos niyang makaligtas sa sunog na si Marko ang may gawa. Pero pagkalipas ng tatlong buwan matapos ang sunog ay tsaka lang siya nagdesisyon na tawagan ito at sabihin na buhay nga siya.

"Hindi mo kailangang humingi ng sorry Lily, pare-pareho lang tayong biktima sa kagaguhan ni Marko. Isa pa sobrang mahal na mahal ka ng asawa mo kaya nagawa niya 'yon at napaka-suwerte mo sa kanya.  Alam mo bang madami ang natuwa ng mabalitaan naming patay na si Marko noon lalo na ang mga naiwan sa bar na kasama natin at natulungan silang makaalis doon ng mga pulis. Kaya hindi mo kailangang humingi ng pasensya dahil kung hindi din siguro nangyari 'yon kay Marko ay malamang maski ako ay wala na din."


Doon na niyakap ni Lily si Natasha, para siyang nabunutan ng tinik dahil sa narinig. Akala niya ay magsisisihan pa sila dahil sa nangyari pero heto at naunawaan at nauna na palang sabihin ng asawa niya kay Natasha ang tungkol sa pagkamatay ni Marko. "P-pero si Anna? Anong reaksyon niya ng malaman niya ang tungkol doon at habang ikinukuwento ito ng asawa ko?"

"Wala, alam niya naman kase kung gaano kasama ang ama niya. Tsaka alam mo bang personal nagtanong-tanong ang anak ko noong nasa high school pa 'yan sa presinto tungkol kay Marko. At buti na lang may isang matandang pulis ang nandoon pa sa police station na nakakaalam sa lahat ng kalokohan ni Marko dito sa buong Palawan na siyang kinuwento niya kay Anna."

"My god, hindi ko alam ang sasabihin ko Natasha, but I admired your daughter too. Dahil kahit gano'n ang nangyari sa ama niya ay naiintindihan ka pa din niya  at maging kami."

"Malawak ang pang-unawa ng batang 'yan at alam kong hindi siya nagtatanim ng sama ng loob lalo pa at nalaman niya na kung sino ang nasa likod ng pagkamatay ng tatay niya. Minsan kase Lily kailangan tanggapin talaga natin ang isang sitawasyon lalo na kung wala ka na talagang pagpipilian kung hindi 'yon. At maski ako ay nagpapasalamat dahil hindi nagtanim ng galit ang anak ko sa akin."

"I should talk to your daughter Natasha, gusto ko siyang makausap." Sabi ni Lily matapos punasan ang kanyang luha.

"Tara, nandoon siya sa kuwarto niya." Aya naman ni Natasha at iginiya na si Lily sa kinaroroonan ng anak. She was happy, dahil maayos na ang pagitan nila ng dating kaibigan at sana gano'n din ang mga anak nila.

Raphael VillarozaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon