CHAPTER 07

7.9K 123 2
                                    




Raphael introduced his girlfriend on his childhoods friends Sky and Adira. He felt excited knowing that two person from his life will knew about his first girlfriend.

"Nice to meet you Anna marie, you looks sweet and beautiful." Nakangiting sabi ni Adira sa dalaga. Magkakasama sila ngayong apat sa tabing dagat at pinapanuod ang paglubog ng araw. Sina Raphael naman at Sky ay nag-kukuwentuhan.

"Natutuwa din ako na makilala kayo." Sabi ko sa kanya, her aura is so different and I know she have strong personality.

"Sana makapunta ka sa San Juaquin para naman makilala mo ang pamilya ni Raphael, his family is really good. Muntik na nga akong magpa-ampon sa kanila eh." Pabirong sabi ni Adira matapos ilapag ang bote ng tubig sa maliit na lamesa sa harap nila. "Magkakasabay kaming lumaki, dahil magkakaibigan ang mga magulang namin. He's the only boy on Villarosa quadruplets kaya naman kilala siya sa school namin noong nag-aaral pa kami. And to tell you honestly ang daming nagkakagusto sa lalaking 'yan sa school namin." Kuwento ni Adira.

Napangiti ako habang nakikinig, kahit naman siguro sinong dalaga ay magkakagusto sa isang Raphael Villarosa. My love is a good looking guy, bonus na mabait at malambing ito sa akin. "Hayaan mo makakarating din ako sa inyo, ilang beses na din ako inaya ni Raphael kaso hindi ko maayos ang schedule ng duty ko sa ospital."

"You can fix it na Ana, I swear matutuwa ka kapag nakilala mo ang mga kakambal ni Raphael. That three is so nice too, mga kalog kausap. And even Tita Lily, she's sweet and very loving to her family. At si Raphael talaga ang pinaka-favorite ni Tita kase siya lang ang nag-iisang lalaki."

"I'm planning to go there this coming christmas, sana payagan ako ng head nurse namin." Kuwento ko din, mahirap kase mag-off kapag christmas season at kahit madami at private hospital naman ang pinapasukan ko ay hindi pa din basta-basta pinapayagan na mag-leave o umabsent ng matagal.

"You will like our province Anna, ang ganda-ganda kaya ng probinsiya namin at 'yong bayan namin nito ni Sky na Estrella ay lalo pa niyang pinapaganda dahil siya ang mayor doon."

"Oo naikuwento nga sa akin ni Raphael kanina ang tungkol doon. Na ang darating daw niyang kababata na si Sky ay mayor sa bayan ng Estrella sa San Juaquin. Hindi ko pa nakaka-kuwentuhan si Sky pero sa paraan ng pagtingin niya kanina dito kay Adira ay alam na alam at mahuhulaan mo kung sino ang patay na patay sa isa't-isa. "Excited na din ako makilala ang pamilya niya at lagi niyang binibida sa akin na may maganda daw silang resort doon katulad nitong kanya."


"Ay naku maganda talaga, simula bata ako at pati na ang Kuya ko na nasa Singapore ngayon ay may free access sa resort nila dahil na din ninong at ninang ko sila Tito Micheal at Tita Lily. Their resort is really beautiful, very peaceful mag-stay doon tapos hindi din gano'n kamahal ang rates nila kaya naman hanggang ngayon na nakapag-asawa na ako ay talaga namang operational pa din."

"And he keep telling me his admiration towards his parents. Lalo na ang mommy niya na madalas niyang ikuwento sa akin." Well pareho lang naman na kinuwento niya ang tungkol sa Mommy at Daddy niya. And that's the one thing I like about Raphael, he's a family oriented. Siya  yong tipo ng lalaki na hindi barkada o kotse at babae ang ibibida sayo kung hindi 'yong pamilya niya at kung gaano sila kasaya. Hindi siya katulad ng ibang lalaki na nakilala ko, masaya na siya na nandito sa resort niya at ito ang pinagkaka-abalahan niya. At gaya nga ng sinasabi ko noon pa mas tumataas ang standards ko pagdating sa lalaki habang mas nakikilala ko pa ng husto si Raphael.


   Samantala pareho namang may hawak na tig-isang latang beer sina Sky at Raphael na nakatayo sa di kalayuan.

"I'm happy for you pare, wala pala sa San Juaquin ang the one mo kung hindi dito sa Palawan." Ani ni Sky, hindi niya inaasahan na makikilala nila ng asawang si Adira ang girlfriend ng kaibigan nila ngayong araw.

"Buti na nga lang at three days ang off niya kaya makakasama ko siya ng medyo matagal." Masayang sabi ni Raphael.


"Your siblings will be surprised if they new about your woman. Naku siguradong lagot ka sa mga kakambal mo dahil hindi pa pala nila alam na may girlfriend ka."

Natawa si Raphael tungkol doon, makukulit pa naman ang mga kambal niya at kahit malalaki na sila minsan magkakasama pa din silang matulog sa iisang kuwarto. He missed his siblings lalo na sa dalawa niyang kambal na nasa Manila ngayon and hopefully this coming christmas he can go back on San Juaquin with Anna marie. "They will be surprised for sure, lalo na si Mommy." He can imagine now what his mom reaction, she might be happy that her only son have a girlfriend already o kaya naman mapipingot siya nito dahil hindi niya sinabi na may girlfriend na siya at medyo matagal na sila ng nobya. "How about Aidan? Kamusta na siya?" Si Aidan naman ang isa pa nilang kababata at kaibigan na anak naman ng Tito Hunyo at Tita Angela niya. May kakambal din si Aidan at 'yon nga ay si Leon.


"Busy sa pagiging negosyante, kailangan niyang magtrabaho ng husto dahil triplets ang anak nila ni Miracle."


Yes, Aidan and Miracle have triplets and their Tita Abigail told them about what happened on Aidan, their Tito Gov and Tito Hunyo who  passed out after the three knew how many babies Miracle have while they are in the hospital. Ang Tita Abigail niya kase ang isa sa doktor na nagpaanak kay Miracle.

"Ikaw? Sigurado ako hindi lang kambal ang magiging anak niyo ng girlfriend mo kapag nagkataon. Knowing na  quadruplets pa naman kayong magkakapatid." Sabi pa ni Sky.

Isa din 'yon sa naiisip noon pa ni Raphael na kung sakaling magkakaanak siya sa isang babae ay ilan kaya. "Matagal pa 'yon, madami pang pangarap si Anna marie at gusto ko gawin niya muna ang mga gusto niya."

"But you can reach together your dreams, 'yong kayong dalawa at pare sobrang saya 'yon maniwala ka. Tingnan mo kami ni Adira, alam mo ang kuwento namin at alam mo kung gaano ako kapatay na patay sa asawa ko and now I'm very happy that we got married again for the third time at kahit isa-isahin ko ang lahat ng simbahan dito sa Pilipinas ay siya pa din at siya pa din ang babaeng ihaharap ko sa diyos." Seryosong sabi ni Sky at tiningnan si Adira na masayang nakikipag-usap sa girlfriend nitong si Raphael.

Inakbayan naman ng binata si Langit. "Tara na nga baka sa kakakuwento mo ng ganyan bigla ko na lang pakasalan si Anna marie." Si Raphael na nakangiti at masaya.

Raphael VillarozaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon