Kabanata 4

41 6 9
                                    

Kabanata 4


KASALUKUYAN kaming nasa loob ng isang panciteria may karamihan na rin ang mga taong naroon at ang iba'y hindi maiwasang mapabaling ang tingin sa aming dalawa ni Jacinto. Hindi ko naman ugali na irapan ang mga ito dahil sa lalabas lamang na wala akong puso.

Siguro'y kilala lamang si Jacinto dahil sa makaagaw atensiyon talaga ang tindig nito, maaaring sila'y nagtataka kung bakit ang ganitong mga nakahahalinang mga nilalang ay piniling kumain sa isang payak na kainan.

Ilang sandali pa'y halos mapapalakpak ang aking tiyan dahil sa bango ng pagkaing inilapag sa aming lamesa. Magkatapat lamang kami ni Jacinto ng upuan at halos tumatagos sa aming ilong ang aroma ng bagong lutong inihaw na manok, isda at maliit na bilao ng pansit.

Halos mapangiti ako at hindi ko mapigilan ang aking sarili na langhapin ang nakahain sa harapan. Napatingin ako kay Jacinto at halos mapaayos ako ng upo dahil sa hindi ko matanto kung kanina pa ba ako nito tinititigan. Wala namang kaso sa akin iyon dahil kahit matagal pang tumitig sa akin si Jacinto ay hindi ko nararamdaman ang pamilyar na tibok ng aking puso, katulad ng nagagawa ni Lazaro.

"Maraming Salamat, Ginoong Jacinto sa mga pagkaing iyong hinandog" saad ko habang nakangiti at pinagmamasdan ang mga nakahain sa lamesa. "Ito ba'y iyong naibigan?" tanong nito. Tumango ako at ngumiti ng matamis. Isa sa mga dahilan kung bakit  naging maganda ang aking kalagayan ay dahil sa nasagot ang mga misteryong bumabalot sa akin, at iyon ay ang walang ugnayang namamagitan sa pagitan ng kaniyang kapatid at kay Lazaro.

Sa mga simpleng pahayag lamang na iyon ni Jacinto ay tila pakiramdam ko nanalo na ako sa napakalaking pasuguan dito sa San Ignacio. "Maaari na tayong kumain" saad nito habang inaalok ang mga pagkain. Ngumiti ako sa kaniya at agad na kumuha ng isang maliit na hiwa ng inihaw na karne at isang sandok ng pansit.

Mahinhing akong sumubo at malumanay na pinapakiramdaman ang lasa ng bawat pagkain. Aking masasabi na napakahusay ang kanilang pagkakaluto,  Siguro'y kung noon pa lamang ay may interes na ako sa pagluluto ay maaari kong magamit ang kakayahan na iyon upang mas lalong mapahalina si Lazaro, at kung ang isang ibig nito sa kaniyang mapapangasawa ay magaling magluto tiyak na ako na ang kaniyang tinutukoy.

Napatingin muli ako kay Jacinto nang aking mapansin na tila hindi ito gumagalaw. Nasilayan ko itong nakapatong ang kaniyang dalawang kamay sa lamesa habang nakatingin sa akin. Nais ko lamang sabihin sa kaniya na hindi ako isang pagkain.

Nang mapansin nitong nakatingin ako sa kaniya ay tumikhim ito at ibinaling sa iba ang direksiyon ng kaniyang mga mata. "Ikaw ba'y hindi nagugutom Ginoo?" tanong ko habang hinihimay ang inihaw na isda upang maalis ang mga tinik nito. "Ako'y busog na sa tuwing ikaw ay aking nakiki--"

"Aray!" naalerto si Jacinto nang marinig nito ang aking sigaw dahilan upang mapabaling ang tingin ng mga taong abala rin sa pagkain. "Ayos ka lamang ba Binibini?" nangangambang tanong ni Jacinto. Napangiti ako dito ng tipid. Mukha ba akong ayos?! "May nararamdaman akong kaunting hapdi sa aking daliri dahil sa pagkakatusok ko sa tinik" saad ko at sandaling iwinasiwas sa ere ang aking daliri.

Nagulat ako nang kuhanin nito ang aking pinggan, Balak ba ako nitong agawan ng pagkain? Napakagat ako sa aking labi nang himayin nito ang inihaw na isda at tinanggal ang mga tinik nito. Napatingin ako kay Jacinto habang abala sa pagtanggal ng mga tinik sa isda. Pinakiramdam ko muli ang aking puso, normal lamang ang pintig nito wala akong kahit anong nararamdaman.

Ang tanging nararamdaman ko lamang ay ang paghanga sa kaniya dahil sa angkin nitong kabaitan. Napaiwas ako ng tingin nang inilagay nito ang plato sa aking harapan habang nahimay na ang  isda. Napatingin ako rito at napangiti. "Maraming Salamat Ginoo" saad ko at ibinababa muli ang aking tingin at ibinalik ang aking sarili sa pagkain.

Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon