Kabanata 14

18 5 18
                                    

Kabanata 14

"TAMA na iyang kapilyahang namamayani saiyo, kaya mas lalo siyang nahuhulog saiyo dahil diyan sa pinapakita mo" saad ni Kuya David, at biglang nakangiting tumingin kay Lazaro.

Nang sabihin iyon ni kuya David ay bigla na lamang kumabog ang aking dibdib. Tila may pinapahiwatig ito. Napatingin ako kay Lazaro, bigla itong napatikhim at umiwas ng tingin.

Pinaningkitan ko ng aking mata si Kuya David ngunit nakangiti lamang ito sa akin. Tumayo ito habang hawak-hawak ang malinis na telang idinampi ko sa kaniyang gilid ng labi.

"Ikaw ba'y hindi pa uuwi, nais mo bang ihatid kita?" tanong nito sa'kin. Tumayo ako at tumingin sa kaniya. "Hindi ka ho ba uuwi ngayon Kuya?" balik kong tanong. Umiling ito at nangangambang tumingin sa akin. "Dito muna ako magpapalipas ng gabi, hindi ko maaatim na masasagot ang mga paulan na tanong ni ina" tugon nito.

Nalulumbay akong napatango. "Kung gayo'y dadalhan kita ng iyong umagahan dito sa inyong opisina" halos maotoridad kong sambit. Tumango ito at ngumiti. "Dalhan mo na rin ako ng tsaa" hirit nito. Napangiti ako at tumango.

"Ano pala iyang dala mo?" Tanong muli nito at napatingin sa takuyang nasa upuan. Lumapit ako roon at kinuha ang takuyan at inabot sa kaniya. "Suman iyan at tupig. Hindi na ako bumili ng kakanin dahil batid kong hindi niyo naman ibig ang gawang pinoy" saad ko at napairap ng tingin kay Lazaro.

"Paano mo naman iyon nasabi ibig nga namin ni Lazaro ang gawang pinoy na kakanin lalo na ang tinda ni Mang Kanor, hindi ba Lazaro?" nagagalak na saad nito at tinapik ang balikat ni Lazaro. Tumango-tango lamang ito.

Napairap ako, batid kong sinasabi niya lamang iyon dahil narito ako sa kaniyang harapan ngunit kapag ako'y wala na isusuko niya ang kaniyang sinabi.

Napakibit-balikat ako, "Ako'y hahayo na kuya, hahandugan na lamang ho kita ng iyong makakain bukas.....at kung hilig niyo ng kakanin magtungo na lamang kayo sa may dugong kastilang gumagawa niyon" nayayamot na saad ko at mabilisang nagtungo sa kanilang pinto.

Halos magulat pa sila nang hindi ko sinasadyang napalakas ang aking pagkakasara sa kanilang pinto. Napaawang ang aking labi dahil sa aking ginawa. Siguro'y nagtataka na sila ngayon kung bakit ganito na lamang ang aking ginawa.

Patakbo akong lumabas sa kwartel dahil sa kahihiyan, maaaring sumasagi na sa kanilang isipan ngayon ang pabago-bago kong emosyon. Baka bukas makalawa namalayan ko na lang na nasa isang piitan na ako ng mga nawawala sa sariling katinuan.

"Mang Jose pasensiya na ho at natagalan ako nakain niyo na ho ba ang ibinig-"

"Binibini, kanina pa po kayo hinihinitay ni Ginoong Jacinto" putol nito sa akin at tumingin sa aking likuran. Bakit siya narito? Hindi pa ako nakapagnilay kung siya ba'y aking kakausapin.

"Magandang araw Binibini" dahan-dahan akong napalingon sa kaniya at tipid na ngumiti. Nagitla ako nang ilahad nito sa aking harapan ang isang kumpol ng kulay puti na rosas. Nagtataka ang aking mga matang tumingin sa kaniya.

Anong ibig sabihin nito? Hindi ba't malinaw na sa kaniya na hindi ko ito ibig?

"Marahil ay ikaw ay nagulat dahil sa aking ginawa ngunit nais ko lamang sanang malaman mo na...ang simbolo ng rosas na ito ay bilang isang pagkakaibigan" wika nito sanhi upang mawala ang aking pangamba at pagtataka.

"Batid kong hindi mo ibig ang ating kasal, at hindi ko rin kailangang ipilit ang aking sarili sa iyo....kaya't sana'y tanggapin mo ang aking lubusang paghingi ng tawad at ang pakikipagkaibigan ko saiyo" patuloy nito.

"Batid ko ring si Ginoong Lazaro ang nagpapatibok ng iyong puso kaya't hindi ko nais na humadlang" saad nito dahilan upang manlaki ang aking mga mata. Nababatid nito ang aking lihim na pagtingin kay Lazaro?! paano kong naiulat niya ito sa aking ama.

Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon