CHAPTER 32

17 1 0
                                    

LETHAL PAIN



"Crisha! Zach!" tuwang-tuwa tawag sa amin ni Ate Honey. Sinalubong ako ng yakap nang mapagpasiyahan namin ni Zach na bumisita sa shelter.

"Kumusta? Ba't kayo napadpad dito?" tanong ni Ate Perla sa amin.

"Ayos naman po kami. Napagdesisyunan lang po namin na bisitahin kayo dahil matagal-tagal na rin po 'yong huli nating pagkikita. Nakaka-miss lang," nangiti kong wika. Pinapasok kami sa loob at naghain sila ng makakain sa amin. Binati rin kami ng ilang trabahante, ganoon din ng mga bata.

Kaming dalawa lang ni ate Honey ang nag-uusap dahil abala si Ate Perla sa mga bata, samantalang nakikinig lamang si Zach sa aking tabi.

Matapos ang pinagsaluhan naming mainit na halik ni Zach noong gabing iyon ay hinatid na niya agad ako sa aking dorm. Pareho kaming nabigla at nagpadala sa bugso ng damdamin. Buti na lang at pareho kaming nakapagpigil at nabalik sa wisyo ang aming mga utak. Subalit, ang kaganapang iyon ay nagdulot sa amin ng pagbabago. Mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa. This our first time meeting after that kiss. Kaya medyo awkward kami sa isa't isa.

"Anong pinagkaaabalahan mo ngayon, Crisha?" tanong sa akin ni Ate Honey.

"Nagtatrabaho po ako sa isang lomihan since wala naman na po kaming pasok-"

"I will help Ate Perla in assisting kids." Nahinto ako sa pagsasalita nang lumapit sa akin si Zach at bumulong sa aking tainga. Napatingin sa amin si ate Honey. Tumango lang ako bilang tugon. Pagkatapos ay tumayo siya upang tulungan si Ate Perla sa pag-asikaso sa mga bata na makukulit.

Pagharap ko kay Ate Honey ay may isang nakakalokong ngiti sa kanyang mukha.

"Bakit po?" panggugulumihan ko dito.

"Ilang buwan lang ang nakalipas parang may nagbago sa inyong dalawa ni Zach, ah," panunukso nito. Umiwas ako ng tingin at nahihiyang ngumiti.

"Oy, ba't nangingiti ka dyan? Kumusta kayo? Anong status ninyo?" Sinundot ako nito sa tagiliran pagkatapos ay tinukso-tukso pa ako.

"Ate!" pigil ko dito dahil nakikiliti ako. Tumawa ito at patuloy akong tinukso. Makalipas ang ilang minuto ay dinaluhan na rin namin sina Ate Perla at tinulungan.

Nakipaglaro kami sa mga bata pagkatapos ay pinaliguan namin ang mga nakakabata sa mga ito. Tinuruan din namin itong magbasa at magsulat na siyang ikinatuwa ng mga bata. Nang magtanghalian ay pumunta na kami sa hapag-kainan. Lahat kami'y nakaupo sa kanya-kanya naming upuan. Katabi ko si Zach na abala sa pag-aasikaso sa mga bata. Nilagyan namin ng kanin at ulam ang mga plato ng mga bata, bago ang sarili naming mga pinggan.

Naglalagay ako ng pagkain sa pinggan ng batang aking katabi nang bulungan ako ni Zach. "Ako na diyan. Kumain ka na rin."

Humarap ako dito at tumango. Inagaw niya sa akin ang hawak kong kanin at siya na ang naglagay sa bata, sumunod ay sa akin. Naramdaman ko ang nakakalokong mga tingin ni Ate Honey sa amin. Nang harapin ko ito ay gayon na lamang ang lawak ng ngiti nito sa kanyang labi. Agad akong yumuko at nag-init ang aking pisngi.

Sugpo at ginataang alimango ang aking ulam kaya't lahat kami'y nakakamay. Bukod pa dito ay may ginisang ampalaya rin sa hapag-kainan. Abala ako sa paghihimay sa apat na taong gulang na babae sa aking tabi dahil hindi ito marunong, habang abala rin si Zach na himayan ang bata sa kanyang kaliwang tabi pati na rin sa akin.

"'Wag muna akong himayan. Kumain ka na diyan," bulong ko dito dahil patuloy pa rin ito sa paghimay sa amin.

"I am already eating," rinig kong sagot nito.

"Grabe ang langgam dito sa hapag-kainan," pagpaparinig ni ate Honey. Nang pukulan ko ito ng tingin ay isang nakakalokong ngiti ang naka-plaster sa kanyang mukha. Siniko siya ni Ate Perla kaya napasimangot ito.

Acute Nostalgia Where stories live. Discover now