"You both look so happy." Sabi ni Raphael kay Sky at Aidan ng makarating siya sa resthouse ng kaibigan niyang mayor dito sa bayan ng Estrella na si Langit. Bukas na ang alis niya ng San Juaquin at babalik na naman siya sa Palawan kaya naman nagka-ayayaan silang tatlo na mag-inom ngayon, sayang nga lang at wala si Leon at si Nathaniel na anak ng Tita Luna at Tito Oscar nila.
"Fatherhood hit us, masaya na mahirap." Si Aidan na binuksan ang isang bote ng brandy, buti nga at nakapunta siya ngayon dito sa resthouse ng pamilya nila Sky. Nasa bahay kase ng Papa Tito Gov niya ang asawang si Miracle at anak nila kaya naman nakapag-paalam siya dito na papasyalan si Raphael bago ito umalis sa Palawan. Syempre gustong-gusto ng Papa Tito Gov niya at Mommy Tita Sienna niya na nagagawi doon ang kanyang mag-iina lalo pa at nakabukod na nga sila.
"Your twenty four, puwede ng magpakasal pare." sabi naman ni Sky matapos magsalin ng alak sa baso.
"Dad and Mom will freak out if I do that." Natatawang sabi ni Raphael, sigurado siya doon lalo na ang Mommy niya. Pakiramdam niya kase hindi pa din ito makapaniwala hanggang ngayon na may girlfriend na siya kahit sa edad niyang ito. Tsaka pati na ang tatlo niyang kapatid na mga babae, malamang magugulat ang tatlo kapag ginawa niya 'yon.
"Si Tito Gov din hindi makapaniwala na inaakyat pala nitong si Aidan sa bintana 'yong nag-iisang anak niyang babae pero tingnan mo nagpakasal ng biglaan." Sabi ni Sky, they all knew about that story. Siraulo lang talaga itong si Aidan at malakas ang loob na pasukin noon ang bahay ng Tito Gov nila, sila-sila lang din kase ang nakakaalam na matagal na itong may gusto kay Miracle.
"Iba naman ang kuwento namin ni Miracle no! Tsaka tanggap na tanggap naman na ako ni Papa Gov ngayon." Nakangiting sabi ni Aidan.
"Limang buwan pa lang kami ni Anna marie, tsaka hindi naman kami nagmamadali sa ganyan." Sabi ni Raphael, pero kung siya ang tatanungin hindi niya na nakikita ang sarili na may karelasyon pa maliban sa nobya. Anna marie was his first on everything, his first love, first girlfriend and the only woman he had experienced to have sex with. At pareho lang sila kaya siguro hindi mapapantayan ng kahit na sinong babae ang standard niya ngayon, he's so contented having a relationship with Anna marie.
"So? Kami nga ni Adira parang aso't-pusa kami niyan at alam niyong hirap na hirap akong ligawan siya noon pero tingnan niyo sa akin pa din talaga ang bagsak niya." May pagmamayabang sa boses na kuwento ni Sky. Alam na alam naman ng lahat na siya talaga ang may gusto sa anak ng Tito Oscar niya at talagang niligawan niya ito kahit pa lagi siyang sinusungitan at nafa-flying kick nito noon ay ayos lang. And now they are happy on their marriage.
"Then just enjoy your relationship with your girlfriend, basta kami nitong si Langit ayos na kaming dalawa at masaya sa buhay na kung anong meron kami." Tinaas ni Aidan ang baso at nakipag-cheer kila Sky at Raphael.
"Iba pa din ang relasyon na may blessing ng sari-sariling pamilya pare, mahirap kunin ang blessing ni Mama Luna noon lalo pa at feeling niya babaero ako at lolokohin ko si Adira. Pero sabi nga ni Mommy hindi lang dapat si Adira ang susuyuin ko kung hindi pati na din si Mama Luna so I did. And we're finally okay now even with Papa Oscar." Dagdag na kuwento pa ni Sky sa dalawang kaibigan.
"That's what I'm doing, and finally pumayag na si Mommy na dalawin ang resort ko sa Palawan at makilala ang magulang ni Anna marie." Masayang kuwento ni Raphael.
"Talaga? Aba! Magandang balita nga 'yan." Nakangiti na sabi ni Aidan at muling sinalinan ng alak ang baso niya. "Naku wag kayong biglang magpapakasal ah? Dapat kapag kinasal kayo nandoon dapat kami!"
"Oo nga pare, baka mabalitaan na lang namin bigla kayong magpakasal ng girlfriend mo dahil pupunta doon sila Tito Micheal at Tita Lily." Segunda ni Sky.
"Mga sira, hindi gano'n okay? Wala pang kasal na mangyayari." Natatawang sabi ni Raphael, may pagka-advance din talaga itong dalawa niyang kaibigan mag-isip eh. "Gusto ko lang na makita si mommy na okay na talaga na kahit madami ng taon ang nakalipas ay hindi na siya matatakot na pumunta sa Palawan at mabibisita niya na ako doon."
Palawan..
"Love.." bati ni Raphael ng makita ang nobya na nakatayo sa hamba ng pintuan ng kuwarto niya, nandito na pala ito. He's waiting her actually.
"Hey.." isinara ko ang pinto bago tuluyang pumasok sa loob. "Sleep over?" Nakangiti kong pinakita sa kanya ang bitbit kong bag na may ilang pirasong damit.
"Damn yes!" Hinila ng binata si Anna marie hanggang mapaupo sila sa couch na naroon din sa loob ng kuwarto niya. Kakabalik niya lang kahapon dito sa Palawan at ngayon lang sila ulit nagkita ng kasintahan matapos ang ilang araw.
"Happy new year!" Anna marie kissed Raphael on his lips. She's sitting on top of him while her hand is around on his neck.
"I missed you." malambing na sabi ni Raphael at niyakap ng mahigpit ang nobya. "Mom and Dad will go here Anna, akala ko hindi talaga papayag si Mommy." Masayang anunsyo niya, his Dad was right bago siya bumalik ulit dito ay nagkausap muna sila ng Mommy Lily niya and finally after so many many years. She finally said yes and will visit him here in Palawan.
"Seryoso? Naku matutuwa si Mama niyan!"
"Yeah, and I'm excited too. Kung wala ang tulong ni Daddy malamang hindi ko makukumbinsi si Mommy."
"But atleast pupunta na siya dito, hindi man gano'n kadali ang mga pinagdaanan ng Mommy mo o naranasan niya dito pero ngayon sana unti-unti makalimutan niya na."
"I wish so, so let's plan on Tita Natasha's birthday?"
"Yes!"