Kabanata 3
MATAAS na ang sikat ng araw ngunit tulala pa rin ako sa kawalan, nakatitig ako sa kisame ng aking silid habang hindi mawala ang ngiti sa aking labi. Hanggang ngayon ay pilit ko pa ring sinasariwa ang mga kaganapan kahapon kasama si Lazaro. Hindi ako lubusang makapaniwala na hinandugan ako nito ng kape, kahit hindi man siya ang nagtimpla non ngunit sapat na iyon para maging maligaya ako.
Impit akong sumigaw at niyakap ang aking katabing unan, nagpagulong-gulong ako sa aking katre dahil sa sayang hindi ko makalimutan. Kung masilayan man ako ni Ina
ngayon tiyak na mapaghihinalaan nila akong nawawala na sa katinuan.Napatigil ako sa pag-impit kong pagsigaw nang marinig ko ang katok sa aking silid. Dahil maligaya ang aking puso ay tila ba nais kong maging mabuting tao ngayon, bumangon ako sa aking katre at nakasilay ang aking ngiting binuksan ang pinto. Bumungad sa akin si Anna. "Magandang Umaga Binibini, mabuti naman ho at gising na kayo. Nasa baba ho pala si Ginoong Jacinto" saad nito.
Nawala ang aking ngiti at napakunot ang aking noo. Bakit siya narito? Ilang sandali pa'y napahinga ako nang malalim at sandaling tinakpik ang aking noo. Aking maalala na napa-sang-ayon ako ng di oras sa kaniya na paunlakan ang kaniyang nais na ipasyal ako sa pamilihan ngayon. Napabuntong hininga ako at ngumiti kay Anna. "Magandang umaga rin, pakisabi na lamang na ako'y susunod na" saad ko, tumango si Anna bilang kaniyang tugon.
Sinarado ko ang aking pinto at napaupo panandalian sa aking katre. Ang totoo'y hindi ko nais na samahan ito sa pamilihan dahil sa ibig ko na lamang humilata nang maghapon habang iniisip ang magiging kasalakuyan namin ni Lazaro.
Napabuntong hininga muli ako, napapasang-ayon na lamang ako ng di-oras sa tuwing ako'y masaya. Noong oras na sumang-ayon ako sa kaniyang nais ay gumugulo sa aking isipan si Lazaro, lalo na ang mga titig niyang kakaiba.
Napatingin ako sa kaniya at hindi mawari kung ano ang aking dapat isagot, sasabihin ko ba na maraming salamat aking sinta? o napakabait naman ng aking asawa? Tumikhim lamang ito at iniwas ang tingin sa akin, iniwas ko rin ang aking tingin at ngumiti ng palihim. Maya-maya pa'y muli na naman akong napatingin sa kaniya nang maramdaman kong tumayo ito.
Umupo na muli ito sa kaniyang silya at muling itinuon ang kaniyang paningin sa mga papel. Mas lalo akong humahanga sa kaniya dahil sa napapanatili lamang nito ang pagiging seryoso at kalmado nito. Minsan aking naiisip kung ano ang kaniyang itsura kapag nakangiti, siguro'y ako'y mahihirapan din na pakawalan ito ng mga mabubulaklak na salita dahil baka wala lamang itong reaksiyon.
Nagulat ako nang bigla itong tumingin sa'kin, huli na para aking ibaling sa ibang direksiyon ang aking tingin dahil sa nakulong na nito ng kaniyang mga mata. Tumikhim ako at sa huli'y ako rin ang umiwas ng tingin. "Ang mainit na kape ay wala nang saysay kung ito lamang ay iyong papatayin sa lusaw" halos mapaawang ang aking labi dahil sa kaniyang sinambit. Natural lamang ba talaga na palagian ang pagiging matalinhaga nito.
Kailangan ba matalinhaga ang mga heneral? Heneral din naman si Kuya David ngunit hindi naman ito matalinhaga.
Bumaling muli ako ng tingin sa kaniya at nakapako na muli ang tingin nito sa mga papel. "Ah, maraming salamat nga pala Ginoong Lazaro" saad ko, hindi ko na hinintay ang sagot nito dahil mukhang wala rin naman itong balak sumagot. Sumimsim ako sa kape halos mapangiti ako dahil maganda ang pagkakatimpla ng kape. Magaling magtimpla si Paulita ngunit hindi naman mahilig si Lazaro roon. Ito na ba ay aking simbolo para pag-aralang gumawa ng tsaa?
Ilang sandali pa'y napatayo ako nang lumabas sa pinto si Jacinto, binigyan kaagad ako nito ng matamis na ngiti. At binalingan ng tingin si Lazaro. "Mauuna na kami Heneral Villaflores" saad nito kay Lazaro. Napatingin sa kaniya si Lazaro at tumango. Hinihintay ko rin kung babalingan ba ako ng tingin ni Lazaro ngunit hindi iyon nangyari, siguro'y nahihiya lamang ito dahil narito si Jacinto.
BINABASA MO ANG
Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)
Historical Fiction"Mananatiling ikaw ang paksa ng aking tula kahit mahirap nang ipilit na maibalik ang dating tugma" Hindi lubos akalain ni Solana na mahuhulog ang loob nito sa isang Ginoong halos limang taon ang pagitan ng kanilang edad. Walang araw na sinasayang it...