CHAPTER 26

5.2K 98 1
                                    






"Mom! Mommy!" Habol ni Raphael sa kanyang ina matapos nitong tumakbo palabas ng bahay nila Anna marie. Pero nauna ang Daddy niya na nahawakan si Lily sa braso at tsaka niyakap ng mahigpit. "What's going on? Magkakilala kayo ni Tita Natasha?" Naguguluhan na tanong niya.

Isang mahigpit na yakap naman ang binigay ni Micheal habang inaalo ang asawa.

"G-gusto ko ng umuwi, p-please Micheal iuwi mo na ako." Sabi ni Lily sa pagitan ng mga hikbi.

"Ssshh.. uuwi na tayo, uuwi na tayo." Pag-aalo ni Micheal at tiningnan si Raphael. "Buksan mo na ang sasakyan Raphael, iuwi na natin ang Mommy mo."

"Pero Dad, ano bang nangyayari? Mommy?" Baling ko kay Mommy habang umiiyak ito.

"Get inside the car now Raphael! Mamaya na namin ipapaliwanag sa 'yo." Malakas ang boses na sabi ni Micheal sa anak.

Tsaka lang sumunod ang binata sa ama ng lumakas ang boses ni Micheal, binuksan niya na ang sasakyan at sumakay doon gano'n din ang kanyang mga magulang na sumakay na sa likurang bahagi ng sasakyan. Lily is still crying on Micheal's arms and Raphael don't have any  idea what's really happening.


  Mga paghikbi ni Lily ang tanging narinig sa buong durasyon ng biyahe while Micheal keep calming his wife. He saw the disbelief and pain on Lily's face awhile ago while looking on Natasha and Anna marie. And he saw already that pain on her eyes twenty five years ago at hindi niya lubos maisip na makikita ulit ang sakit sa mga mata nito ngayon.

"Dad, Mommy ano ba talagang nangyayari? Kilala mo ba si Tita Natasha?" Tanong ulit ni Raphael sa magulang ng makarating sila sa resort niya. They are now inside of their villa.

Pinunasan naman ni Lily ang kanyang luha at sinenyasan ang anak na lumapit sa kanya. She need to explain on her son why her reaction earlier was like that. Samantalang lumuhod naman si Raphael sa harap ng kanyang ina at hinawakan ang kamay nito.

"Mommy.." tawag ng binata sa kanyang ina, ngayon niya lang ito nakitang nagkaganito sa buong buhay niya. His mom looks scared when she saw Anna marie's mother, and he can still remembered the way she was crying inside of his car.

"H-hindi ko alam kung paano sasabihin ito Raphael p-pero anak, ang p-papa ni-- ni Anna marie ang dahilan kung bakit hindi ako nagpupunta dito Palawan."

Nag-isang linya ang kilay ni Raphael sa narinig at napalingon pa sa Daddy niya bago muling tumingin kay Lily. Yes he knew the stories of his mother because she didn't hide anything about her on them. Pero ano daw?
"Hindi ko kayo maintindihan Ma, ang alam ko patay na ang papa ni Anna marie at ang alam ko wala na talaga ito bago pa lang siya ipanganak kaya anong ibig mong sabihin?" Paliwanag ni Raphael, 'yon ang sabi sa kanya ng nobya at maging ng Tita Natasha niya kaya ano itong sinasabi ng Mommy niya ngayon?

"He's dead of course, we're the one behind of Anna marie's father death Raphael kami nila Eros." Sabi ni Micheal na nakatingin sa anak.

"W-what?" Parang hindi makapaniwalang sabi ng binata.

"S-si Marko ang tatay ni Anna Marie Raphael at siya ang dahilan kung bakit nasunog ang resort ng Daddy mo dito sa Palawan at siya din ang dahilan kung bakit nakunan ako noon." Umiiyak na sabi ni Lily na mas lalong humigpit ang hawak sa kamay ng anak. Parang nag-flash back tuloy ang bangungot na nangyari sa kanya noon.

"And that asshole was the one behind of your mother scars on her back Raphael at kung hindi dahil sa tulong ng Tito Eros mo malamang ay namatay na ang Mommy mo sa sunog. Ang daddy ni Anna marie Raphael ay leader ng isang drug syndicate dito noon sa Palawan." Galit ang boses na sabi ni Micheal, naalala niya kung paano siya nagluksa ng ilang buwan sa pagkawala ni Lily na buong akala niya ay ito talaga ang sunog na bangkay na nakita sa kanyang resort noon. Pero hindi pala, Eros Jacinto, his friend helped Lily to escaped and helped her also to regained her strength because of that incidents. Kaya pinangako niya sa sarili na gaganti at gaganti siya kay Marko kahit ano mang mangyari lalo pa at nakunan si Lily noon sa una sana nilang anak.

Napaupo naman si Raphael sa sahig at parang hindi makapaniwala sa kinuwento ng kanyang magulang. All this time kasa-kasama niya lang pala ang anak ng taong kinamumuhian ng Mommy at Daddy niya.

"S-sinabi namin sa 'yo kahapon na nakita ko ang dati kong kaibigan noong nagpunta kami sa bayan diba? T-thats her Raphael, si Natasha ang nakita namin kahapon ng Daddy mo at nagkausap na kaming dalawa." Kuwento ni Lily sa anak, hindi niya alam kung paano ipaliwanag pero hindi pa din talaga siya makapaniwala na si Anna marie na girlfriend ng kanyang anak at anak ni Natasha ay iisa.

"I-I can't believe this mom, I-I d-didnt know. Kung alam ko lang na tatay pala ni Anna marie ang dahilan ng masamang nangyari sa 'yo noon dito sa Palawan, eh di sana iniwasan ko na siya noon pa."

Hinawakan ni Lily ang kamay ng anak at maging ang pisngi nito, she know how much her son love his girlfriend. "Don't say that anak, alam ko walang kasalanan si Anna marie dito. Your girlfriend is a good woman, pero parang pinaglaruan lang tayo ng tadhana dahil hindi ko inaasahan ang lahat ng ito."

"I-I just can't believe this too mom."

"Listen Raphael, y-you should know this first anak." Sabi ulit ni Lily. "Bunga ng panggagahasa si Anna marie, ni-rape si Natasha noon ni Marko at alam ko na hindi mo alam ang tungkol dito. At tulad ko galit din ang nararamdaman ni Natasha sa tatay ng girlfriend mo."

Lalo namang hindi nakahuma si Raphael sa sinabi ng mommy niya, kung kanina ay gulat na gulat siya na magkakilala pala ang Tita Natasha niya at Mommy niya ngayon pa ba na nalaman niyang bunga pala ng rape ang nobya. What will happen now? Tanong ng binata sa sarili habang nakatingin sa kanyang ina.





Raphael VillarozaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon