Kabanata 39
HALOS mapatakip ako sa aking bibig dahil sa pagkabigla, hindi ko na rin napigilan ang pag-agos ng aking luha. Tila pinoproseso ko pa sa aking isipan ang mga nangyayari, dinakip ni Jacinto si Ligaya, dinakip nito ang aming anak.
Napailing-iling ako hahang ang luha ko'y patuloy bumabagsak, hindi ko kakayaning wala si Ligaya sa aking tabi. Naramdaman kong may humawak sa aking balikat ngunit isinawalang bahala ko iyon. Mas nangingibabaw sa akin ngayon ang lumbay at pag-aalala kay Ligaya.
"Manang Luz, sumama ho kayo sa'kin, Solana, Lazaro. Manatili na lamang kayo rito" halos habol hiningang saad ni Kuya David, tila pati siya ay nangangamba nang lubusan sa sinapit ng aking anak. Pinunasan ko ang aking luha at lumapit sa kaniya.
"Kuya David sasama ho ako" pakiusap ko at kumapit sa laylayan ng kaniyang damit. Umiling ito at hinawakan ang aking balikat. "Hindi maaari Solana, maaaring ikaw ay mapahamak, ako na lamang ang babawi kay Ligaya, pinapangako ko iyan saiyo. Makukuha natin si Ligaya" wika nito at ngumiti nang tipid.
Napailing muli ako, tila hindi ako kumbinsido sa nais nito, nais kong sumama sa kaniya dahil ako ang ina ni Ligaya, responsibilidad ko rin na iligtas siya kahit pa buhay ko na ang maging kabayaran.
"Kuya David, pakiusap sasama ako" pakikiusap kong muli, iniling nito ang kaniyang ulo at tinitigan ang aking mga mata.
"Solana huwag nang matigas ang iyong ulo, ako na ang bahala dumito ka na lamang sapagkat ikaw ay ligtas dito, hindi ko na muli batid ang aking gagawin kung mawala ka muli sa amin" wika nito at hinalikan ako sa aking noo.
"Mababawi ko si Ligaya, ipinapangako ko iyan saiyo Solana" saad nito at bumaling kay Lazaro. Tumango ito at naglakad patungo sa pinto, balak ko pa itong sundan nang hawakan ni Lazaro ang aking palapulsuhan. Isang nangangambang tingin ni Manang Luz ang iginawad nito sa'kin bago ito sumunod kay Kuya David.
"Maniwala ka sa iyong kapatid Solana, batid kong magagawa nitong iligtas si Ligaya" mahinahong saad ni Lazaro. Napahinga ako nang malalim habang ang pananakit ng aking dibdib ay naroon pa rin. Halos mapagod na ang aking mga mata kakaiyak, hinihiling ko na lamang na sana'y maubos na ang mga ito nang hindi na ako makaramdam ng pighati.
Nanatili lamang akong tahimik at ang aking hikbi lamang ang maririnig, binitawan ni Lazaro ang aking kamay at nagtungo sa aking harapan. Nangangamba ang mga mata nito habang nakatingin sa akin. Hindi ko na alintana ang pagbuhos ng aking luha dahil sa sakit.
Hindi ko akalaing magagawa sa'kin ito ni Jacinto, batid kong may pagkukulang ako sa kaniya ngunit di-hamak na mas malaki ang kaniya. Bakit kinuha nito sa akin si Ligaya nang ganon kaydali, sa tingin ba nito'y isang uri ng damit si Ligaya? na basta-basta na lamang hihiramin at gagamitin.
"Tumahan kana Solana, magiging maayos din ang lahat, batid kong panghahawakan ni David ang pangako nito saiyo" mahinang saad ni Lazaro at hinaplos ang aking pisngi upang pawiin ang aking luha.
Napahinga muli ako nang malalim at pinunasan ang aking luha. "Nais ko ring maligtas siya Lazaro, ako ang ina ni Ligaya—"
"Tiyo ni Ligaya si David, wala ka bang tiwala saiyong kapatid?" pagputol sa akin ni Lazaro. Hinigit nito ang aking kamay sanhi upang mapalapit ako sa kaniya. Isinandal nito ang aking ulo sa kaniyang dibdib, at naramdaman ko na lamang ang kaniyang kamay na yumakap mula sa aking likuran.
"Maniwala ka Solana, maniwala ka.." mahinahong saad nito, pinakawalan ko muli ang aking luha sa kaniyang dibdib, sa munting yakap ni Lazaro ay tila ba pinaparamdam nito na magiging maayos din ang lahat. Makakapagsimula muli kami ng panibagong yugto, malayo sa pait na aking pinagdaanan.
BINABASA MO ANG
Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)
Ficción histórica"Mananatiling ikaw ang paksa ng aking tula kahit mahirap nang ipilit na maibalik ang dating tugma" Hindi lubos akalain ni Solana na mahuhulog ang loob nito sa isang Ginoong halos limang taon ang pagitan ng kanilang edad. Walang araw na sinasayang it...