Kabanata 37
NANGINGINIG ang aking katawan habang hindi ko mapigilan ang aking paghikbi. Nais kong bumalik sa loob ng aming mansyon ako'y nangangamba nang lubusan para sa kanilang lahat.
"Ina?" niyakap ko nang mahigpit si Ligaya at hindi na maawat ang aking luha na umagos sa kaniyang katawan. "Ina? bakit ka po umiiyak?" mahinang saad muli nito, umiling ako at huminga nang malalim. Sa murang edad ni Ligaya ay nasasaksihan nito ang ganitong klaseng kaganapan.
Hindi dapat nito nasisilayan ang kapangahasan at kasinungalingan. Hindi ko maaaring sirain ang larawan ng kaniyang ama dahil hindi nito nababatid ang tunay na mga pangyayari.
Sa huling pagkakataon ay bumaling muli ako sa aming mansyon habang patuloy na naninikip ang aking dibdib. Mabigat ang aking mga paang humakbang palayo rito, kahit labag ito sa aking kalooban.
Masyado nang namumulat si Ligaya sa mga nangyayaring kapangahasan. Hinihiling ko na lamang na sa hinaharap ay makaligtaan nito ang mapait na kaganapan ngayon.
Habol-habol ko ang aking hininga nang sinalubong ako ni Mang Nestor, sumusunod na rin sa kaniya si Manang Luz. "Señora, tayo'y humayo na!" nag-aalalang saad ni Mang Nestor.
Halos sobrang dilim sa kapaligiran tanging ang mga bituin sa langit lamang ang nagsisilbing liwanag. Paunti-paunti rin ang ambon na tumatama sa aking balat, mukhang nakikiayon ito sa mapait naming kinasasangkutan.
Ibinigay ko si Ligaya kay Manang Luz at hinalikan ito sa kaniyang noo. "Manang Luz isama niyo na ho si Ligaya sainyong pag-alis" saad ko. Umiling ito at hinawakan nang mahigpit ang aking palapulsuhan.
"Hindi, sumama ka na sa'min, bilin ito sa akin ng iyong kuya David. Huwag nang matigas ang iyong ulo" mariing saad nito. Napatingin ako sa kaniyang mga mata at patuloy ang pagbagsak ng aking luha.
"Hindi ibig muli ng iyong ama't ina na ikaw ay mawala sa kanilang buhay" patuloy nito. Mariin ako nitong tinitigan sa aking mga mata at punong-puno nang pagsusumamo ang mga iyon. Tila may iba itong pinapahiwatig sa'kin na hindi ko maintinidihan.
Hinaplos nito ang aking kamay at pinasampa sa karwahe. Sumakay na rin si Mang Nestor habang pumanhik na rin si Manang Luz, yumakap sa aking bisig si Ligaya kaya't kinuha ko ito kay Manang Luz at isinandal sa aking dibdib.
Tila lumilipad ang aking isipan sa mga pangyayari tila ako'y nalalapit na sa sukdulan ng katotohanan. Napatingin ako kay Manang Luz nang haplusin nito ang aking kamay, pumintig ang aking puso nang titigan nito ako sa aking mga mata.
Hindi ko maunawaan ang aking puso kung bakit ganito na lamang kung pumintig ito. Ang tagal ko nang nakakasama sa aming tahanan si Manang Luz ngunit bakit ngayon lamang ako kinabahan.
"Hanggang ngayon ay hinihintay ka pa rin ng iyong ama't ina" saad nito at tipid na ngumiti, pumatak ang aking luha at mas lalong tinitigan ito sa aking mga mata. Bakit tila siya'y may nalalaman sa aking nakaraan, bakit hindi ko man lang naramdaman ang kakaibang pintig ng aking puso sa tuwing siya'y aking nakakausap.
"Patawarin mo ako Solana, nais ko nang sabihin saiyo ang iyong nakaraan ngunit.." napatigil ito at huminga nang malalim. "Ngunit ako'y naunahan ng takot.." dagdag nito at tumingin sa aking mga mata.
"Ngunit ngayo'y ako'y hindi na natatakot sapagkat batid kong nalalapit ka na rin sa katotohanan.." saad nito. Hinaplos ko ang aking luhang dumagsa sa aking pisngi at napaiwas ng tingin, huminga ako nang malalim at niyakap nang mas mahigpit si Ligaya.
"A-ano ho ang inyong nalalaman tungkol sa akin..?" walang buhay kong tanong. Ngumiti ako nang tipid at muling tinitigan ito sa kaniyang mga mata. "Manang Luz S-sino ho kayo, nababatid niyo ho ang ugnayan naming dalawa ni Kuya David" saad ko at huminga nang malalim.
BINABASA MO ANG
Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)
Historical Fiction"Mananatiling ikaw ang paksa ng aking tula kahit mahirap nang ipilit na maibalik ang dating tugma" Hindi lubos akalain ni Solana na mahuhulog ang loob nito sa isang Ginoong halos limang taon ang pagitan ng kanilang edad. Walang araw na sinasayang it...