CHAPTER 16

12 3 0
                                    

I DIDN'T KNOW YOU


"Zach," banggit ko sa pangalan niya. Kahit na madilim at hindi ko naaninag ang mukha ay siguradong-sigurado ako na siya ito.

"Hmm?"

Ngumiti ako kahit hindi niya kita. "Ikaw nga–" Napahinto ako sa pagsasalita nang marinig ang yabag ng sumusunod sa akin. Napasiksik ako kay Zach habang nakatingin sa pinanggalingan ko kahit wala naman akong nakikita.

"Hey! What's wrong?" tanong sa 'kin ni Zach habang pilit akong inilalayo sa pagkakadikit sa kanya ngunit mas lalo akong sumiksik.

"May sumusunod sa akin, Zach. Tulungan mo ako," bulong ko.  Naramdaman kong napahinto sa pagtulak sa 'kin palayo si Zach at hinayaan lang ako na sumiksik sa kanya. Ilang minuto kaming ganoon habang nakatingin doon sa pinanggalingan ko. Kinakabahan ako dahil tila may balak si Zach na abangan 'yong sumusunod sa akin.

"Zach, tara na baka maabutan pa tayo no'n." Hinila ko ang laylayan ng damit ni Zach ngunit hindi man lang ito nagpatinag. "Zach."

"Just wait.

"Pero–" Narinig ko muli 'yong yabag. Hindi ko alam kung sadya iyon ng sumusunod sa akin para takutin ako. Pero, in fairness, effective. Nag-hysterical ako at muling hinila ang laylayan ng damit ni Zach.

"Zach, halika na. Baka may dalang kutsilyo o baril yan," natatakot kong saad. "Zach. . . " tawag ko kay Zach kahit na nasa tabi ko lang ito at hawak-hawak ko ang laylayan ng damit niya.

Kahit na madilim ay nakita ko ang bulto ng isang tao na nakatayo tatlong dipa ang layo sa amin. Muli akong nag-hysterical at hinila na si Zach paalis sa lugar na ito ngunit hindi ito natinag. Pinipilit ko itong hinihila nang magkaroon ng ilaw ang poste na nasa tapat namin.

Napatingin ako kay Zach. Seryoso itong nakatingin sa may kabila. Hindi papatinag ang mukha nito at tila walang kinatatakutan. Agad rin akong napatingin doon sa lalaking nakatayo tatlong dipa ang layo sa amin, at laking gulat ko ng makilala ito.

"Mark?" Naka-hood ito at nakapantalon na maong. Ang kanyang kamay ay nakalagay sa bulsa ng hood at seryosong nakatingin sa amin. "Ikaw 'yong sumusunod sa akin?"

Napatingin ito sa akin ngunit walang emosyon pagkatapos ay bumaba ang tingin nito sa kamay kong nakahawak sa laylayan ng jacket ni Zach. Naka-jacket pala si Zach. Bigla kong tinanggal ang pagkakahawak ko sa jacket ni Zach na siyang dahilan ng pagbaling sa akin ni Zach. Seryoso pa rin itong tumingin sa akin at pabalik kay Mark. Ganoon din si Mark. Nagpapalit-palit ako ng tingin sa dalawa at naguguluhan silang binalingan.

"Teka? Bakit ganito? Anong nangyayari?" paggugulumihanan ko. "Ikaw Mark, ba't mo ako sinusundan?" baling ko kay Mark. "At Ikaw Zach, ba't ka nandito? Akala ko umuwi ka na?" baling ko naman kay Zach. "Pinagti-trip-an niyo ba akong dalawa, ha? Anong akala–"

"So, you're following her?" singit ni Zach. Napatingin ako dito. "Why? You're that kind of desperate? Huh?" Nahimigan ko ang pagkasarkastiko sa boses ni Zach. Nangunot ang aking noo.

Napatingin ako kay Mark at tinaasan siya ng kilay. Nagpapahiwatig na gusto ko ring malaman kung sinusundan niya ba talaga ako.

Napahinga ng malalim si Mark at binaba ang kanyang hood pagkatapos ay tumingin sa akin.

"Yes, I'm following you, Crisha." He paused. "But I didn't plan that, okay? I'm just passing by when I saw you walking, probably to go to home. You were alone and its already past 1:30. And as I person that care on you, I worried. So I decided to follow you. Wala na rin kasi akong mukha na maihaharap sa iyo after that incident. Yet, I still care for you. Gusto ko lang na masiguro na maayos kang makakauwi sa dorm mo. I didn't mean to scare you," mahabang paliwanag ni Mark. Seryoso itong nagpaliwanag sa akin.

Acute Nostalgia Where stories live. Discover now