Kabanata 41

29 2 0
                                    

Kabanata 41


DALAWANG hampas ang ginawa ni  Jacinto sa ulo ni Lazaro, halos hapong-hapo at nanginginig ang kaniyang kamay habang hawak-hawak nito ang isang matalim na batong naging dahilan  nang pagkasawi ni Lazaro.

Napangisi si Jacinto at pinulot nito ang baril na nahulog sa damuhan. Tila hindi pa ito nakuntento sa tama na ginawa nito sa ulo ni Lazaro, batid ni Jacinto na wala na itong buhay dahil halos mapuno ng dugo ang kaniyang buong mukha.

Ikinasa nito ang baril at itinutok sa ulo ni Lazaro, nais nitong siguraduhin na hindi na sisikatan pa ng umaga si  Lazaro dahil ngayon pa lamang ay hahadlangan niya na ito.

Akmang pipihitin na nito ang gatilyo nang may isang patalim na sumaksak sa kaniyang likuran. Halos mapaluhod si Jacinto sa damuhan at buong pwersa nitong pinagmasdan kung sino ang salaring sumaksak sa kaniyang likuran.

Punong-puno ng galit at lumbay ang mga mata ni David na nakatingin kay Jacinto. Mabilis nitong inagaw ang baril na nasa kamay ni Jacinto at itinutok iyon sa kaniyang tatagukan.

Matapos nitong makalabas sa kagubatan ay agad silang nilapitan ni Guarez at mga ilang kasamahan nito. Si Nestor ang siyang nagsuplong kay Guarez ng mga kaganapang kinasasakdalan nina David at Lazaro.

Parang anak na rin ang turing nito sa dalawa dahil halos silang dalawa ang kumukumusta at kumakausap sa kaniya, walang asawa't anak si  Guarez at tinuturing lamang nitong anak si Susmitha.

Agad na ibinigay ni David si Ligaya kay  Guarez at mabilisan muling nagtungo sa kagubatan upang balikan ang kaniyang kaibigan.  Sumunod sa kaniya ang ilang mga kasamahan ni Guarez patungo sa kagubatan.

Halos mangiyak si David dahil sa pangamba nito sa sasapitin ng kaniyang kaibigan.  Nakarinig ito ng dalawang putok ng baril habang inililigtas nito si  Ligaya, at hindi mawala sa kaniyang isipan na baka may maaaring masamang mangyari kay Lazaro.

"Walang hiya ka  Jacinto!" galit at puno ng panggigigil na saad ni David at walang awang, pinagbubogbog at pinagsisipa ito. Tila halos binuhos ni David ang sakit at galit nito kay Jacinto. Hindi na magawa pang lumaban ni Jacinto dahil sa bigat ng mga suntok na natatanggap nito mula kay David.

Ilang sandali pa'y inawat si David ng mga kasamaan ni Guarez dahil halos mapuno na ng galos ang mukha ni Jacinto. Agad na nilapitan ni David si Lazaro at hinawi nito ang dugong nanalantay sa mukha nito.

"Lazaro.." wika nito, punong-puno pa rin ng pag-asa ang kaniyang tinig kahit pa batid nitong wala ng buhay si Lazaro.  Pilit nitong ginigising ang diwa nito, pilit itong umaasa na buhay pa ang kaniyang kaibigan.

Hindi na maawat ang luha ni David sa pagtulo,  malaki ang utang na loob nito kay Lazaro at nanlulumo siya sa kaniyang sarili dahil hindi man lamang nito nagawang iligtas. Pilit nitong ginising ang diwa ni Lazaro, sabay silang nagtungo rito at dapat ay sabay rin silang aalis sa Europa.

Kaunting panahon na lamang ang kanilang gugulin dito, naisakatuparan nilang mahanap si Solana at mailigtas si Ligaya, ang mga bagay na iyon ay ang hinihiling ni David at hindi kabilang sa kaniyang hangarin ang mawalan ng buhay si Lazaro.

SA tulong ni Guarez ay naitakbo sa ospital si  Lazaro, sa lubusang pagtatangis at paninikip ng dibdib ni David ay hindi na nito kaya pang pagmasdan ang kaniyang kaibigan. Yakap-yakap nito sa kaniyang bisig si Ligaya, nangangamba rin si David para sa kalagayan ni Ligaya dahil kanina pa ito tahimik at walang kibo.

"no hay Lázaro, no más ( There is no Lazaro...no more)" ito ang masakit na salitang narinig ni David mula kay Guarez. Agad siyang hinagkan ni Guarez nang mahigpit dahil batid nito ang hirap at sakit na kaniyang nararamdaman.

Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon