CHAPTER 27

5.5K 110 0
                                    



  Anna marie dialed Raphael's number for the nth time, but it was still out of coverage. Nang makaalis ang mga ito kanina kasama ang mga magulang nito ay tsaka pinaliwanag ng mama niya sa kanya kung bakit magkakilala ang mga ito. 


"Makinig ka muna Anna, hindi ko din alam na magkaka-ganito talaga. K-kahapon lang kami ulit nagkita ni Lily sa bayan at hindi naman namin napag-usapan ang tungkol sa mga anak namin, oo nabanggit ko sa kanya na may anak ako pero hindi ko alam na si Raphael pala ang anak niya." Paliwanag ni Natasha kay Anna marie, hindi niya inaasahan na ang matagal na niyang kilala na nobyo ng anak ay siyang anak din pala ni Lily.

"Naiintindihan ko po, pero gusto ko sanang pumunta kay Raphael ngayon. Gusto ko sana siyang makausap, kanina pa niya hindi sinasagot ang tawag ko at baka kung ano ng nangyari sa kanya." May pag-aalala sa boses na sabi ni Anna Marie.

Tumango si Natasha. "Sige, ikaw ang bahala kakausapin ko din sila lalong-lalo na si Lily pero aasikasuhin ko muna ang mga bisita na nasa labas." Sabi ni Natasha at tsaka niyakap ang anak, this is what she like the most on her daughter she's very understanding.

  Tsaka lumabas si Natasha sa kuwarto ng anak, hindi niya maipaliwanag ang kaba na naramdaman niya kanina ng makita si Lily at ang asawa nito. She can't really believe it, na sa dinami-dami ng puwedeng makarelasyon ni Anna marie ay si Raphael pa talaga. At nakita niya ang reaksyon kanina ng dating kaibigan na katulad niya ay hindi din inaasahan ang mga nangyari.


  Agad kong hinanap si Raphael pagdating ko sa resort niya, parang nakahinga ako ng maluwag ng makita ang kotse niyang nakaparada dito. I really need to talk to him. Alam kong alam na niya ang tungkol sa akin at kung sino ang tunay kong ama, pero hindi ko din talaga alam na magkakaganito at sa mismong birthday pa talaga ni mama mangyayari.

"Raphael.." naabutan ko siya sa tabing dagat, hindi ko alam kung nasaan sina Tito Micheal at Tita Lily at gusto ko din silang makausap pero kami muna ang dapat mag-usap na dalawa.

"What are you doing here?" Ani ni Raphael ng makita ang nobya.

"Kanina pa kita tinatawagan pero hindi mo sinasagot, nag-aalala ako sa 'yo." Sabi ko sa kanya, hahawakan ko sana siya pero mabilis siyang umiwas at tiningnan lang ako. And I don't like the way he's staring at me, I can't figured out what's on his mind, he was disgusted and look like I betrayed him on something.

"I'm not okay, how can I be okay after I knew everything? Tang*na! Wala akong kaalam-alam na 'yong taong kinamumuhian ng Mommy ko ay ang totoo mo pa lang ama!" Sabi ng binata, talagang pinatay niya muna ang telepono dahil alam niyang tatawagan talaga siya nito pero hindi niya inaasahan na pupuntahan pa siya ng nobya.

"R-raphael.."

"Yes, I was shocked Anna after my Mom told me everything, EVERYTHING."

"Pero bakit parang sinisisi mo ako? Hindi ko din naman alam na magkakilala si mama at Tita Lily." Sabi ko sa kanya, sa pananalita niya kase ay parang kasalanan ko pa na naging anak ako ng tatay ko at dating magkaibigan ang mama ko at mommy niya.

