Kabanata 24

14 4 0
                                    

Kabanata 24

"MANANATILING ikaw pa rin ang paborito kong tula kahit hindi na tayo tugma"

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin kay Lazaro.  Hindi ako sanay na naririnig ang mga mabubulaklak nitong salita sa akin.  Tila napako ang aking sarili sa kawalan, nangungusap ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin.

"Nariyan pala kayo" napaiwas kami ng tingin sa isa't isa nang marinig namin ang tinig ni Kuya David, papalapit sila sa aming kinaroroonan habang nasa likod si Kuya Samuel. Tipid na ngumiti ako sa kanila.

"Ano ba ang pinag-uusapan natin" panimula ni Kuya David at tinapik ang balikat ni Lazaro. Napalingon sa kaniya si Lazaro at sandaling tumingin sa akin. "Wala naman kaming mahalagang pinag-uusapan" wika nito at ibinaling ang tingin sa harapan.

Napatango-tango si Kuya David at napatingin sa akin. "Akala ko kanina ay matutulog kana Solana dahil sa pumanhik ka sa iyong silid" wika nito. Napangiti ako ng matamis. "Hindi ako maaaring matulog hanggat mayroong panauhin sa ating tahanan" malambing kong saad.

"Mabuti iyan Solana, kahit na malaki kana ay hindi mo pa rin nakakaligtaan ang habilin ni ama" wika ni Kuya David at tinapik ang aking ulo. Napabaling ako sa kaniya at bahagyang ngumiti. "Sa ating tatlo ay si Solana talaga ang may pinakamatalas na memorya " singit muli nito.

Napangiti si Kuya Samuel.  "Matalas pa ang kaniyang memorya dahil siya'y bata pa lamang hindi katulad sa atin na tumatanda na" pabirong saad ni Kuya Samuel dahilan upang kami'y tumawa nang marahan.

"Kahit na tayo'y tumatanda, hindi pa rin tayo nilalayuan ng ating nakahahalinang tindig..
.hindi ba Lazaro?" pabirong saad ni Kuya David at napatingin kay Lazaro. Bahagyang napatingin sa kaniya si Lazaro at binaling ang tingin sa akin bago tumango.

Pinaningkitan ko ito ng aking mga mata, tila ang ibig ipahiwatig ba nito ay sumasang-ayon ito sa sinambit ni Kuya David, dahil sa halos limang taon ang tanda nito sa akin. Isang  patunay ang aking nararamdaman sa kaniya dahil sa kahit lumalakad pataas ang kanilang edad mababakas pa rin ang katotohanang nahulog ako sa kaniya kahit pa kaedad nito si Kuya David.

"Nga pala, kailan ang balik ng iyong kapatid?" tanong ni Kuya David. Napabaling sa kaniya si Lazaro. Napahinga nang malalim si Lazaro "Sa susunod na linggo ang saad niya sa huli niyang liham," tugon niya at nakita kong bumaling siya kay Kuya Samuel at napaiwas naman ng tingin si kuya Samuel.

Napangisi si Kuya David. "Mukhang may mawawala sa mga araw na iyon." saad niya at pabirong tumingin kay Kuya Samuel. Napakibit-balikat na lamang si Lazaro at ngumiti.

"Solana baka may iba ka pang matalik na kaibigan ipakilala mo na sa iyong Kuya Samuel at makalimot naman siya kahit papaano sa una niyang pag-ibig na kapatid ni Lazaro," patuloy ulit ni kuya David at ngumiti nang malapad.

Napaiwas na lang ng tingin si Kuya Samuel at piniling hindi tumugon sa mga asar ni kuya David. "Kuya David tama na, hindi natin maaaring diktahan ang nararamdaman ni Kuya Samuel. At isa pa maaari pa naman silang magkatuluyan," wika ko at umaklay sa braso ni Kuya Samuel.

"M-mauuna na akong pumanhik sa taas," biglang paalam ni Kuya Samuel at naglakad paalis. Pinagmasdan ko na lamang siya habang papalayo siyang naglalakad.

Tumingin ako nang masama kay kuya David. "Ikaw kase Kuya David, binabalik mo pa ang nakaraan," wika ko ngunit napangiti lang si kuya David. "Binibiro ko lang naman si Samuel, hindi ko naman batid na hindi pa pala siya nakalilimot," wika niya at tinapik ang balikat ni Lazaro.

"Kung sa korte ay nagawa niya akong ipaglaban ngunit sa pag-ibig ay hindi niya kaya. Tinamaan talaga si Samuel sa kapatid mo Lazaro," wika niya at tumawa nang marahan.

Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon