Kabanata 16

19 5 7
                                    

Kabanata 16

"BINIBINING Paulita ikaw na ba ang nariyan? maaari bang ikaw ay dumulog na rito sapagkat kanina pa hinihinitay ni Binibining Susmitha ang ibig nitong ube"

Halos hindi maalis ang aking tingin sa pintuan ng opisina ni Lazaro kung saan doon ko narinig ang tinig nito. Napaharap sa akin si Paulita at ngumiti nang matamis. "Ikaw ay aking maiwan na Binibining Solana sapagkat ako'y kanilang hinahanap na......at kung sakaling kay Ginoong David ang dala mong pagkain ay maaari kung isauli mo na lamang ito dahil hindi na iyan makaka—"

"Maaari bang itikom mo ang nakayayamot mong tinig  Paulita?! Wala rin namang katuturan ang iyong sinasabi bakit kapa nagsasayang ng bawat letra?!" mariin kong saad at tinaasan ito ng isang kilay.

Dumagdag pa ito sa yamot at lumbay na aking nararamdaman hindi ba ito marunong makiramdam na hindi ko ito nais makausap at masilayan? Bakit tila nagiging manhid na ang mga taong aking nasasalamuha.

Takang napatingin sa akin si Paulita habang hindi maipinta ang kaniyang mukha. "Tinuringan ka pa man din anak ng isang Mayor dito sa San Ignacio ngunit hindi ko akalaing napakasama ng iyong budhi, ibang iba ka s—"

"Ikaw ay isang anak ng tagahukom hindi ba?! Ngunit hindi mo kayang itikom ang iyong bibig at napakabilis mong husgahan ang isang tao!"  Putol ko sa kaniyang sinabi, mas namuo ang yamot sa kaniyang mukha dahil sa aking sinambit.

Akmang magsasalita muli ito nang biglang bumukas ang pinto. "Binibining Paulita sino ba ang iyo—"

"Solana?" gulat na napatingin sa akin si Lazaro habang may pananabik at pagtataka na namamayani sa kaniyang mga mata. Sandaling napatitig kami sa isa't isa ni Lazaro bago ako umiwas ng tingin at naglakad paalis.

Tila nanumbalik na naman ang sakit na aking naramdaman kanina lamang, muli na namang nagpaparamdam ang pag-iinit ng sulok ng aking mga mata habang tinatahak ko ang pasilyo palabas ng kwartel.

"Solana sandali!" rinig kong saad ni Lazaro ngunit hindi ko ito nilingon. Solana? Solana lamang tawag nito sa akin ngunit sa iba Binibini? Hindi ba ako mukang kagalang-galang sa kaniyang presensiya at tila ba napakadali nitong sabihin ang aking pangalan nang ganon-ganon lang.

"Solana" saad muli nito at naramdaman ko ang paghawak nito sa aking palapulsuhan at iniharap ako sa kaniya. Sa pagharap ko sa kaniya ang siya ring pagbagsak ng aking luhang kanina ko pa pinipigilan. Nanlaki ang mga mata ni Lazaro nang makita ang mga luhang  umagos mula sa aking mga pisngi.

Napalitan ng pangamba ang kaniyang mga mata. "Ano ang nangyari?" malambing na saad nito. At akmang kaniyang papawiin ang luhang umagos sa aking pisngi ngunit lumayo ako. Pinunasan ko ang aking mga luha at tumingin sa kaniya, huminga ako nang malalim at mapait na ngumiti sa kaniya.

Inilahad ko sa kaniyang harapan ang takuyan. "K-kapag dumating si Kuya David, pakibigay na lamang ito sa kaniya, at pakisabi na tinupad ko ang kaniyang pangako na siya'y aking dadalhan ng kaniyang umagahan" napatigil ako at sandaling huminga muli nang malalim.

Napangiti muli ako. "Kapag ako'y kaniyang hinanap pakisabi na lamang na ako'y umuwi na sa aming tahanan" patuloy ko habang pinipigilan ang pagdanak ng aking luha. Tila nais ko na lamang umalis sa kaniyang harapan dahil patuloy na binabagabag nito ang aking puso sa tuwing siya'y aking nakikita.

Inabot niya sa akin ang takuyan ngunit nanatiling nakatingin lamang ito sa aking mga mata. Tila ako'y kaniyang binabasa, bakas pa rin sa kaniyang mga mata ang pangamba at pagtataka.

Napayuko ako sa kaniya at tumalikod muli, akmang ihahakbang ko muli ang aking mga paa palayo sa kaniya nang tawagin niya muli ang aking pangalan at hinawakan ako sa aking kamay.

Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon