Kabanata 11
SERYOSONG mga tingin ang kanilang ginagawad sa isa't isa, tila ba wala sa kanilang dalawa ang gustong pumutol ng mga koneksiyong iyon. Napatingin ako sa kamay ni Lazaro na mahigpit na nakakapit sa aking palapulsuhan. Binalingan ko ito ng tingin, ngunit hindi ito matinag dahil sa nakapako lamang ang tingin nito kay Jacinto.
Tumikhim ako, kapwa silang napatingin sa akin, lakas loob kong kinakalas ang kanilang kamay mula sa pagkakahawak sa akin. Kusang pinakawalan ni Jacinto ang aking kamay at nagsusumamong napatingin sa akin.
Nagitla ako nang bigla akong hilahin ni Lazaro patungo sa kaniyang likuran habang patuloy pa ring hawak ang aking palapulsuhan. "P-paumanhin kung ako'y padalos-dalos sa aking mga ginawa....Binibining Solana, ikinalulugod kung ikaw ay aking masilayang muli.." nangungusap na saad nito habang nakatingin sa akin.
Ngumiti ako ng tipid at tumango upang matapos na ang tensyong namamagitan dito sa labas ng resto. Mistulang isa kaming mga sikat na artista na gumagawa ng serye. Tumingin si Jacinto kay Lazaro at bahagya itong yumuko.
"Paumanhin sa aking nagawang kapangahasan" saad nito kay Lazaro. Tumango nang marahan si Lazaro, iyon na rin ang naging hudyat nito upang umalis, ngunit bago ito umalis ay binalingan muli ito ako ng tingin.
Nang makaalis ito'y binalingan ako ng tingin ni Lazaro, ang kaninang seryoso nitong tingin ay napalitan ng kalmado. "Ginoong Lazaro ang akala ho ba'y kapangahasan ang humawak sa kamay ng isang binibini, ngunit bakit hanggang ngayon ay iyo pa ring haw-"
Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin nang bigla nitong bitawan ang pagkakahawak ng kaniyang kamay sa aking palapulsuhan. Napangiti ako ng palihim, tumikhim ito at umiwas ng tingin.
Ibig sabihin ba non ay kung aking hindi pa sasabihin sa kaniya na hawak nito ang aking kamay ay wala itong balak kumalas?
"Ano ang iyong ginagawa rito?" napalingon ako sa kaniya nang magtanong ito, "Kakain sana kami rito ni Kuya David ngunit pinaunlakan siya ng imbitasyon ni ama sa bayan" tugon ko. Tumango-tango ito "K-kumusta ang iyong kalagayan?" napataas ang aking dalawang kilay dahil sa tanong nito. Hindi ako makapaniwala na kinakumusta na rin nito ang aking kalagayan.
Napangiti ako. "Mabuti na ang aking kalagayan Ginoong Lazaro, salamat sa iyong mga hinandog na prutas at r-rosas" saad ko at ngumiti ng matamis. Umiwas ito ng tingin sa akin at ibinaling ang kaniyang mga mata sa kaliwang dereksiyon. Dahil sa kaniyang ginawa ay malaking porsyentong totoo nga ang sinabi ni Kuya David na siya ang naghandog ng mga prutas na iyon.
"Ang saad ng iyong Kuya David ay masama ang iyong pakiramdam....kaya't nagtanong ako kay Eliana kung anong magandang....ihandog sa taong may sakit" wika nito habang hindi nakatingin sa akin. Napasilay muli ako ng aking ngiti hindi ko akalain na magagawa pa nitong magtanong upang mahandugan lamang ako.
Bahagya akong sumilip sa kaniyang mukha, napabagsak ang aking balikat nang makitang wala itong kahit anong reaksiyon. Aking hinala pa naman na mukha itong mahihiya sa akin, ngunit malabo itong mangyari.
"Bumuti ang aking kalagayan dahil sa iyong mga handog, Ginoong Lazaro" wika ko. Tumingin ito sa akin, ngunit nayamot ako ng bahagya dahil wala itong reaksiyon. "Mas makabubuti pa rin kung ikaw ay uminom ng gamot" wika nito. Ngumiti ako sa kaniya at iniwas ang aking tingin. Ano pang halaga ng gamot kung masilayan ka lamang ay bigla nang nagiging maayos ang aking kalagayan.
"Hindi ko na kailangan ng gamot Ginoong Lazaro dahil......masilayan lamang kita'y humihilom na ang sakit na aking nararamdaman" wika ko at sumilay ng ngiti sa kaniya. Mas lalo akong napangiti nang malapad nang wala itong reaksiyong nakatingin sa akin, hindi ko tuloy mabatid kung naibigan ba nito o hindi ang aking banat para sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)
Ficção Histórica"Mananatiling ikaw ang paksa ng aking tula kahit mahirap nang ipilit na maibalik ang dating tugma" Hindi lubos akalain ni Solana na mahuhulog ang loob nito sa isang Ginoong halos limang taon ang pagitan ng kanilang edad. Walang araw na sinasayang it...