CHAPTER 28

13 2 0
                                    

FIRST FIGHT WITH LABEL



They say, love wouldn't be complete if there is no quarrel. Quarrels, carloads of fights, struggles and obstacles is just a thrill to make the relationship last stronger and longer.

Kung walang away, walang suyuan na magaganap. Kung walang suyuan na magaganap, walang lambingan na mangyayari. Kaya heto ako ngayon, matapos kong mag-take ng exam ay dumiretso ako palengke at namili ng mga rekados para sa gagawing cookies. Makikisuyo na lang ako kay Madam na isalang ang aking i-be-bake na cookies para sa aking nagtampong boyfriend, dahil may oven si Madam. Mabait naman si Madam, kailangan mo lang siyang chismisan.

Matapos kong mamalengke ay agad kong tinungo ang aking dorm para simulan na ang pag-bi-bake. May background naman ako sa pag-bi-bake. When I was in grade 9 and 10, I took Cookery as my TLE subject. Kaya kahit papaano ay maalam rin ako sa pag-bake at pagluto. Idagdag mo pa na nandiyan parati si pareng YouTube at mareng Google para tulungan at turuan ako kung paano mag-bake ng cookies.

Mabuti na lang talaga at isang Elective subject lang ang ti-nake namin ngayon, dahil kung hindi, baka hindi ako naka-bake– props sa pagsusuyo sa nagalit kong jowa. Grabe! I didn't think or grasp in the future that I will coax someone like this. Cooking or baking to make up on someone. It just, I didn't see it coming. It is indeed love will make you a different person.

Halos tatlumpong minuto rin akong naghalo at nagtakal ng mga ingredients. Hiniram ko lang nga kay Madam ang mga gamit dahil nalaman ko na mahilig siyang mag-bake kaya naisip ko agad na may mga gamit siyang pang-bake. Noong una'y, hindi ako nito pinapahiram ngunit ng ikuwento ko sa kanya ang hindi namin pagkaka-unawaan ni Zach, ay pinahiram niya na ito sa akin at pinayagan akong magsalang sa oven niyang binili pa daw sa ibang bansa.

Sumatotal, halos isang oras din ang ginugol ko sa pag-bi-bake. Matapos kong lutuin ito ay tinikman ko ito at ipinatikim rin kay Madam. Halos mapalakpak ako sa tuwa dahil saktong-sakto lang ang tamis. Inilagay ko ito sa ibinili kong lalagyan at inilagay sa paper bag. Dadalhin ko kasi ito ngayon kay Zach. Dadayuhin ko siya sa pinag-de-demo-han niyang eskwelahan.

Binigyan ko rin si Madam. Madilim ako nitong tinignan bago umalis dahil bakit daw masarap ang pagkakaluto ko e ngayon lang naman daw ako natuto. Sabi ko na lang sa kanya, ganoon talaga pag-alagang YouTube.

Nakapag-aral naman na ako para sa mga darating pang final exam, scanning at pag-re-refresh na lang ang gagawin ko kaya malaya akong makakapunta kay Zach. Isa lang sa ikinakabahala ko dahil hindi maalam sa daan. Nasabi sa akin ni Zach kung saan siya mag-de-demo ngunit hindi ko alam kung papaano pupunta doon.

Sa huli'y napagdesisyunan ko munang magtanong kay Madam na abalang magkape habang kinakain ang cookies na gawa ko. Nagulat pa ito noong una dahil nahuli ko siyang nilalasap niya talaga ang cookies dahil napapapikit pa ito habang kumakagat sa cookies.

Tinanong ko sa kanya kong ano ba ang puwedeng sakyan at kung saan ang daan papuntang Manuel Ganza High School, ang eskwelahan kung saan naroroon si Zach. Sinabi niya ito sa akin kaya't laking pasasalamat ko rito.

Buti na lang kahit medyo hindi ako matandain sa daan ay narating ko ang eskwelahan. Halos dalawang oras ang biyahe papunta roon. Nalugmok ako kakakuwenta sa aking isip dahil sa bigat ng pamasaheng nagastos ko. Okay lang 'yan! Mahal mo naman e.

Kahit tila nangangalit ang sikat ng araw dahil sa tindi ng init nito, hawak paper bag at ang payong  na hiniram ko kay Madam dahil nasira na ang payong kong pinaka-iingatan, ay malapad akong ngumiti papasok sa gate.

"Sino pong sadya nila?" tanong sa akin ng guard. Ngumiti ako sa guard at nagsalita, "Magandang araw po, sadya ko po 'yong isa sa mga student teacher galing sa International State University of the Philippine," pagtutukoy ko sa aming eskwelahan.

Acute Nostalgia Where stories live. Discover now