Kabanata 1

61 7 19
                                    

Kabanata 1

NAALIMPUNGATAN ako dahil sa tatlong katok sa aking pinto. "Binibini, gumising na ho kayo, pinapatawag na po kayo ng inyong Ina" tinig ni Anna, dalawang beses akong napakurap ng aking mga mata habang blangko ang aking isipan habang nakatingin sa kisame.

Maghahating gabi na nang kami'y makauwi galing sa pagdiriwang ,kung aking hindi pa inulat kay ina na ibig kong tumungo sa palikuran upang manalikod ay hindi kami makakauwi. Bumangon ako sa aking katre ngunit ilang sandali lamang ay bigla muli akong bumagsak sa aking higaan.

Tirik na ang sikat ng araw ngunit ang aking katawan ay nanatili pa ring walang gana. Maya-maya pa'y nakarinig muli ako ng katok sa aking silid. "Binibini, gumising na ho kayo masama raw pong pinaghihintay ang pagkain, nariyan na rin po si Ginoong Lazaro at mukang maaga pa po ang kanilang lakad ni Ginoong David" halos mamilog ang aking mata at bigla na lamang akong napabangon sa aking katre nang marinig ko ang pangalan ni Lazaro.

Hindi ko mawari ngunit dahil sa ginawa nito kahapon ay nanatili na iyon sa aking isipan, hindi ko mapigilang hindi mapangiti ng palihim dahil sa kaniyang mga simpleng tinuran. Agad akong nagtungo sa aking palikuran at agad na inayos ang aking sarili. Kumpara kanina na halos isa akong lantang gulay ngunit ngayon ay mistulang akong isang masaganang mga mirasol sa tuwing nakalalanghap ng sinag ng araw.

Pinalitan ko ang aking damit at pinili ang magandang kulay na babagay para sa akin. Inayos ko at sinuklay nang paulit-ulit ang aking mahaba at tuwid na buhok. Sinuot ko rin ang kulay pulang paynetang hinandog sa akin ni Kuya Samuel. Napahinga ako nang malalim sa harapan ng aking salamin at kinuha ang aking abaniko habang abot tainga ang aking ngiti nang aking binuksan ang pintuan ng aking silid.

Pinatili ko ang abot tainga kong ngiti hanggang sa makababa ako sa aming hagdan patungo sa hapag kainan. "Magandang Umaga anak" bati sa akin ni Ina nang makatungo ako sa hapag kainan. "Maganda umaga Ina!" masiglang bati ko at agad humalik sa pisngi ni ina at nagtungo kay ama na abala sa pagbabasa ng pahayagan upang humalik sa kaniyang pisngi.

Agad akong pinaupo ni ina sa upuan at inabutan ng pagkain. "Tila maganda ang pagsikat sa iyo ng umaga" wika ni ina habang abala ito sa pagsalin ng tubig sa aking baso. Masilay lamang na ngiti ang iginagawad ko kay Ina, aking hinala na baka nababalot na ng ningning ang aking mga mata. "Nasaan ho si Kuya David, Ina?" tanong ko, nais kong tanungin kung nasaan si Kuya nang sa gayo'y akin ding malaman kung nasaan si Lazaro.

"Tumungo na sa kwartel ang iyong Kuya David kasama niya si Lazaro" halos mapatigil ako sa aking pagkain dahil sa sinambit ni ina. Ibig sabihin ay sila'y nakaalis na sa aming tahanan. Ang kaninang abot tainga kong ngiti ay tila naglaho na parang bula, wari'y tila bumuhos sa akin ang napakadaming kamalasan.

Halos ayusin ko ang aking sarili, halos itumba ko ang aking aparador para lamang makapili ng kaaya-ayang kasuotan. Halos masahiin ko ang aking mukha ng sambong nagmula pa sa Europa upang maging maaliwalas lamang ang aking mukha. Ngunit ang lahat ng iyo'y walang magandang pinagtunguhan.

"Bakit? Mayroon ka bang nais iulat sa iyong kapatid?" nabalik ako sa aking wisyo nang paulanan ako ng tanong ni Ina. Umiling ako "Wala naman ho Ina...nalulumbay lamang ho ako dahil hindi ko nagawang makapagpaalam sa kaniya" saad ko at ngumiti bago muli pinagpatuloy ang aking pagkain.

Narinig ko ang pagtikhim ni ama, ibinababa nito ang binabasa niyang pahayagan at sumimsim ng kape. "Tila ngayon ka lamang nangungulila saiyong Kuya, Solana" kalmadong sambit nito. Napatingin ako sa kaniya ngunit nakapako lamang ang tingin nito sa pahayagan. "Nagkakamali ka po ama, palagian po akong nangungulila kay Kuya David" saad ko at pinasilay ang aking matamis na ngiti upang hindi matuloy ang paghihinala nito sa akin.

Sandali itong natahimik habang nakatuon pa rin ang kaniyang tingin sa pahayagan. Nagkibit balikat na lamang ako at pinagpatuloy ang aking pagkain.

"Marahil ay iyo nang nakilala si Jacinto hindi ba?" napatigil muli ako sa aking pagkain at tumingin sa kaniya, tumango ako ng dahan-dahan. "Siya'y akin nang nakilala kagabi ama" tugon ko. Napatingin ako kay ina na tahimik na nakikinig lamang sa amin binigyan ako nito ng matamis na ngiti. Pinagpatuloy ko muli ang aking pagkain kahit pa nababalot ng alinlangan ang aking isipan.

Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon