It's my second day here in San Juaquin and I feel good after seeing Raphael's family. Ngayon lang ako nakakita ng close talaga ang buong pamilya sa isa't-isa. And now I am so sure that Raphael really came from from a good family. His parents was really nice, kita mo ang pagmamahalan ng mga ito sa mukha kapag kinakausap mo sila. And his siblings as well, napaka-close din ni Raphael sa mga kapatid niyang babae kahit pa sabihin na siya lang ang lalaki. Then now we're having a lunch here on Mid east resto.
"That's my Tito Gov love, dating governor yan si Tito Eros dito sa San Juaquin." Turo ni Raphael sa Tito Gov niya kay Anna marie.
"He looks so powerful on his looks, parang hindi siya magpapatalo sa kahit ano." Sabi ko naman.
"Exactly, sila lang ang kaibigan ni Daddy pero solid 'yang mga 'yan." Kuwento pa ni Raphael. "Hi Tito June!" Bati pa ng binata ng makita ang mag-asawang June at Angela Dela vega, ninong at ninang nila ng quadruplets ang dalawa.
"Aha! Totoo nga ang sinasabi ng daddy mo, may girlfriend ka na nga daw talaga." Nakangiting sabi ni June na ang atensyon ay nakatingin kay Anna marie. "Hello iha, I'm June Dela vega and this is my very beautiful wife Angela."
"H-hi po. Good afternoon po, ako nga po pala si Anna marie." Nahihiya kong bati, ang ganda ng asawa niya at mukhang bata pa.
"Nice meeting you Anna, sige Raphael doon muna kami sa balae kong walanghiya at bubuwisitin ko lang." Ani ni June na patawa-tawa pa.
Natawa naman si Raphael sa sinabi ng tito June niya, ang tinatawag nitong balae ay walang iba kung hindi ang Tito Eros niya. "Sige po Tito hintayin ko na lang po sila Aidan at Leon." Tukoy niya sa kambal na anak ng mga ito.
Tinapik naman ni June ang binata bago pumunta sa kinakaroonan ni Eros, nginitian din ni Angela ang dalawa bago nagpaalam.
"Sila 'yong magulang ng sinasabi mong kambal na kinakapatid mo?" Tanong ko kay Raphael matapos umalis ang mag-asawa.
"Yes, si Aidan at Leon. Aidan is already married, kay Miracle na anak ni Tito Gov. Sila 'yong may anak na triplets na napakakukulit." Sabi ni Raphael.
"T-riplets?"
"Oo, kaya nga baka kapag tayo ang nagkaanak maging quintuplets pa eh." Pabirong sabi ng binata sa kasintahan, hindi imposible 'yon dahil sila nga ay quadruplets.
"O-oh my god Raphael ang dami no'n!" Nakurot ko siya sa hita. "Tumigil ka nga sa kakaisip tungkol sa ganyan." Saway ko sa kanya, parang hindi ko ma-imagine na sa isang anakan lang ay lima agad ang baby namin. Diyos ko baka mamatay ako bigla kapag gano'n!
Dahan-dahan lumapit si Raphael sa kasintahan, "That's not possible love apat nga kami diba." Hinawakan pa niya ang kamay ni Anna marie.
"Kahit na, five babies is too much. As in TOO MUCH Raphael." At tsaka ko kinuha ang tinidor na nasa lamesa pa at kumain na lang ng salad.
"Don't worry love I'll be on your side when it's happen."
Parang naging mini reunion ang tanghalian sa mid east resto ni Oscar Weizman, isa sa kaibigang matalik ng Daddy ni Raphael. Ito din ang ama ni Adira na nagbakasyon noon sa resort ng binata sa Palawan kasama ang asawa nitong si Sky Amaniego.
"Hi Tito Oscar, girlfriend ko nga po pala si Anna marie." Pakilala na naman ni Raphael sa kanyang nobya ng lapitan sila ng kaibigan ng papa niya hindi na siguro ito busy at nakalabas na din sa wakas mula sa kusina.
"Nice meeting you iha, naikuwento nga ni Adira ang tungkol sa kanya Raphael. Nurse ka daw sabi ng anak ko." Ani ni Oscar.
"Ay opo, sa isang private hospital po sa Palawan." Nakangiti kong sagot, siya pala ang may-ari nitong restaurant at personal na nagluto ng mga pagkain na nakahain sa amin at wala akong masabi, masarap lahat.
"My wife is a dentist, mamaya ipapakilala kita sa asawa ko."
"Naku sige po, nice meeting din po sa inyo." At pinanood ko ito na pinuntahan ang Daddy ni Raphael.
"So you have extended family here huh." sabi ko kay Raphael habang naglalakad kami sa dalampasigan. Nauna kaming bumalik sa resort nila at naiwan sa restaurant ang magulang niya at dalawang kapatid. Si Stella lang ang sumabay sa amin pagbalik dito.
"Well yes, super extended family talaga."
"Parang ang ganda ng friendship ng mga magulang mo sa mga kaibigan nila." 'Yon kase ang napansin ko, naikuwento pa nga nung Tito Gerald ni Raphael kanina na nakarating na din pala ang mga ito noon sa Palawan. Ito 'yong time na may resort pa ang Daddy ni Raphael doon.
"Sobra, kaya kaming mga anak nila ay gano'n din."
"Eh di dapat pala dito ka na lang nagtayo ng resort mo at hindi sa Palawan, your family is here." Huminto kami sa paglalakad at tiningnan ko siya. He looks so simple on his white loose long sleeve na tinupi niya pa hanggang siko. Nakasuot lang din ito ng board shorts at napakalinis talaga niyang tingnan kapag ganito ang itsura niya.
"Gusto ko kase magkaroon ng sariling identity, 'yong hindi sasabihin ng ibang tao na kaya lang lumago ang negosyo ko ay dahil sa magulang ko. I want to start from scratch, and that's really happpened. Isa pa I choose Palawan because of the view. Though San Juaquin is also a good place but I fell in love on Palawan." Kuwento ni Raphael, kahit pa noong una ay puro sa internet niya lang nakikita ang tungkol sa Palawan ay gustong-gusto niya talagang makarating dito. Napakaganda at talagang madaming magagandang lugar doon at one of the best tourist spots dito sa Pilipinas. Kaya doon niya talaga pinlano na magtayo ng sariling resort niya.
"And you did it, nakaya mo na ikaw lang." Hinila ako ni Raphael at niyakap, this is him everytime we're in public. Kaming dalawa man lang o kahit may tao pa wala itong pakialam at basta na lang ako yayakapin.
"At kung hindi ako napadpad sa Palawan hindi kita makilala Anna, wala ka dito ngayon at yakap-yakap ko." At tsaka hinalikan ni Raphael sa noo ang nobya, masaya siya na maipakilala si Anna marie sa mga tinuturing niyang pangalawang magulang na mga kaibigan ng magulang niya kanina at maging sa mga kinakapatid niya. Sayang nga lang at ayaw sumama ng mommy ng girlfriend niya kung nagkataon ipapakilala niya din yon sa magulang niya.