Kabanata 17
HALOS manlaki ang aking mga mata habang nakatingin kay Anna. Ipinadakip si Kuya David! Halos hindi ako makagalaw sa aking katre at tila ba namanhid ang aking buong katawan.
"Binibini!" tawag muli sa akin ni Anna. Napabaling ako sa kaniya habang gulat pa rin ang aking mga mata. "Si ama?" Nagtataka kong tanong. "Nagtungo ho siya sa kwartel" saad nito. Dali-dali akong tumayo sa aking katre. "Binibini saan ho kayo tutungo?" Nangangambang saad nito.
"Kailangan kong magtungo sa kwartel nais kong makausap si Kuya David!" halos nagmamadali kong saad. Hindi ako mapapantag kung narito lamang ako sa aking silid. Nangangamba ako para kay ama at sa kaniya.
"Binibini!" tawag muli sa'kin ni Anna ngunit hindi ako lumingon dali-dali akong nagtungo sa aking pinto at binuksan iyon, patakbo akong nagtungo sa sala at halos mahimlay ako nang aking makita si ina na nakaupo sa aming silya habang pinapaypayan ito ng aming mga katulong.
"Ina!" Nangangambang saad ko at lumapit sa kaniya. Hinawakan ko ang kaniyang kamay, ngumiti ito ng tipid sa akin at mahigpit din na hinawakan ang aking kamay.
"Anong nangyari kay Ina?" nangangambang tanong ko kay Manang Loring. "Nahimatay ho kanina ang inyong ina dahil sa masamang balita kanina Senyora" tugon nito. Ibinalik ko ang tingin kay ina at hinaplos ang kamay nito.
"Ina magpagaling ho kayo wala pong masamang mangyayari kay Kuya David" saad ko at ipinatong ang aking ulo sa kaniyang balikat. Naramdaman kong dinampian ng halik ni ina ang aking ulo.
Naisin ko mang magtungo sa kwartel ngunit hindi ko nais na iwanan si ina rito ng mag-isa. Nabigla ito dahil sa nangyari kay Kuya David at ako'y nangangamba na baka mapahamawak ang kalagayan nito.
Ilang sandali'y unti-unti nang gumaan ang pakiramdam ni ina. Pinainom ko ito ng isang basong tubig at hinaplos ang kaniyang kamay. "Ina ayos na po ba ang inyong kalagayan?" tanong ko habang banayad na minamasahe ang kaniyang kamay. Palagian ko itong ginagawa sa tuwing masama ang pakiramdam nito.
Napangiti ito at tinapik ang aking pisngi. "Huwag ka nang mag-alala ayos na ang aking kalagayan" wika nito at ngumiti ng matamis. "Ikaw ba'y kumain na?....ikaw ay kumain na batid kong hindi ka pa kumakain" wika nito.
Napangiti ako at tumango nang dahan-dahan tila hindi ko naramdaman ang gutom dahil nabalot ng pangamba ang aking isipan. Sumenyas si ina sa mga kasambahay na maghanda ng hapunan para sa akin at agad namang tumalima ang mga ito.
"Ina, si ama po?" tanong ko habang patuloy na minamasahe ang kaniyang kamay. "Nagtungo siya sa kwartel at kay Don Tolentino nais nitong malaman ang dahilan kung bakit iyon ginawa ni Tolentino" tugon ni ina.
Tila ito ang sinasabi ni Kuya David, tama ang mga hinala nito na maaaring hindi kaayusan ang maidulot ni Don Tolentino kundi kalugmukan. Ipinadakip niya si Kuya David na sa tingin ko'y walang sapat na ebidensiya.
Napatingin ako kay ina nang hawakan nito ang aking kamay. "Magiging maayos din ang lahat, magiging maayos din ang iyong Kuya David....huwag mong alalahanin ang mga bagay na iyon" saad nito at banayad na hinaplos ang aking kamay.
Tila hindi ako mapapanatag kung narito lamang ako sa aming tahanan at hayaan na lamang si ama, nais ko rin malaman ang katotohanan sa likod ng pagdakip kay Kuya David.
PAGPATAK ng alas-sais ng umaga ay bumangon na ako sa aking katre at daling nag-ayos ng aking sarili. Hindi ko magawang ipikit ang aking mga mata kagabi dahil sa nangangamba ako kay Kuya David.
Hindi rin nakauwi kahapon si ama kaya't labis-labis ang aking pangamba. Kagabi'y agaran akong nagsulat ng liham para kay Kuya Samuel hinihiling ko rin na sa lalo't madaling panahon ay makauwi na ito sa Pilipinas nang masuri nito ang nangyari kay Kuya David.
BINABASA MO ANG
Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)
Ficción histórica"Mananatiling ikaw ang paksa ng aking tula kahit mahirap nang ipilit na maibalik ang dating tugma" Hindi lubos akalain ni Solana na mahuhulog ang loob nito sa isang Ginoong halos limang taon ang pagitan ng kanilang edad. Walang araw na sinasayang it...