Raphael didn't knew how it happened, the next thing he knew was the security guard of his resort went on him and said that Anna marie got into accident near on her resort. So they hurriedly went on the hospital, sinama na nga niya ang magulang dahil natatakot siya sa mga posibleng mangyari. Lalo pa at nadaanan nila kanina ang pinangyarihan ng aksidente tumilapon ang tricycle sa lakas na din siguro ng pagkaka-salpok sa truck. May mga pulis din sa lugar na nag-iimbestiga kanina at hinarangan pa nga ito.
"Calm down Raphael, hindi makakatulong 'yang kakaganyan mo." Sabi ni Micheal habang nasa labas silang tatlo ng emergency room kasama na din ang asawang si Lily. Kanina pa lakad ng lakad ang anak sa harap nila sabay sisilip sa pinto kung saan naroon ang mga dinala sa aksidente kanina.
"I can't help it Das, paano kung may mangyaring masama sa kanya? T-this is all my fault! Kung hindi ko sana siya hinayaan umalis kanina wala sana siya dito." May pagsisisi sa boses na sabi ni Raphael, hindi niya sukat akalain na maaaksidente ang sinasakyan nito. And the worst it, the tricycle driver was dead on the spot, while the truck driver and Anna marie is still on the emergency room. And now they still don't have any idea what happening inside. Tinawagan na din niya ang mommy ng nobya at sinabi ang nangyari dito.
"Bakit ba naman kase nangyayari ito." Ani ni Lily na katabi ang asawa at hawak ang kamay ni Micheal. "Magdasal tayo na maging ligtas si Anna marie Raphael." Sabi niya sa anak.
Ilang sandali pa ang lumipas at ang humahangos na si Natasha ang dumating sa ospital, tumayo naman agad si Lily para salabungin ang dating kaibigan.
"L-lily 'yong anak ko, diyos ko." Basag ang boses na sabi ni Natasha.
"Nasa loob pa siya Natasha, wag kang mag-alala magiging maayos siya, sigurado akong gagawin lahat ng doktor para makaligtas si Anna." Sabi agad ni Lily, kita niya ang takot sa mga mata nito na baka kung anong mangyari na masama sa anak nito.
"Nagpaalam siya kanina sa akin na pupunta sa resort niyo para kausapin daw si Raphael kaya pumayag naman ako. L-lily hindi ko naman alam na mga anak pala natin ang magkarelasyon kaya hindi ko alam ang sasabihin ko." Hilam na ng luha na sabi ni Natasha, hinihintay pa naman niya ang anak na makauwi dahil nagsabi ito na pauwi na nga daw pero 'yon pala naaksidente na pala ito.
Ginagap ni Lily ang kamay ni Natasha. "Wag muna natin pag-usapan ang tungkol diyan ang mahalaga ngayon ay makaligtas ang anak mo."
They waited outside of the emergency room for almost two hours, at habang tumatagal ang paghihintay nila ay mas nilulukob ng konsensya si Raphael, alam niya sa sarili na nasaktan din niya si Anna marie sa mga sinabi niya kanina at nabitawan ito ng masasakit na salita. Parang ngayon lang luminaw ang isip niya at naintindihan na pare-pareho lang talaga silang walang kasalanan.
"Raphael, puwede ba kitang makausap?" Sabi ni Natasha ng lapitan ang binata.
"Tita."
Naupo si Natasha sa bakanteng upuan sa tabi nito. Lumabas sina Lily at Micheal para bumili ng maiinom. Hanggang ngayon ay wala pa din lumalabas na doktor mula sa loob kaya natatakot pa din siya na baka kung ano na ang nangyari sa anak niya.
"Alam kong alam mo na ang totoo Raphael at alam kong hindi mo inaasahan na si Anna marie ang anak ng taong halos isumpa ng Mommy mo pero gusto ko lang sabihin sa 'yo iho na walang kasalanan dito si Anna marie, hindi niya kasalanan kung bakit naging tatay niya si Marko."
Hinayaan ni Raphael na magsalit ang Tita Natasha niya, she became his second mom while he's here in Palawan. Napaka-cool na ina nito kay Anna marie at masaya siyang tinanggap noong nanliligaw pa lang siya sa anak nito hanggang maging girlfriend niya na nga si Anna. And he knew that she trusted him so much for her daughter, she really raised and did her best for Ana to sent her on college and reached her dream. Pero hindi niya alam na ganito pala, na bunga ng rape ang girlfriend niya dahil hindi naman 'yon kinuwento sa kanya ni Anna marie.
"Hindi ko alam ang pinag-usapan niyo o kung nagtalo ba kayo kanina o ano pa man pero Raphael walang may gusto ng lahat na ito. Alam mo bang ilang beses akong tinatanong ni Anna kung bakit hindi ko daw siya pinalaglag noong habang buntis ako sa kanya? Madaming beses niyang tinanong sa akin 'yon pero isa lang lagi ang sagot ko, at 'yon ang hindi ko kaya pumatay. Hindi ko talaga kaya kahit pa ginahasa lang ako ng ama niya at nabuntis nga 'ko." Hinawakan ni Natasha ang kamay ng binata. "Madami ng pinagdaan ang batang 'yan at alam kong alam mo 'yon, hindi ko man siya nabigyan ng buong pamilya alam ko sa sarili ko na napalaki ko siya ng maayos kaya sana wag mong isisi sa kanya kung ano mang nangyari kay Lily dahil wala talagang kasalanan doon ang anak ko."
His Tita Natasha was right, no one like this situation. And he don't need to blame Anna marie for this pero nagpadala siya kanina sa kanyang emosyon at kung anu-ano ang nasabi sa kasintahan.
"I did blame her Tita and I want to say sorry to her. You're right, hindi niya ginusto na maging tatay ang gumawa ng masama kay Mommy. I just can't believe it, I saw my mom cried a lot of times while she's telling on us what happened to her here in Palawan. Lahat po kinuwento sa amin ni Mommy at Daddy at alam ko na napilitan lang din siya na pumunta dito para sa akin at makilala kayo. And I don't know what to do, I-I really don't know Tita." Napahilamos na lang si Raphael ng mukha, what matter the most right now is to see Anna marie okay.