"Alam mo kung ano ang kinakagalit ko?" Lumapit pa si Raphael sa kasintahan at hinawakan ito ng mahigpit sa braso. "Yong ginawa ng tatay mo kay Mommy! My Mom lost her supposedly first baby before us, she got miscarriage  because of your father! At hindi lang 'yon!" Pagak na napatawa si Raphael. "Your father ruined my Dad resort here before, his dream to stay here for the rest of his life and of course he even left a scars on my Mom back. So paano ko matatanggap agad ang lahat ng ito? Kung sa bawat oras na makikita kita ay maaalala ko ang lahat ng panahon na nakita kong umiiyak ang Mommy ko dahil sa takot na bumalik dito sa Palawan? Na sa tuwing makikita kita simula ngayon ay maaalala ko ang ginawa ng tatay mo na kasamaan sa Mommy ko?"

Doon na bumagsak ang luha na pinipigilan ni Anna marie, she understand. Raphael is now blaming her for all the pain his mother recieved from her father. "S-so dahil lang doon h-hindi mo na ako mahal? Na hindi mo na ako gusto? Na iba na ang tingin mo sa akin ngayon? Dahil lang anak ako ng gumawa no'n sa mommy mo kasalanan ko na? Raphael, my father raped my mom, at hindi ko kasalanan na nabuhay ako. Katulad din ni Tita Lily naging biktima lang din si mama kaya bakit ako ang sinisisi mo? Bakit sa tingin mo makakapili ba ako ng kung sino ang magiging tatay ko ha?"

His jaw clenched, he just can't accept it that's it. "You didn't know what my mom got through because of your father Anna. At kung nasaan man siya he deserved that."


Tiningnan ko siya, humahampas sa katawan ko ang malamig na simoy na hangin. Hindi ko na makita sa kanyang mata ang Raphael na nakilala ko, ang Raphael na malaki ang pag-unawa at mahal ako. All I can see now on his eyes was pain. "Kung nasasaktan ka para sa Mommy mo gano'n din ako kay mama. And you don't need to blame me, dahil maging ako nasusuka din sa tatay ko. I'm just a product of rape Raphael, and I don't like it either. At kung hindi ko man kinuwento sa 'yo ang tungkol doon dahil 'yon nahihiya ako, nahihiya ako hindi lang dahil malalaman mo ang tungkol doon kung hindi nahihiya ako dahil kahit ni-rape lang si mama ng tatay ko ay hindi niya pa din naisip na ipalaglag ako. Dahil kung ako ang nasa katayuan ni mama malamang wala ako sa harap mo at walang ako ngayon dahil hindi ko matatanggap ang ginawa niya sa akin." Binitawan niya na din ang braso ko pero hindi ko pa din inaalis ang tingin sa kanya. "Sorry ha? I'm sorry kung ako lang 'to, I'm sorry for what ever my father did to your mother but you should put on your mind too that you don't have the right to blame me. Dahil unang-una wala akong kasalanan!" Yon lang at tsaka ko siya iniwan, I know this will be the end of our relationship, hindi ko maintindihan kung bakit naging sarado bigla ang isip niya at nagpadala sa emosyon niya. But I can't blame him, I know how much he love his Mom.

Dire-diretso akong lumabas sa resort at kahit narinig kong binati at tinawag ako ng ilang empleyado ni Raphael ay nakayuko lang akong naglakad. Paglabas ko naman ay saktong may dumaan na tricycle kaya agad ko itong pinara at sumakay.

Samantala pumasok naman na si Raphael sa loob ng villa niya pag-alis ni Anna marie at hini na ito sinundan pa. Gulong-gulo pa din siya talaga hanggang ngayon, at siguro nga ay kailangan muna nilang mapag-isang dalawa para makapag-isip isip. 

While Anna keep wiping her tears inside of the tricycle, buti na lang din at madilim sa loob kaya hindi pansin ng driver ang pag-iyak niya. Anna marie texted her mom and said she's going home now, her mom's birthday already ruined. At parang kahit taon-taon pa nilang i-celebrate 'yon ay maalala at maalala pa din niya ang nangyari ngayon. Pero hindi pa sila nakakalayo sa resort ni Raphael ng marinig niya ang pagsigaw ng tricycle driver at pagtama sa kanila ng malakas na ilaw mula sa isang truck. Pagkatapos no'n ang huli niya na lang naalala ay ang pagbunggo nila dito at pagtilapon niya sa kalsada.

Raphael VillarozaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon