CHAPTER 11

20 3 0
                                    

YOU DARE ME


"Aray ko, ba't namimitik at nangmumura 'yon?" inis kong tanong sa aking sarili habang dinadamdam ang pinitikan n'ya. "Haysst! Baliw talaga," dagdag ko pa habang pinagmamasdan ang papalayong si Zach na 'di man lang ako pinukulan ng huling tingin bago tumalikod.

Nabaling na lang ang atensyon ko kay Ate Pearl na kanina pa kapuputak pero hindi ko naiintindihan.

"Po?"

"Kanina pa ako bunganga nang bunganga dito 'di mo pala ako iniintindi? Sino ba ang tinitignan mo–"

"Ay, wala– Aray ko!" I winched in pain when I felt a sting in the back of my waist as I tried to stand up. Gusto ko lang maagaw ang atensyon nila dahil baka mahuli nila akong sinusundan ng tingin si Zach. Baka kung anong isipin ng mga ito. Shuta, nabali ata buto ko sa likod. Ikaw ba naman mahulog ng walang sumasalo? Ano, hindi masakit?

"Oh! Crisha, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito sa'kin at tinulungan akong tumayo.

"Ayos lang po ako, ate– Ah! Aw!" daing ko sa huli ng maramdaman ko ang kirot sa aking bandang baywang.

"Naku! D'yos kong bata ka, ba't 'di ka kasi nag-iingat?" sermon sa akin ni Ate Pearl. Nasa tabi nito si ate Honey na nag-aalalang nakatingin sa'kin. Patuloy pa rin akong pinagtitipunan ng mga tao sa loob ng function hall, nakikiusisa.

"Sorry po," paghihingi ko ng paumanhin habang nakahawak sa aking baywang.

"Hala, bueno, pumaroon tayo sa clinic ng matignan niyang likod mo. Baka kung napano na iyan," saad ni Ate Pearl. "Kayo? Anong pang ginagawa niyo dito? Tapos na po ang palabas, mag-si-balik na kayo sa dati niyong gawain. Hala, balik," pagtataboy ni Ate Honey sa mga usisero at usisera.

"Ayos lang po ako, ate. May konting kirot po pero hindi ko naman po masyadong alintana. Salamat sa kutson na sumalo sa'kin," sagot ko ng balingan na ako ni Ate Honey matapos pabalikin ang mga tao sa mga gawain nito. "Akala ko kaya siya tumatakbo dahil siya ang sasalo, 'yon pala 'yong kutson niyang dala. Haysst," pabulong 'yong panghuli kong sinabi. "Magpapamasahe  na lang po ako mamaya," dagdag ko.

"Anong mamaya? Pa'no kung may bali 'yang likod mo?" Si ate Honey naman ang sume-sermon sa'kin.

"Ayos lang po talaga ako, mga ate. Malayo po ito sa bituka– Aww!" Bigla na lang akong napahiyaw dahil sa kirot nang hatawin ng hampas ni Ate Honey ang may parteng baywang ko.

"Honey!/ Ate naman," magkasabay naming saad ni Ate Perla. "Masakit po," nakanguso kong saad habang inilalayo kay Ate Honey ang baywang ko. Mukha kasing hahambalusin niya pa ito. Bayolente yarn?

"Tsk." Pare-pareho kaming napabaling nina ate Perla ng mag-tsk na tila nauuyam itong si Zach na nasa aming gilid. Kanina pa ba ito dito? Ba't 'di ko siya naramdaman? Akala ko ba umalis s'ya? Bakit nandito 'to?

"What?" tanong sa'min ng lalaki dahil pare-pareho kaming nakatingin sa kanya ngunit 'di tulad kong galit na nakabaling sa kanya. Palihim ko pa itong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Ang kapal talaga ng apog nito, ba't 'di pa 'to nagbibihis? Kita ng basang-basa na siya ng pawis. Tingin mo kina-gwapo mo 'yan? Pwes, oo esti hindi.

"What?" ulit niya pa ng nakatingin na lang sa akin.

Galit ako sa kanya. Kung hindi siya pumasok ng naka-sandong puti na hapit na hapit sa kanya at pawis na pawis, hindi ako mawawala sa wisyo at mahuhulog. Kasalan niya 'to.

"Why do you look at me like that?" walang emosyong tanong nito sa'kin. Inirapan ko lang ito at tinalikuran ng tingin.

"Bakit tila galit ka kay Zach, Crisha? Inano ka niya?" Natatawang tanong ni Ate Perla sa akin nang balingan ko sila. Muli kong tinignan si Zach sa aking tabi at inirapan. Naiinis ako sa kanya. "H-hindi po. Wala po," sagot ko habang nakatingin sa sahig. Bakit pakiramdam ko alam nila?

Acute Nostalgia Where stories live. Discover now