CHAPTER 22

4.6K 85 0
                                    


Shocked is all over of Lily's face, akala niya siya lang ang galit kay Marko at sinusumpa ang lalaking 'yon dahil sa ginawa nito sa kanya noon pero mas matindi pa pala ang sinapit ni Natasha sa kamay nito.

"A-are you serious? H-how come? Ang alam ko ng mamatay si Marko ay natigil din ang lahat ng ginagawa niyang kasamaan dito?" Tanong ni Lily, she remembered her husband asked helped on Eros that time. Si Eros na isa sa matalik na kaibigan ng asawa niya at dating gobernador ng probinsiya ng San Juaquin na siyang tumulong sa kanya. Ang alam niya ay lumapit ang mga ito sa gobernador noong mga panahon na yon ng Palawan na kaibigan ni Eros para matigil ang mga aktibidades ni Marko.

"Bago pa siya mamatay nangyari na 'yon sa akin, 'yong time na tumakas ka sa bar at hindi ka na namin nakita ay  doon nag-umpisa ang katarantaduhan ni Marko sa akin. Sobra-sobra ang pinaggagawa niya sa aking kasamaan Lily ang malala pa nagkaanak pa kami." umiiyak na kuwento ni Natasha, Marko will drugged her before he will used her at kahit anong palag niya na wag gumamit ng drug ay ipipilit talaga nito 'yon sa kanya at kapag umaayaw siya ay sasaktan naman siya nito.
She was young back then, bata pa at mabilis matakot.

"K-kung nagkaanak kayo ilang taon na ang bata?" Ani ni Lily, dahil baka magka-edad lang ang anak nito at ang quadruplets nila ni Micheal.

"Twenty four years old na siya ngayon pero hindi ko naman magawang ipalaglag noon si Marie dahil natatakot ako Lily, kaya pinag-patuloy ko na lang ang pagbubuntis ko noon. Isa pa kahit gano'n ang ginawa ni Marko sa akin ay iniisip ko na lang na wala naman kasalanan ang bata."

"Oh god, kaedad niya lang ang mga anak ko Natasha." sabi ni Lily na parang hindi pa din makapaniwala sa mga kinukuwento ni Natasha sa kanya. Babae pala ang naging anak nito.

"Ang sabi noon pinatay daw si Marko dahil nga nakita na lang ang bangkay niya dito. Sobrang laking pasasalamat ko ng mawala siya at hindi lang ako pati na ang mga babaeng dinadala ng grupo nila sa casa ay tuwang-tuwa ng mapabalita 'yon dito pero hindi pa pala ako dapat mag-celebrate noon dahil nabuntis pala niya ako."

"K-kilala mo ba kung sino ang pumatay sa kanya?" Pagbaba-kasakali ni Lily baka kase alam nito na si Micheal ang isa sa nagpahirap noon kay Marko pero hindi naman siguro dahil ngayon lang din si Natasha at ang asawa niya nagkita pero kahit na, mabuti na ang sigurado at wala silang maging problemang mag-asawa.


"Hindi, sa dami ng may galit kay Marko hindi naman natukoy kung sino pa ang pumatay sa kanya. Dapat lang talaga ang nangyari sa kanya Lily, ilang taon nag-hari ang kasamaan niya dito sa atin at maraming napariwara na kabataan noon sa pagbebenta niya ng drugs." May galit at hinanakit sa boses na sabi ni Natasha, labis-labis ang pagdurusa na inabot niya noon lalo na ng nagbubuntis siya kay Anna Marie, she's so young back then pero hindi niya talaga magawang ipalaglag ito kahit pa anak ito ng lalaking kinakamuhian niya at nang-rape sa kanya ng paulit-ulit. Nagsikap siya kahit buntis na siya at naghanap pa din siya ng trabaho na marangal dahil pangako niya sa kanyang sarili na magkakaroon na kahit papaano ng direksyon ang buhay niya lalo pa at magkakaanak na siya.


"Nakakasiguro ako Natasha na wala si Marko sa langit dahil sa lahat ng kasalanan niya hindi lang sa akin o sa 'yo pati na din sa lahat ng inargabyado niya ay dapat lang siya mapunta sa impyerno." Dagdag pa ni Lily. "Pero anong pagkakaalam ng anak mo tungkol sa tatay niya?" Tanong niya, malamang ay tinago ni Natasha ang tungkol doon dahil kung siya ang nasa kalagayan ng dating kaibigan ay baka nabaliw na siya lalo na at ginahasa pala ito ni Marko. Hindi biro ang resulta ng mga nagagahasa 'yong iba nga nagpapakamatay dahil sa labis na kahihiyan at akala ng mga ito ay katapusan na ng mundo. Isa pa dito sa Pilipinas kahit sabihin na ni-rape ka ay hindi mo pa din puwedeng ipalaglag ang bata lalo pa at wala namang abortion dito sa atin kaya lahat ng pagdudusa ay nasa biktima ng mga nagagahasa.

"Noong maliit pa siya hindi ko naman kinukuwento sa kanya kahit tinatanong pa niya ako kung nasaan ang tatay niya ay sinasabi ko na lang na wala at nasa malayo pero ng magkaisip na siya at maka-tungtong sa tamang edad ay doon ko na pinag-tapat lahat. Matalinong bata ang anak ko Lily at alam kong maiinitindihan niya lahat ng sasabihin ko tungkol sa ama niya." Ani Natasha na pinupunasan ang luha, napaka-laking relief sa kanya na may mapag-kuwentuhan ng mga nangyari noon sa kanya at si Lily pa. Kay tagal-tagal na puro hinanakit ang nasa loob ng dibdib niya at wala siyang mapag-kuwentuhan ng mga nangyari noon.

"Buti naman kung gano'n pero syempre siguradong nabigla ang anak mo dahil sa kuwento mo."

"Hindi lang nabigla, ilang beses niya akong tinatanong kung bakit ko pinag-patuloy ang pagbubuntis ko kahit ganon ang sinapit ko sa ama niya dahil kung sa ibang babae daw 'yon nangyari ay malamang ay pinalaglag na."
Sagot ni Natasha, ayaw niyang isipin ng anak niya na kinamumuhian niya ito o galit siya dito. Kahit mahirap at masakit ang sinapit niya noon ay hindi naman matatago na malaking blessing sa buhay niya ang pagdating ni Anna marie.

"Hindi mo magagawa ang gano'n Natasha, alam kong mabuti kang tao kahit sandali lang tayo nagkakilala noon." Nginitian ni Lily ng tipid ang babaeng nasa harap niya. Akala niya ay grabe na ang lahat ng sinapit niya noon sa kamay ni Marko pero mas matindi pa pala kay Natasha, oo nawalan siya ng anak sila ni Micheal pero natanggap naman niya na hindi talaga siguro para sa kanya ang baby na 'yon at nagpapa-salamat siya ng sobra na buhay pa din siya.

Raphael VillarozaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon