CHAPTER 29

5.9K 102 1
                                    





Agad lumapit sina Natasha at Raphael ng may lumabas na doktor mula sa emergency room. Natasha can't express the way she felt right now and all she want is to her daughter and heard that she was okay.

"D-doc kamusta na ang pasyente? Ano ng nangyari sa anak ko? Okay lang ba siya? Puwede na ba naming makita?" Sunod-sunod na tanong ni Natasha sa babaeng doktor, kilala niya ito dahil dito din nagtatrabaho si Anna marie sa ospital na pinagdalhan sa anak.

"Okay na ho ang anak niyo, may tinahi lang kami na mga sugat sa braso niya at sa may noo niya pero ayos naman na siya." Nakangiting sabi ng doktor kay Natasha.

Nakahinga naman ng maluwag si Raphael sa narinig at nginitian ng tipid ang Tita Natasha niya ng tingnan siya nito.

"Siya nga po pala buntis ho pala si Anna marie, she's almost three weeks pregnant. At hindi kami kanina makapaniwala sa loob na walang nangyaring kung ano sa pinagbubuntis niya. It was really miracle that her baby was safe."

Napatingin na si Natasha sa sa binata at tulad niya alam niyang nagulat din ito. Her daughter is pregnant!


"Sige po, maiwan ko muna kayo. Ipapalipat ko pa si Anna marie sa magiging kuwarto niya." Paalam ng doktor.




   "Buntis si Anna? Alam mo ba ang tungkol doon? Alam niyo ba pareho?" Ani ni Natasha ng sila na lang dalawa ni Raphael ang naiwan.



"I-I didn't know Tita and I guess Anna marie didn't  know it too." Sagot naman ni Raphael, dahil kung alam ni Anna na buntis ito ay siguradong sasabihin nito 'yon agad sa kanya.



"Ayoko muna magsalita Raphael, gusto ko lang muna makita ang anak ko at sana wag mong takasan ang responsibilidad mo sa kanya lalo pa at magkaka-anak na pala kayong dalawa." Yon lang at tumayo na si Natasha at umalis.

Kung si Lily ay parang naiiyak dahil nalamang buntis si Anna marie si Micheal naman ay walang imik at nakatingin sa anak. Nasa labas sila ng kuwarto ng dalaga at si Natasha naman ay nasa loob hinayaan muna nilang matingnan at makamusta si Anna ng ina nito bago sila pumasok.



"Are you ready for that responsibility Raphael? Sinasabi ko sa 'yo wag mong tatakasan si Anna marie dahil ako mismo ang bubugbog sa 'yo." Seryosong sabi ni Micheal.

"Wala akong plano takasan siya Dad at hindi ko gagawin 'yon."


"Mag-usap kayong dalawa ni Anna marie Raphael hindi mo siya puwedeng sisihin dahil sa mga nangyayaring ito anak alam ko nagulat ka din sa mga nalaman mo ngayon pero anak hindi kasalanan ng girlfriend mo na anak siya ni Marko." Sabi naman ni Lily.


"I will talk to her first Mom." Tipid na sagot ni Raphael, hindi siya makapag-isip ng maayos ngayon. Kung kanina naguguluhan siya mas nadoble pa ngayon, isa pa anong mukha ang ihaharap niya dito? Eh siya mismo kanina ang galit na galit at halos ipagtulakan ang nobya na umalis.



   Ilang minuto pa ang lumipas at lumabas na si Natasha mula sa kuwarto, tinawag nito si Raphael para sabihing gising si Anna marie at hinahanap siya.



  "Hey.." tawag ni Raphael sa atensyon ng kasintahan, lihim siyang napamura ng makita ang mga galos nito sa mukha partikular sa mukha at ang naka-benda nitong ulo na may tahi.

"I-I'm alive.." I said to him with a teary eyes, he hold my hand tightly, akala ko katapusan ko na kanina dahil nasa huwisyo pa naman ako ng tumilapon ako palabas ng tricycle pero heto at himalang buhay ako at may mga sugat lang na natamo mula sa aksidente.


"You are, thank god! Hindi ko alam ang gagawin ko kung may nangyaring masama sa 'yo o napano ka na."


"W-what now Raphael? Are you going to end our relationship after what happened? Ayokong dumating ang isang araw na pag-aawayan natin ang tungkol sa totoo kong ama dahil sa mga ginawa niya sa mommy mo. So please Raphael sabihin mo na ngayon kung ayaw mo na ba sa akin o ano." Direktang sabi ko sa kanya, I can remembered how we talked earlier, kung gaano siya kagalit na galit ay tandang-tanda ko na para bang nandidiri siya sa akin.


"Let's not talk about it now Anna, magpagaling ka muna bago natin pag-usapan ang tungkol diyan."


Bumitaw ako sa pagkakahawak ng kamay niya. "No, answer me now. I want to know, wag mo ng patagalin Raphael. I saw the pain in your eyes earlier, alam kong mahirap sa part mo na matanggap na 'yong tatay ng girlfriend mo ay siyang gumawa ng kagaguhan sa Mommy mo and I'm willing to accept your decision if your going to end our relationship."



Hinalikan ng mariin ng binata ang mga kamay ng nobya. "Did you know that you're pregnant?" Pag-iiba niya ng usapan.



Umiling ako, hindi ko alam at nalaman ko na lang kanina ng kausapin ako ng doktor at sabihin niyang buntis daw ako. "H-hindi ko alam Raphael, dahil kung alam ko sasabihin ko agad sa 'yo 'yon."


"I'm happy that we we're pregnant, sabi ng doktor kanina magtatatlong linggo ka na daw buntis." May sigla sa boses na sabi ng binata.



Tiningan ko siya ng maigi. "Wag mong ibahin ang usapan Raphael, answer my question." Alam kong iniiba niya lang ang usapan pero hindi naman niya sinasagot ang tanong ko. Puwede namin pag-usapan ang tungkol sa pagbubuntis ko mamaya pero gusto ko munang maging malinaw sa amin ang lahat.


Huminga muna ng malalim si Raphael bago nagsalita. "Yes I was shocked to know that my mom and Tita Natasha knew each other and I was shocked too when I found out that your father was behind of everything happened to my mom here in Palawan. Pero alam ko din na hindi mo ginusto ito, I admire you more now love." He smiled on her and caressed her face. "I admire you because even if you knew that your father raped your mom you still keep going into your life. Na tinanggap mo na lang ang sitwasyon dahil kahit anong mangyari hindi na mababago 'yon. So if you're asking me if I'm going to end our relationship because of that? My answer is no."

"Pero galit ka sa akin kanina at halos paalisin mo ako."

"Dahil hindi pa din ako makapaniwala sa lahat, but my Mom was right. Hindi kita dapat sisihin dahil hindi mo naman ito ginusto na wala ka naman kasalanan. And I'm do sorry for acting like that, I can't be mad at you Anna, mahal kita, mahal na mahal." Sinserong sabi ni Raphael na pinipigilang maiyak.




Raphael VillarozaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon