Kabanata 29
HALOS mapuno ng lumbay ang tinig nito, ramdam ko ang pananabik at sayang namumutawi sa kaniya. Subalit hindi ako ang Solana'ng kaniyang tinutukoy. Napapikit ako nang mariin at buong pwersang tinulak palayo ang lalaking humagkan sa'kin.
"Hindi ko batid kung ano ang iyong sinasabi.." mariing saad ko, bakas sa kanilang mukha ang pagtataka dahil sa aking sinambit. Nakaawang ang kanilang labi na tila ba hirap nila akong unawain.
"Ano ba ang iyong tinuturan Solana, ako ito ang iyong Kuya David.." may bahid ng pag-asang saad nito. Kumunot ang aking noo at pinagmasdan ito sa kaniyang mata, umiling ako at dahan-dahang humakbang paatras.
"Pasensiya ngunit hindi ko kayo kilala at.....wala akong kilalang David na ang aking kapatid" saad ko at sinimulang ihakbang ang aking paa paalis. Hindi ko maintinidihan kung bakit ganoon na lamang ang pako ng tingin nila sa'kin, tila lahat ng kanilang binabanggit ay tumatagos sa aking puso.
Napahawak ako sa aking dibdib, bumibilis ang tibok nito na wari'y ako'y nasa paligsahan. Napalingon muli ako sa kanila, hindi pa rin nawawala ang mapanuri at pagkadismaya nilang titig sa akin. Ibinalik ko ang tingin sa harapan, may parte sa aking damdamin na nalulumbay ako dahil nasilayan ko sa kanilang mga mata ang pananabik nung ako'y kanilang makita. Ngunit hindi ako ang Solana'ng kanilang hinahanap.
Nagitla ako nang may humawak sa aking kamay at sapilitan akong pinaharap, halos madikit ang aking katawan sa kaniya at agad na nagtama ang aming mga mata. Nanlaki ang aking mga mata sa ginawa nito, tulad ng aking naramdaman kanina ay muli na namang nagsitaasan ang balahibo sa aking katawan at mas dumagundong ang tibok ng puso ko.
Nakakatitig ito sa akin na wari'y sinusuri nito ang aking buong mukha, kitang-kita ko ang bahagyang pag-igting ng kaniyang panga habang tinitigan ako nang mariin. "Ikaw si Solana.....hindi kami maaaring magkamali" maotoridad na saad nito.
Napahinga ako nang malalim at sapilitang binawi ang aking kamay at lumayo nang kaunti. "Tama ka Ginoo, ang ngalan ko'y Solana ngunit hindi ako ang Solana'ng inyong hinahanap" saad ko at muling naglakad paalis. Naramdaman ko ang munting yapak nito na sumusunod sa akin.
"Kung hindi ikaw ang Solana'ng aming hinahanap, Sino ka?!" mariin nitong saad. Napatigil ako, mas makabubuti kung ihaharap ko sa kaniya ang aking cedula nang hindi na ito pilit na magtanong sa akin.
Napabuntong hininga ako nang mapagtanto ko na hindi ko dala ang aking cedula. Napabaling ako sa kaniya, halos isang metro ang lapit nito sa akin. Naglalakad papalapit sa amin ang lalaking yumakap sa akin nang mahigpit kanina.
Napatikhim ako at pinagmasdan ang lalaking nasa aking harapan, tila nalulusaw ako sa kakaiba nitong tingin sa akin. "Ako si Solana Aragones, at matagal na akong naninirahan dito" wika ko.
"Saan ang iyong tirahan?" tanong nito. Napailing ako, "Aking hindi babanggitin ang tungkol doon dahil hindi ko batid kung kayo'y mapagkakatiwalaan" tugon ko.
Napatigil ang isang lalaki sa aming dalawa habang may bahid pa rin ng pananabik sa kaniyang mga mata. "Matagal ka na bang naninirahan dito sa Europa? Tila ikaw ay bihasa sa wikang tagalog hindi malabo na ikaw ay may dugong Pilipino" hirit nito.
Tila inuugnay nila ako sa Solana'ng kanilang kilala, ano ang aking nalalaman tungkol sa kaniya? at pilit nila kaming inuugnay na dalawa. Kung paano ako titigan ng nagngangalang Susmitha sa ospital ay kawangis kung paano ako nila titigan ngayon.
"Matagal na kaming naninirahan dito, oo tama ka Ginoo ako'y may dugong Pilipino kaya't ako'y bihasa sa wikang tagalog" tugon ko at napangiti ng tipid. Akmang ako'y aalis na nang magsalita muli ito.
"Ang ngalan ko'y Lazaro at siya ay si David" wika nito habang nakatingin sa akin. Sandali akong napatitig sa kanilang dalawa. Ang pangalang Lazaro at David ay pamilyar para sa akin, hindi ako nagkakamali dahil ito ang dalawang pangalang aking nabasa sa liham.
BINABASA MO ANG
Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)
Ficção Histórica"Mananatiling ikaw ang paksa ng aking tula kahit mahirap nang ipilit na maibalik ang dating tugma" Hindi lubos akalain ni Solana na mahuhulog ang loob nito sa isang Ginoong halos limang taon ang pagitan ng kanilang edad. Walang araw na sinasayang it...