CHAPTER 15

15 4 0
                                    

IN DENIAL


Napuno ng ingay at nagsimulang magsipunta sa gitna ng hall ang mga tao. Last day of celebration ngayon ng shelter. At tulad ng nakagawian, ang ball ang hudyat ng pagtatapos ng selebrasyon ng foundation ng shelter, at ito rin ang pinaka-aabangan ng lahat. Mapa-sponsor man o trabahante ng shelter. Ito kasi ang araw kung saan ang lahat ay magsasaya, mag-iinuman at magsasayawan. 'Di ba napakaganda sa pakiramdam.

Agad na puno ang gitna ng hall at magiliw na nagsayawaan ang mga tao. Halo-halo ito, may mga nasa mid 20's, 30's at 50's. Pawang mga sponsor na inimbetahan at iilang mga trabahante ng shelter.

Nang ipatugtog ng dj ang magiliw at popular na sayawin ay nahagip ng mga mata ko na hila-hila ni ate Honey si Ate Perla at ang ilan pa nilang kasamahan papunta sa gitna. Kita sa mukha ni Ate Perla ang pag-awat dito ngunit wala siyang nagawa sa kakulitan ni Ate Honey. Nagpatianod nalang si Ate Perla. Nagsayawan sila kasabay ng ritmo ng tugtugin.

"Ang saya nilang tignan, no?" tanong ko sa lalaking nasa tabi ko. Maaga kaming pumunta dito ni Zach sa shelter upang tumulong pa sa pag-aayos sa gaganapin na ball. Kami na rin ang nagpresenta na mag-monitor ng mga bisita. Kaya heto kami ngayon ni Zach sa gilid ng hall nakaupo habang pinagmamasdan ang nagsasayang mga tao. Nakakahawa ang kasiyahan nila. Kung ako pa rin 'yong dating Crisha, panigurado sumasayaw na rin ako sa gitna ng hall kasama sina ate Honey.

Nang makita kami ni Ate Honey na nakaupo sa sulok ay kumaway ito at inalok kami na sumali sa kanila. Ngumiti ako dito at sunod-sunod na umiling.

"Sayaw tayo. Last day niyo na dito. Mag-enjoy kayo. Sama mo si Zach!" sigaw pa ni ate Honey ngunit umiling lang ako. Nakakasilaw at masakit sa mata ang disco light ngunit tila mas masaya ang mga tao dito.

"Zach! Sayaw tayo!" aya ng isa sa mga lalaking trabahante ng shelter. Zach just smiled and shook his head like I did.

Tinignan ko si Zach. Seryoso lang itong nakatingin sa mga taong nagsasayawan. "Last night na natin 'to. Makakabalik na tayo sa dati nating buhay. A regular student," saad ko kahit na 'di ko sigurado na may kausap ako.

Tumingin ito pabalik sa akin. "Then you should enjoy this last night." I met his eyes and felt awe. The same with that night, his eyes pulling me toward him.

From jolly and rock songs, the music change into sweet one.

Ang kaninang mga nagsasayawang mga bisita ay nagsi-gilid at hinayaan ang mga magkapareha na iukopa ang bulwagan.

Isang malumbay na tugtugin ang bumalot sa function hall. Ang lahat ng ilaw ay nakapatay at pawang disco light lang lamang ang nabibigay liwanag sa apat na sulok nito. Mahinang gumagalaw ang iba't ibang ilaw ng disco light kasabay ng malumbay at matamis na tugtugin.

"Definitely, it would be our last night in the shelter," usal ni Zach. "Ate Honey's right, we should enjoy our last night." Ngumiti ito na siyang nagpakunot ng noo ko. Tumayo ito at humarap sa akin. Naguguluhan ko pa rin siyang pinanood.

Pagkatapos ay dahan-dahan niyang inilahad ang kanyang kanang kamay sa akin. Nanlaking mata ko siyang tinignan.

"Can I have a dance. . .with you?" tanong sa akin ni Zach na nagpahuramentado sa aking puso. Biglang bumilis ang tahip ng aking dibdib at nagsimula akong pagpawisan. Akma ko ng ibibigay ang aking kamay nang magsalita ito.

"How what's it? Puwede na ba 'yon para yayain ang isang babae?" Agad kong binawi ang aking kamay na hindi niya atang napansin na inangat ko. Bigla akong napasinghap at inis siyang pinukulan ng tingin. Shuta! Muntikan na 'yon. Kala ko talaga niyayaya niya na akong sumayaw.

He tilted his head. Seems like waiting my answer.

"I am thinking of dancing with that woman," turo niya sa babaeng nakaupo sa kabilang mesa. Maputi ito at makinis. Nakasuot ito ng puting dress na siyang nagpamukha ditong anghel. Mukha siyang 'di makabasag pinggan. Nakalugay ang mahaba nitong medyo kulot na mapusyaw na kayumanggi na buhok.

Acute Nostalgia Where stories live. Discover now