Kabanata 25

16 4 0
                                    

Kabanata 25

HINDI magkamayaw sa pagtakbo ang lahat ng naroon sa Plaza De Mayor kabilang na ang mga protestante. Dahil sa naganap na malakas na pagsabog ay halos maalerto ang lahat, iyakan, sigawan at pangamba ang namamayani sa kanilang isipan.

Halos sakupin ng makapal at itim na usok ang buong Plaza, halos masira rin ang mga upuang kahoy at sariwang mga halaman. Ang iba'y nasugatan at iniinda ang tila ba nag-aapoy na kirot  na kanilang nararamdaman.  Walang humpay ang mga tinig ng pagtatangis na animoy isa itong uri ng musika na naglalayong sana ay mapakinggan kahit saglit.

Kaliwa't kanan ang guwardiya sibil sa pagresponda at ang iba'y hindi maiwasang manlumo sa kanilang mga nakikita. Tila ba isa itong delubyo na dumating sa kanilang buhay at hindi batid kung hanggang kailan mananariwa ito sa kanilang isipan.

Sa kabilang banda ay nakahandusay si Lazaro habang pilit na inilalapit ang kaniyang kamay kay Solana. Umaasa ito na maaninag nito ang kaniyang katauhan sa kabila ng makapal na usok na humaharang sa kanilang dalawa.

Tila umaapoy sa kirot ang kaniyang nararamdaman na galos mula sa kaniyang kaliwang braso, sing bagsik ng isang nagbabagang apoy ang kaniyang nararamdaman  na tila ba kahit buhusan ito ng malamig na tubig ay hindi mapapawi ang sakit at hapdi nito.

Pilit nitong inaaninag ang kaniyang mata sa kawalan, nakikita pa niya sa kaniyang mga mata ang mga taong nagtatakbuhan ngunit tila ba manhid na ang kaniyang mga tainga dahil sa wala na itong marinig. Buong pwersa nitong ibinubuka ang kaniyang labi upang isigaw ang pangalan ni Solana ngunit kahit anong gawin nito'y walang tinig ang  lumalabas sa kaniyang bibig.

Unti-unti nang napapagod ang talukap ng kaniyang mga mata na tila ba kailangan niya na ng pahinga. Pilit pa rin nitong nilalakasan ang kaniyang loob na muling makikita ang katauhan ni Solana dahil umaasa ito na hindi dito matatapos ang lahat. Umaasa pa rin ito na mabubuhay si  Solana kahit na kitang-kita nito kung paano sakupin ng pagsabog ang kaniyang katauhan.

Umaasa pa rin ito na hindi sila magkikita sa puno ng mga liwanag bagkus nais niya itong makita sa isang hardin kung saan sila nagsimula. Hindi na nakayanan pa ni Lazaro ang pagbagsak ng mga talukap ng kaniyang mga mata. Hinayaan niyang bumagsak ang mga iyon, ngunit bago pa man tuluyang magsara ang talukap ng kaniyang mga mata ay naaninag nito si David at Samuel kasama ng mga ibang guwardiya sibil  na palapit sa kaniya.


NASA loob ng kwartel sina David at Samuel nang maganap ang malakas na pagsabog. Agad na napatigil sa pag-uusap ang mga ito nang marinig nila iyon. Takang napatayo si  David sa upuan at mabilisang nagtungo sa kaniyang bintana upang silipin ang mga pangyayari.

Mula sa bintana ay kitang-kita nito ang maitim na usok na nagmumula sa  Plaza De Mayor at kasabay non ang mga nagsisigawan at nagtatakbuhang mga tao.  Hindi mawari ni David kung ano ang kaniyang nararamdaman, bigla na lamang itong kinutuban na tila ba may masamang nangyari.

"Kuya David saan ka tutungo?" takang taong ni Samuel nang makita nitong aligaga ang kaniyang kapatid. "Ako'y tutungo sa Plaza, hindi maganda ang aking kutob na nararamdaman" tugon ni David at nagsimulang maglakad palabas ng kanilang opisina.

Agad na sumunod sa kaniya si Samuel at inalalayan ang kaniyang nakatatandang kapatid sa paglalakad. Halos pagpawisan ng malamig si David dahil sa kakaibang tibok ng kaniyang puso, pakiramdam nito'y may nalagay sa panganib.  Samantalang si Samuel ay hindi rin mapigilan ang namamayani nitong  kaba. Inaalala nito ang kalagayan ng kaniyang ama't ina dahil sa hinala nitong nasa tanggapan pa rin silang dalawa.

Nang makarating sila sa Plaza De Mayor ay halos mapaluhod si David sa kaniyang nakita, maraming sugatan na ngayon ay nakaupo na sa gilid at pilit iniinda ang sakit.  Marami na ring nakahandusay sa lupa na tila ba wala ng  buhay ang mga ito.

Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon