Kabanata 22

10 4 0
                                    

Kabanata 22

HALOS nanlaki ang aking mga mata nang marinig iyon. Napahigpit ang kapit ko sa kamay nina ama't ina, gulat ding napatingin si Kuya David sa kabilang panig. Napalingon ako sa panig nina Don Tolentino at tahimik lamang sila habang nakatingin sa harapan. Napalingon ako kay Lazaro at kitang-kita ko ang pag-igting ng panga nito.

Ilang sandali pa'y lumukas ang bulung-bulungan nang lumabas sa hukuman ang isang babae na ang hinala ko'y labingsiyam na ito. Kayumanggi ang balat nito at kulot ang kaniyang buhok, bilugan din ang kaniyang mga mata . Halos hindi maalis ang titig ng lahat sa kaniya, umupo ito sa upuan sa harapan.

"Siya si Amor Dela Paz, ang isa sa mga anak ng biktimang walang awang nilapastangan ng nasasakdal" saad ng kabilang panig at humarap ito sa nagngangalang Amor. "Maaari mo bang isalaysay ang buong pangyayari, at ano ang ginawa nila sa inyong pamilya?" wika nito.

Nanginginig ang mga labi ni Amor na tumango, napapikit ito nang mariin at nang iminulat nito ang kaniyang mga mata ay tumakas ang ilang mga luha nito. "Nagtungo si itay sa tanggapan....nais lamang ipamungkahi ni itay ang patungkol sa pagbabawas ng buwis na  kanilang binabayaran kada tatlong buwan dahil sa mahina ang kita nito sa pagsasaka....ngunit nanlumo kami nang hindi na ito umuwi sa aming tahanan" namamaos na sambit ng testigo.

Napahinga ito nang malalim at mas lalong lumakas ang mga hikbi nito. "Nang gabing yaon, nanlumo kami dahil sa takot dahil bigla na lamang may limang kalalakihan ang nagtungo sa amin. Walang awa nilang pinagbubogbog ang aking nakatatandang kapatid na lalaki, h-habang n-niyurakan ang aming dignidad ng aking kapatid na babae....pinagsamantalahan nila ako at aking kapatid at nilapastanganan nila ang aming ina.." nanlulumong saad nito.

Halos manginig ang aking kamay at mangilid ang luha ko dahil sa kaniyang salaysay.  Naramdaman kong hinigit ni ama ang aking ulo at isinandal iyon sa kaniyang dibdib. Napalingon ako kay Kuya Samuel na ngayon ay kasalukuyan nang nakaupo habang kinikilatis ang testimonya ng testigo.

Napalingon ako kay Kuya David at bakas ang pangamba nito sa kaniyang mukha habang nakatingin sa akin. Iginala ko muli ang aking mga mata ngunit hindi ko mahagilap si Lazaro.

Napatikhim ang abodago ng kabilang panig. "Iyo bang nakilala ang limang nanloob sa inyo?" tanong nito habang palakad-lakad sa harapan. Dahan-dahang tumango si Amor. "H-hindi po ako nagkakamali na ang isa sa kanilang lima ay si......H-heneral  David Delos Santos" halos lumakas ang bulung-bulungan ng mga tao at halos mapasubsob ako sa dibdib ni ama dahil sa aking narinig.

Paulit na iniiling ni Kuya David ang ulo nito at takang napatingin sa kabilang panig. Nakita ko kung paano tumaas ang dalawang sulok ng labi ni Don  Tolentino. "Sa mga naririto ngayon, malinaw na malinaw ang sinabi ng testigo na ang nasasakdal ay ang siyang lumapastangan sa kanilang pamilya" malakas na sigaw ng kabilang panig.

Lumakas ang mga bulung-bulungan ng madla. Habang ang lahat ay hindi makapaniwala, halos manlamig ang aking buong katawan. Hindi ko lubos  pinaniniwalaan kung ano sinasalysay ng testigo, hindi iyon magagawa ni Kuya David.

Ilang sandali pa'y natahimik ang lahat, kalmado lamang si Kuya Samuel habang nakatingin sa kabilang panig. Tumikhim ang punong hukom. "Malinaw na malinaw ang sinabi ng kabilang panig na ang nasasakdal na si David Delos  Santos ay nagkasala kaya't maaari itong mah—"

Hindi naituloy ang sasabihin ng tagahukom nang may batang babaeng tumatakbo sa gitna ng hukuman napatayo ako at halos manlaki ang aking mga mata nang makita ang pamilyar na batang babaeng aking nakita kanina.

"Sino ang batang iyan?" tanong ng tagahukom,  nagulat ang lahat nang maglakad sa kaniyang likod si Lazaro. "Mawalang galang na ngunit, nais ko rin na pakinggan ninyo ang nais imungkahi ng batang ito!" kalmadong saad nito at dinala ang bata sa harapan.

Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon