CHAPTER 20

8 2 0
                                    

YOU ARE MINE

"The answer is... 4498 g SiO2," announce ng facilitator. Naghiyawan ang dalawang grupo at nag-apiran pa ang mga ito dahil tama ang sagot nila.

"Central Bicol State and Lopez University got the correct answer. Both of you will proceed to the final round.

Nalaglag ang balikat ni Aaron samantalang nanlaki naman ang aking mga mata. Paanong mali?

Kinuha ko ang white board mula sa kamay ni Zach na hindi dahil siguro nabigla siya na mali ang sagot niya.

4.50 kg SiO2 ang nakasulat sa white board. 4 lang pala ang natama namin.

Tumayo na si Aaron at inayos ang upuan. "Okay na 'yan. At least nakapasok tayo sa top 10, may bonus pa dahil naka-top three tayo," pampalubag-loob ni Aaron dahil hindi kami umiimik ni Zach.

"International State University of the Philippines, you can move aside," saad sa amin ng facilitator. Doon na ako tumayo at akma ko nang buburahin ang sinulat ni Zach nang agawin niya ito sa akin. Napatingin ako sa kanya.

Walang emosyon siyang tumayo at itinaas ang kamay na may hawak na white board. "I object!" Hindi mo kakikitaan ng emosyon ang mukha niya.

Lahat ng mata'y napatingin sa kanya at nag-abang. Ang papaalis ng si Aaron ay nagtatakang napatingin kay Zach.

Nanatili lang akong nakatayo at inaabangan ang sasabihin ni Zach.

"What it is, Mr. . ." tanong ng lalaking facilitator na nasa unahan na siyang nagbabasa ng tanong at nagsasabi ng sagot.

"I think. . .you announced the wrong answer." Napasinghap ang facilitator sa tinuran ni Zach. Nagsalubong ang aking kilay ngunit hinayaan ko lang si Zach. He knows what his doing.

"The answer to the question should be 4.50 kg SiO2 not 4498 g SiO2." Umayos ng tayo ang facilitator at ngumisi na parang nainsulto.

Zach pushed up his round glass and spoke, "The answer should be in an SI unit of kilogram because the problem is asking about how much SiO2 is required to produce 3.00 kg of SiC. Technically speaking, the the answer should be in kilogram too," pagpapaliwanag niya.

"But the problem didn't say that it should be in kilogram," rebut noong babaeng nakasalamin sa side ng Central Bicol State. Emphasizing the word should be.

Zach tilted his head and smirk. "Not every appropriate unit should be stated in the problem. The students should be the one who crack the right unit by analyzing properly the problem." Napaupo ang babae at hindi na nagsalita pa.

"Grams is acceptable, but the mere fact that the other contestant already round off the atomic weight of the elements, it cause a lot of different answer. This could be an example of random error in analyses. We should avoid rounding off the number not unless it was the final answer. Hence, if we didn't rounded it up, the answer is 4497. 87840373712 g SiO2 or 4497 g SiO2 if it should in 4 significant figures. Thus, if we converted it into kilograms, 4.497 kg or 4.50 kg if we rounded off," mahabang lintaya ni Zach. Ganyan ang gusto ko pinaglalaban ang tama.

Napangiti na lang ako dahil sa paghanga.

"So, eliminating us isn't fair," dagdag pa ni Zach.

"Wow! Grabe," narinig kong bulong ni Aaron. Kahit ako, hindi makapaniwala. Kahit na hindi ko masyadong naiintindihan ang mga pinagsasabi niya dahil hindi ko naman ito forte, sang-ayon ako.

"Grabe, ang talino niya!"

"Guwapo na nga, matalino pa!"

"Gosh! Isa siyang living fictional character sa Wattpad. Akala ko sa imagination ko lang sila makikita, puwede pala sa totoong buhay. Uwi na kita!"

Acute Nostalgia Where stories live. Discover now