CHAPTER 19

10 2 0
                                    

CLOSE TO ME



This is it!

The day has come. Maaga akong gumising dahil 3am ang call time sa school. Anim na oras ang biyahe papuntang Baguio since shuttle ang gagamitin namin.

Naglakad lang ako papuntang school dahil wala pa namang dumadaan na mga sasakyan tyaka ilang minuto lang naman ang aabutin para marating ito.  Kahapon, nagpaalam na muna ako sa mga manager ng aking pinagta-trabahuhan dahil mawawala ako ng tatlong araw. Excuse na rin kami sa mga klase sa loob ng tatlong araw na pagkawala namin.

Isang malaking back pack ang aking dala at isang maliit na sling bag lagayan ng mga importante kong gamit. Naka-high waisted black pants ako at vintage blouse na tinernuhan ko ng white shoes. Inilugay ko lang ang basa ko pang buhok.

Nasa kalagitnaan na ako ng aking paglalakad ng may biglang lumabas na maliit na aso. Nagulantang ako noong una ngunit makabawi ay nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Maliit lang 'yan na aso, Crisha. Tuloy ka lang.

Nilampasan ko lang ang tumatahol na maliit na aso kahit na nagsimula ng sumikdo ang aking puso. Tuloy lang, Crisha. Malapit ka na. Pagpapalakas ko sa aking sarili dahil nagsimulang sundan ako ng maliit na aso.

Tuwid akong naglakad at dire-diretso ngunit sinusundan ako noong maliit na aso. Tumatahol-tahol pa ito kaya napapapikit ako sa gulat. Kaya ko namang malagpasan 'yong maliit na aso basta hindi ako tumakbo ngunit may tatlong aso na nagsilabasan dahil sa tahol ng maliit na aso. Mga aspin ito, ang isa'y brown, 'yong isa naman na medyo malaki ay puti, at ang isa ay itim. Ngayon, gusto ko na lang maniwala na may balàt talaga ako sa puwet kahit wala naman.

Pigil-hininga at tuwid akong naglakad habang nagsi-pagtatahulan ang mga aso. Kapwa sila mababangis ang awra. Ang isa nakalabas pa ang matutulis na pangil ng ngipin. 'Yong isa nakalawit ang dila at naglalaway pa. Panigurado, may mga rabies ang mga ito. Pagtahol, tahol lang. Walang kagatan.

Mahigpit na ang pagkakahawak ko sa aking back pack ngunit normal lang ang aking paglakad kahit na todo na ang silakbo ng aking puso. Sinundan ako noong isa habang nakanganga pa. Napapikit at napadasal na lang ako nang isang pulgada na lang ang layo ng bibig ng aso sa binti ko.

Mapati-tili sana ako kung hindi ko lang napigilan ang sarili. Sa gitna ng paghuhuramentado ng puso ko dahil sa kaba ay kinalma ko ang aking sarili para makaisip ng gagawin para maiwasang makagat ng aso.

Because as for my observation, the dogs are growling. It even show its teeth, and raise its tail high in the air.

As I calm, I stopped and keep my hands at my side while looking down at my feet. I even averted my gaze and never tried to stare at dogs. I remain still until the dog goes away.

The tactic I did was like acting like a tree. Acting like a tree is a great method to get rid from dangerous dog.

When the dog goes away, I sighed in relief. That was almost!

Shuta! Babalikan ko 'yong maliit na asong iyon. Dahil sa kanya kaya nagsilabasan ang iba pang kalahi niya. Ano? Tumawag siya ng kasama dahil hindi niya ako kaya? Humanda ka talaga sa 'kin. Lalo na 'yong muntik ng mangagat–

"Crisha!"

"Shuta!" Napahiyaw ako at napaigtad nang gulat nang gulatin ako ni Aaron. Pingahahampas ko ito dahil halos lumabas na ang puso ko sa pagkagulat. Bigla na lang kasi siyang lumitaw sa harapan ko.

Tumawa lang ang mokong dahil sa naging reaksyon ko.

"Ayos ka lang?" Hindi ko alam kung seryoso ang pagtatanong o hindi dahil tumatawa ito. "Mukha ba akong okay?" inis kong tanong sa kanya.

Acute Nostalgia Where stories live. Discover now