Kabanata 19

14 5 5
                                    

Kabanata 19

SANDALI akong napatulala sa kaniya at ilang minuto kaming walang kibo sa isa't isa. Hindi ko mapigilang hindi maalis sa aking isipan ang sinabi nito. May pagtingin kana rin ba sa akin Lazaro?

Napayuko ako ng bahagya at kinagat ang aking pang-ibabang labi upang mapigilan ang pagsibol ng aking ngiti. Narinig kong tumikhim ito at tumayo. "Ako'y hahayo na, may kailangan pa akong gawin" wika nito.

Napatingin ako sa kaniya at napatayo, nakapamulsa ito habang blangkong ekspresiyon na nakatingin sa akin. "Ahh. M-maraming salamat dahil pinagbigyan mo ang aking nais na kausapin si Kuya David....maraming salamat din dahil sa bukas sa iyong puso na tulungan ang aking Kuya na mapalaya ito..." halos pabulong kong sambit.

Tumango-tango lang ito habang nakatingin sa akin. "Ginagawa ko lamang ang aking responsibilidad....at parang aking kapatid na rin ang iyong Kuya David" saad  nito.

Sandali akong napangiti sa kaniya ng tipid. "Hindi mo maaaring maging kapatid si Kuya David!" maotoridad kong saad. Napakunot  ang noo nito habang nakatingin sa akin. "Dahil m-maaaring hindi tayo.....magkatuluyan" halos pikit mata kong sambit.

Mabilisan akong yumuko nang bahagya upang takpan ang malumanay kong ngiti. Nagagawa ko ang mga bagay na ito na tila wala kaming mga problema, hindi ko mawari sa aking damdamin dahil tila nanabik ako na gawin ang ganitong bagay kay Lazaro.

Napaangat ako ng ulo sa kaniya nang tumikhim ito. Huminga ito nang malalim habang nakatingin sa akin. "Ako'y tutungo na" bigla akong napairap sa kawalan dahil sa sinambit nito. Aking inaasahan na maganda ang isasagot nito at malapit sa aking sinambit ang itutugon nito.  Ngunit halos mapabagsak ang aking balikat dahil sa sagot nito.

Tumango ako sa kaniya at ngumiti nang mapait. Napakunot ito ng kaniyang noo habang nakatingin pa rin sa akin, ilang sandali'y inayos na nito ang kaniyang sarili at nagsimulang lumabas sa aming bahay pahingaan.

Bago ito magtungo sa kaniyang kalesa ay nagtaka ako nang lingunin ako nito. "Huwag ka nang mag-alala, hindi ko na ituturing na kapatid ang iyong kuya David" wika
nito bago mabilis na naglakad paalis.

Halos nakatingin lamang ako sa kaniyang likod. Napakagat ako ng aking labi upang pigilan ang pagmumutawi ng aking ngiti. Tila isa na akong nilalang na nawawala sa katinuan dahil sa pagpigil ko sa aking ngiti.

Napahinga ako nang malalim at patakbong nagtungo sa aming asotea. Nadatnan kong paalis na ang kalesa ni Lazaro at hindi ko maiwasang mapangiti habang lumalayo ito. Hindi ko maintidihan ang aking sarili noong una'y pinili ko nang palayain ang aking pagtingin sa kaniya, ngunit narito na naman ako muling nahuhumaling at nahuhulog sa kaniya.

"Hindi ako nagkakamali na ikaw ay may lihim na pagtingin nga kay Lazaro" halos mapaigtad ako sa gulat nang marinig ko ang tinig ni ama. Bumaling ako rito at nahihiyang ngumiti.

"Naalala ko pa noon na si Tolentino ang nagsaad sa akin ng mga bagay na iyon. Sinaad nito na kaya't hindi mo nais ang kasalan ay dahil napupusuan mo si Lazaro....hindi kita masisi sa iyong nararamdaman anak ngunit sadya lamang naging sakim ang aking sarili nang mga  panahong iyon" marahan na saad nito.

Tama ba ang aking narinig si Don Tolentino ang nagsambit ng mga bagay na iyon kay Lazaro. Naalala ko ang sinambit ni Jacinto noon na nababatid ng kaniyang ate Leonora ang pagtingin ko kay  Lazaro at malaki ang posibilidad na pinaunlak niya iyon sa kaniyang ama.

Napalingon ako kay ama nang umupo ito sa silya at tumingin sa harapan. Napaupo ako sa kaniyang tabi habang pinagmamasdan ito, kapansin-pansin ang pagiging matamlay ni ama dahil sa ginagawa nito. Ngunit hindi ko siya masisi dahil sa kaligtasan ni Kuya David ang nakataya rito.

Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon