CHAPTER 25

7 2 0
                                    

BACK TO ME



Isa sa pinaka-ayaw ko ang mamatay dahil sa saksak. Noong highschool ako, sabi ko, mas gugustuhin ko na lang na barilin kaysa saksakin. Para kasi sa akin mas masakit ang saksak kaysa sa baril. Ngunit heto ako ngayon, kahit 'yong pinakamaliit kong hiling ay hindi pinayagan ng universe.

Isang libong dalangin ang aking inusal habang naglalakad palabas ng eskinita. Pakiramdam ko 'pag tumagal ako dito, mamamatay talaga ako.

Tiniis ko ang sakit. Nilabanan ko ang pagpikit ng aking mga mata. Para akong hinihili ng kirot upang matulog.

Pumunit ako sa laylayan ng aking damit pagkatapos, gamit ang aking panyo naglagay ako ng bandage sa aking tagiliran. I should put a first aid and pressure to my stab to stop the bleeding.

Walang katao-tao sa eskinita. Kaya walang tutulong sa akin. Sarili ko lang ngayon ang aking maasahan. Halos 125m ang layo para makalabas sa eskinitang ito. At iyon ang obheto ko. Makalabas at makahingi ng tulong. Malapit lang ang labasan pero sa paningin ko ang layo-layo nito.

Nanghihina na ako. Pakiramdam ko mauubusan na ako ng dugo. Habang naglalakad ay kinuha ko ang aking cellphone at di-nial ang number ni Zach. Magtatakip-silim na. Panigurado naiinip na iyon o baka naman umalis na 'yon. Mainipin pa naman na tao 'yon. Naiisip ko na ang mukha niyang salubong ang kilay at halos hindi na maipinta ang mukha.

Isang ring palang ay sinagot niya na agad na hindi ko naman inaasahan.

[You are goddamn late! Where the hell are you?]

Hindi pa nga ako nakakapagsalita, 'yon na agad ang sumalubong sa akin. Base sa pananalita niya, galit na siya.

[I give you a damn opportunity to talk to me. But, where on the earth are you? You're wasting my time.] asik nito sa kabilang linya.

Napapikit ako dahil nararamdaman ko ang kirot. Huminga ako ng malalim at diniinan ang aking saksak.

[What now? Why aren't you speaking? Did you just playing me arou–]

"Z-zach. . ." Napahinto siya kakabunganga sa akin sa kabilang linya nang magsalita ako. Napahinto ako sa paglalakad dahil lumalala ang nararamdaman kong hapdi. Mas humahapdi kasi siyang kapag nagagalaw. Talagang nagagalaw ito dahil naglalakad ako.

Lumalim ang aking hininga. Hindi pa rin nagsasalita si Zach.

"T-tulong. . . Z-zach. . ." Nabuwal ako sa aking pagkakatayo at napasandal sa pader ng maliit na eskinita.

Naghahabol-hininga na ako. Parang 'di ko na rin mararating ang labasan ng eskinitang ito. Mula sa pagkakasandal ay unti-unti akong napadausdos at nanghina. Kasabay ng pagdilim ng aking paningin, naisaad ko ang pangalan ng taong ipinagdarasal ko na sana hanapin ako.

"Z-zach. . ."




3RD POV

MAAGANG dumating si Zach sa tagpuan nila ni Crisha. Hindi niya kasi namalayan na maaga pala siyang nag-asikaso at tumalima paalis. Its too late to realize that he was too early. Sa isang café na minsan na nilang pinuntahan niya napiling maki-pag-usap kay Crisha malapit sa dorm na tinitirahan nito dahil pansin niyang sarap na sarap si Crisha sa chocolate cake dito. Wala naman siyang pag-kontra dito dahil talaga masasarap ang mga nasa menu lalo na ang milktea na kanyang paborito.

On the way.

Text sa kanya ni Crisha kaya biglang sumikdo ang kanyang dibdib. It was shitting gay, but boys also felt the fluttering in their heart whenever their special someone is around.

Binasa niya na lang ito at hindi na nag-reply. Sa panahon ngayon, hindi na lang babae ang marunong magpakipot, pati mga lalaki marunong na rin. Minsan mas magagaling pa sila kaysa sa mga babae.

Acute Nostalgia Where stories live. Discover now